Share

13

"May announcement raw mamaya pagkatapos ng lunchtime. Kaya wala na tayong pasok."

"Announcement? Na naman?! Pwede bang 'wag na lang umattend?" tanong ko sabay hikab. Inaantok talaga kasi ako.

"Lahat daw ng college student required daw umattend sa announcement mamaya. Ibig sabihin ay kailangan nating dumalo," sagot ni Sami.

"May multa raw kapag hindi dumalo," biglang saad naman ni Karl.

"Kailan pa nagkaroon ng multa kapag hindi dadalo sa announcement?" takang tanong ko.

"Ipinatupad iyan ng pinanganak ka. Kuripot ka na nga, tapos tamad ka pa." Pang-aasar niya, pero imbis na patulan siya hindi na lang ako nagsalita. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kaniya lalo na't kulang ako sa tulog.

Natapos ang lunchtime namin ay dumiretso na kaming tatlo nila Karl at Sami sa auditorium. Hindi naman talaga ako nakikinig kapag may ganito, nakakatamad kasi. Nilabas ko ang cellphone ko dahil nabo-bored ako sa ina-announce. Nakita kong online si crush.

roseannemsb:

Anong oras fling date natin?

kali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status