Share

Chapter 5

Nang makarating ako sa unit naming dalawa ni Sami. Nakangiti akong naglakad papalapit dito habang stress na stress siya sa ginagawa niyang pagdidisenyo ng kanyang plates.

"Kumain ka na?"

"What the h*ck, Roseanne?!" sigaw niya ng nagulat ko siya. "Why are you surprising me? It's good that you're home. Where have you been? Why did you just come home now? Kanina pa uwian, 'di ba? At sa pagkakaalam ko tapos na rin kanina pa ang duty mo?"

Pero imbis na sumagot sa kanya ay ngumiti ako sa kanya ng todo. Aba! Ikaw ba naman makasama ang crush mo tapos ililibre ka pa ng pagkain. Sino doon ang hindi mapapangiti ng tagumpay?

"So, anong nangyari at bakit ganyan na lang ngiti mong bruha ka?"

Binababa ko ang gamit ko sa sofa namin pati ang pagkaing tinake out ni Kalix na hindi ko nakain dahil hindi ako mapakali sa mga oras na 'yun. It's like I said something that made him angry so he's just like that. Wala kasing kibo si Kalix habang kumakain kami. I hope he's not angry because he might won't pay attention to me anymore.

"Hoy! G4g4! Tinatanong kita kung ano'ng nangyari sa'yo?"

"Hmm... sa palagay mo ba, Sami. Galit sa akin si my hubby ko?" tanong ko dito. Napangunot naman ang noo niya at nagsalubong ang kilay. Nagtataka kung sino yata si my hubby ko.

"Hoy! You are such a flirtatious woman. I thought you liked the schoolmates of our friend Layne and Kai?" seryosong tanong niya.

"Oo nga! May gusto ako doon."

"Who is my hubby are you talking about? You like so many men. Sampalin kaya kita d'yan. Gosh!"

"Ano bang sinasabi mo d'yan?" Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya.

"Because what you told us is that you like Kalix."

"Oo nga! Gusto ko siya," sagot ko dito.

"Kung gusto mo si Kalix, sino si my hubby ko? Ang harot mo!"

Eh!? Maharot? Maharot na bang magkagusto sa isang lalaki?

"Hoy! Anong maharot?! T4ng4 si my hubby ko ay si Kalix. I just called him my hubby because he told me to call him what I wanted to call him." Pagpapaliwanag ko dito. Ginawa pa ako nitong maharot ng kaibigan ko. Well, hindi ko naman itatanggi. Hinaharot ko nga si Kalix, eh.

Ano namang masama na harutin mo ang crush ko? 'Di ba, 'yun naman ang kadalasang gawain ng isang tao? Pumaparaan para mapansin ka at para maging magkaibigan kayong dalawa at hanggang dumating sa punto na mai-in love siya sayo.

"Nice! My hubby ko pala, ha?" Napangiwi si Sami.

Tumango ako. "Oo, pangit ba?"

"Bakit ganyan ang tawag mo sa kaniya? May label na kayo?"

Label? "Oo meron."

"Really? Anong status niyo?"

"Landian stage— Aray!"

"T4ng1n4 m0! Akala ko pa naman meron na." Kaya natawa ako. "Ano 'yung sinabi mo kanina? May ginawa ka bang ikakagalit ng Kalix mo sayo?"

"Hindi ako sigurado pero parang na galit siya. Nakakunot kasi ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya ng tinanong ko sa kanya kung bakit hindi na lang siya nag-architecture kasi magaling naman siya magdisenyo ng bahay."

"Why did you ask that?"

"Eh, malay ko ba! Hindi ko naman alam na sasama pala ang loob niya sa tanong kong 'yon," nakanguso kong sagot.

"You talk too much! I told you. You are not suited to be a doctor, you are suited to be a lawyer. Because you are too curious!"

Napaupo na lang ako sa sofa. Pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako ngayong araw na 'to.

"Oh, eh, ano 'to? I thought you didn't want to spend money? My gosh, Roseanne! Huwag mong sabihin na nilibre mo si Kalix. Tapos kaming mga kaibigan mo ni minsan hindi man lang namin natikman ang libre mong babae ka!"

Kaya natawa ako. Grabe siya makapag-react. Ang oa.

"Ang oa mo naman, Sami. Hindi ko siya nilibre. Alam mo namang hindi ako mayaman at wala akong perang panglibre ng pagkain."

Puro ganito kaming dalawa ni Sami sigawan lang ng sigawan. Kung hindi sigawan magtatarayan kaming dalawa at magsusungitan.

"So, ang sinasabi mo ba... nilibre ka ni Kalix?" Namamanghang nitong tanong.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Kaya pala ang tagal mong umuwi kasi nakipag-date ka pa sa Kalix mo. Ano? Umamin ka nga, may label na ba kayo?"

"Wala pa."

"Wala pa? Does that mean you're going to continue flirting with him? But I'm telling you, Roseanne. Iba na ang panahon ngayon. Baka sa huli ikaw ang masaktan sa inyong dalawa at hindi siya."

Hindi ako nakaimik ng ilang segundo sa sinabi ni Sami. "Hindi naman siguro."

"Hmm... sige, ikaw nagsabi, eh. Just when you're hurt and when you can't take it anymore. Stop it, huh? I don't want to see you hurt because you're still a beginner when it comes to love. Sa ating anim ikaw palang ang hindi nakakaranas ng serious relationship."

Sa panahon ngayon ang daming mga manloloko. Maraming nagpapaiyak pero iba naman siguro si Kalix, 'di ba? Hindi naman niya siguro ako papaiyakin. Hindi ko na kinulit pa si Sami. Dahil kailangan niya talagang tapusin ang mga plates niyang ginagawa.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga kamay ko at nagtipa sa keyboard para i-search ang pangalan ni Kalix. Meron naman yata siyang social media, 'di ba?

Ise-search ko palang sana ang name niya ng bigla nalang nag-vibrate ang cellphone ko at nag-notif na 'Kalix Dela Vega a sent request to you'. My eyes widened and I held back my scream. Oh my ghad! And my eyes widened when my cell phone rang again because he also followed me on my I*******m.

Oh my ghad! I think I'm going to die. And I smiled even more when suddenly my Kalix chatted. Don't be like that, I might fall in love with you even more deeply. Sige ka at baka hindi ka na makawala sa akin. Char!

Ganito pala pakiramdam kapag nagsent sayo ng friend request ang crush mo. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganito. I'm a flirty girl but I've never been in love like this. Just now. And I think I was really struck by Dr Dela Vega.

Kalix:

Did you get home safely?

Nag-aalala ba siya? Kasi naman siya, eh. Hindi niya na lang ako hinatid pauwi.

Roseanne:

Oo, naman ko pa ba?

Kinikilig talaga ako kapag siya ang kausap ko o kapag siya ang kasama ko. Sinent ko na at ang tagal niyang i-seen 'yung reply ko. Naghintay pa ako ng ilang minuto.

Kalix:

Good.

'Yun lang? I waited another 10 minutes. Then this is all he will reply? He's annoying! Hindi kaya galit pa rin ito sa akin?

Roseanne:

Galit ka ba sa tinanong ko sayo kanina? Sorry. Hindi ko naman alam na magagalit ka sa tanong kong 'yun.

Hinintay kong i-seen niya at mag-reply siya kaso sineen niya lang at hindi na nag-reply pa. Galit siya sa akin. Baka hindi na niya ako pansinin. Huwag naman mamamatay puso ko niyan. Charot! I snorted, then I did my usual routine every time I go to sleep. But before I go to sleep I review first.

At syempre nagpicture ako at ipo-post sa mga social media ko para magpapansin kay Kalix. Ewan ko ba sa lahat ng nagustuhan kong lalaki siya lang ang nilandi ko.

A few minutes passed and Kalix didn't even notice my day. Online naman siya. Galit ba talaga siya sa akin? Pumunta ako sa story niya. Nag-post siya ng story niya ng binabasa niyang libro. Naglakas loob akong pinindot ang direct message at nag-message sa kanya.

roseannemsb:

Galit ka ba?

Kinakabahan ako. Naghintay ako ng ilang minuto at nakahinga naman ako kahit papaano ng makita kong sineen niya at nagty-typing.

kalixjhdv:

No.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng huli kong nakita si Kalix at sa isang linggong iyon ay parang hindi buo ang araw ko. Hindi na din ako nag-message dahil galit siya.

"Inom tayo?" tanong ni Sami. Habang naglalakad kami ngayon palabas sa aming university at may nginangatang french fries.

"Hindi ka ba nagsasawang uminom, Sami? Maawa ka naman sa sarili mo at sa atay mo. Gusto mo yatang mamamatay ng maaga. Tumigil ka na nga sa kakainom mong 'yan!"

"Hoy! Makapagsermon ka sa akin ay akala mo hindi ka rin umiinom. I'm not the only one who drinks either. You too!" sigaw ng kaibigan ko sa akin pabalik.

"Syempre sayang, 'no! Libre pa naman sayang naman kung tatanggihan ko ang grasya. At higit sa lahat masarap 'yung libreng alak lalo na't kung mamamahalin at masarap ang maiinom o makakain," natatawang saad ko sa kanya.

"Ang sabihin mo kuripot ka lang talagang ka!"

Kaya naman natawa ako ng malakas sa sinabi ng kaibigan ko. Kilalang kilala niya talaga ako.

"Grabe ka naman makakuripot. Nagtitipid lang naman talaga ako," natatawang saad ko sa kanya.

"Ul0l!"

"Pero kumusta 'yung mga plates mong ginagawa mo? Tapos mo na bang gawin at nang-aaya ka na namang uminom?" 'Yun kasi ang pinagkakaabalahan niyang tapusin ng isang linggo, ako naman ay naging busy sa duty ko.

"Of course. Mang-aaya ba ako if I'm not done with my plates yet?"

"Ang taray mo. Parang nagtatanong lang!"

"Nasaan na 'yung nagugustuhan mo? Kamusta kayo?" tanong niya bigla.

Napatigil ako sa paglalakad 'tsaka ko naalala na galit 'yun sa akin ng huli naming pagkita. Hindi ko na rin siya kinulit ng nag-reply siya.

"Hoy! Sachiko, ayos ka lang?"

Doon lang bumalik ang katinuan ko ng may sumigaw at sabay batok sa akin. Tinignan ko ng masamang-masama ang bumatok. Nakita kong ngiting-ngiti ang isang lalaking ngayon ay sinusumpa ko na sa isip ko. Bw1s1t ka talaga, Karl!

"Punta ka sa pagdedemo ko, ah!" Nakangiti nitong pang-aaya sa akin.

"Demo? Bakit ang aga ng pagdedemo niyo? Makakapasa ka naman ba kaya sa pagdedemo mo?" Nakangisi kong pang-aasar dito. Aba, babawi ako sa ginawa niyang pagbatok sa akin.

"Oo naman. Ako pa ba!" mayabang niyang saad. Napairap ako sa kayabangan niyang sinabi.

"Kayabangan mo mamaya niyan, hindi ka makapasa dahil sa pagyayabang mo at kapag nangyari 'yun pagtatawanan talaga kita."

"Grabe ka naman! May galit ka ba sa akin? Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa pagkuha ko ng kwek-kwek mo at palamig mo?" tanong nito. Pero hindi ko na siya sinagot pa, umirap na lang ako.

"Ang daya mo naman yata, Karl. Why are you only inviting her? How unfair are you?! Napaghahalataan ka," nakangising saad ni Sami.

"Why would I invite you? Magmemedisina ka rin ba? 'Di ba hindi? At isa pa bawal ka doon."

"Bakit saan ba gaganapin ang pag dedemo mo, ha?" inis na tanong ni Sami. Napapatingin ang mga kasabay namin sa paglalakad papalabas ng university dahil sa sigaw ni Sami.

"Sa HSH Hospital sa loob ng operating room. Kaya bawal ka doon dahil puro naka-sterilize ang nasa loob no'n."

Kaya napabusangot naman si Sami. Bawat kasi college student na nag-aaral ng medicine kailangan obserbahan. Tinitignan nila kung makakapasa ka ba bilang isang medicine student o hindi.

Kailangan ko ng matinding paghahanda at pag-aaral sa kinuha kong kurso na medicine. Mas matanda sa akin si Karl ng dalawang taon. Dapat nga Kuya na ang tawag ko sa kaniya kaso hindi ayaw niya. Nagmumukha raw siyang matanda kapag tinatawag siya na Kuya. Ang arte, 'di ba?

"Sige na, Sachiko. Panoorin mo ang pagdedemo ko para inspired ako. Sisiguraduhin ko sayong makakapasa ako sa pag-o-obserba sa akin." Pangpipilit niya. "'Tsaka kapag nanonood ka sa pagse-seminar, lalabas tayo at ililibre kita ng paborito mong pagkain."

"Oo na, tumigil ka lang ang ingay mo. Kalalaki mong tao ang ingay mo," saad ko dito at sabay tapon ng lalagyan ng french fries ko.

"Gosh! Mga galawan mo, Karl. Bulok na 'yang galawan na yan. Lumang style na." Pang-aasar sa kaniya ni Sami.

"Buti nga ikaw nahahalata mo. Pero itong kaibigan mo hindi man lang. Napakamahid, 'no?"

Tumawa si Sami. Hindi ko na-gets ang sinasabi nila. Ano bang pinagsasabi ng nila? Nasiraan na naman yata ng bait sila. Naunang umalis si Karl. Dahil may emergency daw sa kanila. Nang tumingin ako sa kaibigan kong si Sami nakangisi na siya.

"Anong meron?" tanong ko dito. Para siyang baliw.

"Nothing. I'm just wondering if you're just really numb or o sadyang nagbubulag-bulagan ka lang?"

"Ha?"

"Ang manhid mong babae ka," nakangiting saad.

"Manhid? Ano bang sinasabi mo d'yan, Sami?" naguguluhan kong tanong. Hindi ko kasi siya maintindihan. May sira na yata ang kaibigan ko. Baliw na!

"Wala ang sabi ko ang kuripot ka na nga. Manhid ka pang babae ka!" singhal niya.

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang sinabi ng kaibigan ko. Hindi ko kasi siya maintindihan. Manhid? Hindi naman ako manhid na tao. May pakiramdam kaya ako.

Nauna ng umuwi si Sami at ako naman ay sinabi ko sa kanya na kailangan kong pumunta sa LS Hospital. I have duty now. When I arrived, I took a picture of LS Hospital at pinost ko 'yun sa social media ko na may caption na...

'Saan ka nakaduty, doc?'

Nagsuot na ako ng laboratory coat at sabay kuha ng mga medical history sa ibabaw ng lamesa ko sabay punta sa ward. Bibisitahin ko ang mga naging pasyente ko. Pagkatapos ng mga ilang oras ay natapos na ako sa pagbisita ng mga pasyente ko at kumukulo na ang aking tiyan dahil sa gutom.

Nang makapag-ayos na ako ay agad kong kinuha ang aking cellphone at excited kong tiningnan ang social media ko. I'm hoping that he saw my story. Hindi naman siguro masama kung magpapansin ako sa kanya. Isang linggo ko kaya siyang hindi nakita.

Pero pagtingin ko sa post ko sa social media ko ay sandamakmak ang comment doon ng mga kaibigan ko. Nawala ang ngiti ko sa aking labi. Mga abnormal talaga sila kahit kailan. Mga loka-loka. Nakakainis!

samisuarez: Hoy! G4g4, sino 'yan! Lumalandi ka na namang babae ka.

laynevaldez: Ay, sana all may hinihintay. Ang landi mo naman, girl. HAHAHA!

kaiortizo: Ang landi mong babae ka! Tipong-tipo talaga ang masungit at hot na doktor. Suko na ba ang bataan? HAHAHA jk lang! Labyou, girl!

leahsanchez: Sige lang bruha i-push mo 'yang kalandian mo. Patay na patay kay, Mr. Pop Star Park. HAHAHA!

frannycorpuz: Ano kumusta? Naka-score na ba? Nadiligan ka na ba? Wala na ba ang bataan?

My ghad! Mga kaibigan ka ba talaga sila? Mga sira ulo talaga sila. Mga abnormal. Napadako naman ang paningin ko sa comment ni Karl. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang nasasaktan siya. Ano ba ang nangyayari dito sa lalaking 'to?

Bigla na lang nag-vibrate ang cellphone ko at nakita kong nag-follow request si Mark at Shawn ang ilang kaibigan ni Kalix. Walang pagdadalawang isip na in-accept ko sila at finollowback. Napanguso akong lumabas sa lockers room ng mga doctor.

Hindi man lang pinansin ang post ko. Manhid na lalaki. Pero napatigil ako sa paglalakad ng tumunog ulit ang cellphone ko. Nakita kong may pinost ang kaibigan ni Kalic na si Mark sa story nito. Nakita kong nasa Pop Star Park na naman sila at halatang nag-iinuman.

Nanlalaki ang mata kong tinignan ng maigi ang stolen photo ng isang lalaki. My ghad! Ang gwapo niya pa rin kahit stolen ang kuha. Si Kalix 'yun at may hawak na libro at nakasalamin. Ang cute niyang pagmasdan sa messy hair na ayos niya.

Pero lalong lumaki ang aking mata at napalunok ng sunod-sunod nanh makita ang caption na nakalagay doon sa post ni Mark na…

'He's busy'

My ghad! Alam ba niya? Alam ba ni Mark? F*ck! Halata ba ako masyado? Lord, pwede bang kunin niyo na po ako ngayon na?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maya Panaligan
nxt po sana mag update na po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status