Share

Chapter 3

Huminto ang sasakyan ni Sami sa isang magandang building. Ano pa nga ba aasahan ko? Eh, mayayaman ang mga nag-aaral sa Saint Mary Heart University.

"Ang ganda ng building na tinitirhan ng lalaki mo, Kai," manghang saad ni Franny.

"Oh my goodness! That's a big no, no! Hindi ko lalaki si Shawn. He's not my type so stop it! Tigil-tigilan n'yo ako," mataray na saad ni Kai.

"Ang taray! Parang nagbibiro lang naman," natatatawang saad ni Layne. "Masyado kang intense, teh."

"Because Shawn is not really my man!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Kai.

"Hey, easy lang," awat sa kanila ni Sami ng makaramdam ng nakakainitan sila.

Pero inarapan lang kami ni Kai. Napikon siguro sa pang-aasar nila Layne. Maybe she really doesn't like Shawn. Because when Kai has a type of man, she should not have enough time to bond with us so that she can flirt with her man.

Naglalakad kami at hinanap ang room ng lalaki sa may 5th floor. Nang mahanap namin ay nag-doorbell kami. Nakakailang doorbell na kami at naiinip na sina Leah dahil sa tagal kaming pagbuksan ng pinto.

"Hi! Pasok kayo." Bati sa amin ni Shawn. "Huwag kayong mahiya."

"Tagal mong buksan," anas ni Kai.

Natawa naman ang lalaki. "Sorry, may ginawa lang."

Pero inirapan lang siya ni Kai. Kanina pa sila nag-uusap pero hindi ako nakikisabay dahil abala ako sa pagtingin sa paligid.

"Hoy! Are you alright? You have been speechless for a while. Do you feel any pain?" bulong ni Sami.

Nakaupo na kami sa sofa at may nakahanda na ang alak at pagkain sa lamesang katapat ng sofa-ng inuupuan namin. Ang laki pala ng loob ng condo ni Shawn at maganda pa ang kulay at disenyo.

"Hmm...ayos lang naman," mahina kong sagot dito kay Sami.

"Maganda ba?" Nagulat ako ng may umabot sa akin ng isang bote ng alak.

Red Horse? Tinanggap ko naman iyon at inangat ang paningin para malaman kung sino ang nag-abot sa akin.

"Ahm, oo. Ang galing ng nagdisenyo ng condo mo. Simple, pero maganda at ang sarap sa paningin," sagot ko dito.

"Talaga?" tanong niya. Tumango ako dito at ngumiti ng bahagya. "Pre, maganda daw ang pagdisenyo mo ng condo ko. Simple pero maganda at ang sarap sa paningin."

Doon ko lang napansin na nandito pala si Dela Vega. Akala ko ba hindi siya pupunta? Ano 'yun nagbago ang isip? Pabebe lang?

"He's been looking at you for a while. Dahil kanina ka pang parang t4ng4ng nililibot ang paningin mo sa condong 'to. Tapos ngayon mo lang napansin ang bebe mo," mapang-asar na saad ni Franny. Si Franchesca at Samantha kasi ang katabi ko.

"S-Siya ang nagdisenyo ng condo mo?" Hindi makapaniwala na tanong ko. Kung ganun ang galing ng naisip niyang disenyo.

"Bakit? Hindi ba halata na marunong siyang magdisensyo?"

"H-Hindi naman...hindi lang ako makapaniwala na s-siya pala ang nagdisenyo ng condo mo," napapahiyang sagot ko.

"Yes, apart from Kal being good at medicine. He is also good at designing houses. He can also become an architect if he wants to," mahabang sagot nito.

Tama siya. Pwede din siyang maging isang architecture. Magaling na nga sa medisina, magaling pa sa pagdidisenyo. Hindi kaya bakla siya? Nanlaki ang mata ko ng maisip ko.

What nonsense is coming to my mind? He's not obviously gay. Lalaking-lalaki ang galawan niya. Kaya posible siguro ang naiisip ko.

I took a piece of pizza and ate it. My friends were chatting with the friend of the man Kai had talked to earlier. Hindi yata sumama ang iba pa nilang kaibigan na lalaki. Lahat sila ay may mga itsura. Naglabas pa ng maraming alak si Shawn. Mauubos ba namin lahat ng ito? Ayaw ko pa naman ang ugali namin kapag lasing kami.

Lumalabas ang kalandian namin kapag lasing kami at 'yun ang ayaw kong mangyari dahil nakakahiya naman kapag nakita ni Kalix ang kalandian ko. Pero ng isang araw ko pa talaga naiisip na kung ano ang posible kong gawin para mapansin ako nitong Kalix na 'to. Itsura niya pa lang kasi ay ang hirap niyang landiin o lapitan man lang.

Binuksan naman ni Shawn ang alak at nilagay sa basong pang inuman talaga at isa-isa sa amin binigay iyon ngunit hindi tinanggap ni Kalix ang basong may laman na alak na inaabot ni Shawn sa kanya. Hindi ba siya palainom?

"I don't want to drink," masungit nitong saad sa kaibigan.

"Dude! Sige na! Minsan-minsan lang naman tayong mag-inom, eh." Pagpipilit ni Shawn kay Kalix. Pero inilingan lang siya nito.

Maka-Kalix ako ay akala mo close kami ng crush ko, hahaha!

"Sabi sayo, Shawn. Huwag mo ng ayain iyang pumunta dito hindi naman siya iinom. Tignan mo tutok na tutok doon sa librong binabasa niya," saad pa ng isa pa nilang kaibigan.

"Lah! I didn't force Kal to come here. Nagulat na nga lang ako at biglang pumunta iyan dito n—" Hindi na natapos ni Shawn ang sasabihin niya ng batuhin siya ni Kalix ng unan.

"Shut up, shawn!" sambit ni Kalix.

"Oh, bakit? Tama naman ako—"

"Tigilan mo nga si Kalix, Shawn!"

Kumunot ang noo ko ng tumahimik si Shawn dahil sa pagsaway sa kanya ni Kai. Magtatanong sana ako ngunit sinalinan ni Kai ang basong iniinuman ko. Nakakailang salin na si Kai ng San Mig sa baso ko pero si Kalix ay nagbabasa pa rin ng libro sabay kumakain ng french fries. Ang cute niyang pagmasdan habang nagbabasa at kumakain. Nakakunot ang noo niya habang nagbabasa.

"Hayaan niyo na si Lix baka importante talaga ang binabasa niya. 'Di ba nga magdodoktor siya?" saad ni Layne.

Wala ng nagawa ang kaibigan ni Kalix. Dahil hindi naman nila mapilit na uminom ng alak. Nagpatuloy na lang kami sa pag-inuman at minsan nakikipagdaldalan ako sa mga kaibigan ni Kalix. Mukhang mabait naman silang lahat.

Tinigil ko muna ang pag-inom ko ng nag-vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nag-text sa akin. Nang makita kong si mama ang nag-text agad ko 'tong ni-replay-an. Gabi na pala hindi ko namalayan.

Leah and Franny are already kissing Kalix's two friends. Kai and Layne were talking there with Kalix's two other friends as well. Sami was already sitting on the lap of another friend of Kalix. Napapailing ako sa mga nakikita ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.

Ito pa naman ang ayaw ko kapag may tama na sila ng alak. Lahat sila may ginagawa maliban lang sa akin at si Kalix. Nagsasalin na ito ng alak sa baso niya at ganon rin ang ginawa ko nagsalin ulit ng alak sa baso ko.

Tumayo ako at kinuha ang walis at dustpan na nakita ko sa isang tabi at winalisan ang mga kalat. Nagulat ako ng tumayo si Kalix at inagaw sa akin ang dustpan na hawak ko at siya ang naglagay sa basurahan ng laman ng dustpan na basura. He helped me to clean the mess. After we cleaned, I took a glass na may lamang alak at binuksan ang sliding door para makapunta sa terrace. Nagulat ako ng may tumabi sa akin.

"I guess...you won't mind if I join you?" Nakatingin siya sa paligid.

"A-Ah, hindi naman," naiilang kong sagot sa kaniya. "Bakit ka nandito? Ayaw mo bang maingay? Gusto mo rin bang makalanghap ng hangin? O…"

"Or?" Bahagya siyang tumingin sa akin.

"Or gusto mo akong makasama?"

"Hmm," napataas ang kilay niya sa huli kong tinanong.

'Yun na 'yun? Hindi man lang niya sinagot. Ayaw niya ba akong kausap?

"2nd year ka rin ba katulad ko?" Gusto ko mapahaba ang mag-uusap namin. Kaya magtatanong at magtatanong ako kung anong pumasok sa isip ko.

"Nope..." Ganito ba talaga siya? Ang tipid niyang sumagot.

"Eh, anong year ka na?"

"4th year."

"Malapit ka na palang magtapos ng college. Magnu-neurologist ka pala. Doktor ka o nurse?"

Ano ba 'yan, Anne! 'Yan na yata ang pinakat4ng4 mong galawan. Alam mo na ngang magdodoktor. Itatanong mo pa.

"Doktor."

I feel like he doesn't want to talk to me. He seemed indifferent and lazy to answer. Hindi na lang ako nagtanong. Pakiramdam ko kasi ayaw niyang may kumakausap sa kanya na hindi niya kilala. Ang kapal kasi ng mukha ko, eh. Nagpe-feeling close na naman ako sa isang tao.

"You?" Biglang tanong niya.

"Ha?! Ako? A-Ayaw ko ng neurologist. Gusto ko maging isang cardiologist na doktora," sagot ko.

Natawa naman siya sa naisagot ko. May nakakatawa ba? Tinatawanan ang mga sinasabi ko. Iniinsulto niya ba ako?

"Ah, oo nga pala! Noong isang araw nakita kita doon sa LS ospital. Bakit ka pala nandoon? Nag-duty ka ba doon?"

Sige, Anne. I-push mo ang pagiging kab0b0han mong babae ka.

"Hmm...yup."

"Family doctors ba kayo?"

"Nope."

Napatango ako. "Eh, anong trabaho nila? Kung ganun?"

"They're both in business management."

"Ah, nag-iisa ka nilang anak?"

"Yes."

"Wow! Solo ka din pala. Buti naman pinayagan kang maging doktor? Kasi ikaw lang naman ang magmamana ng business ng magulang mo, eh." Agad niyang iniwas ang paningin niya ng itanong ko sa kanya iyon. At nakita ko ang pagdaan ng irita sa kanyang mukha.

Ahm...may naitanong siguro akong isang bagay na napakapribado sa kanya. Hindi ko sinasadya. Ang daldal mo kasi, Anne! Iyan tuloy! Mukhang galit siya. Sorry na! Huwag ka ng magalit sa akin babe ko.

"Do you have social media accounts?" tanong niya ng mamutawi ang katahimikan sa pagitan namin.

"Bakit?" Bakit niya tinatanong? I-a-add niya ba ako? O iinstalk niya ba ako? Halah! May gusto din ba siya sa'kin?

"Nothing."

"Iin-stalk mo ba ako? Kapag sinabi ko ang pangalan ng social media account ko?" Tumawa naman siya. May nakakatawa?

"I don't like to use a social media account."

Eh?! Patawa ba siya? Eh, bakit niya tinatanong?

"Then why are you asking if I have a social media account?" mataray kong tanong dito.

"Why is it bad?"

"Not really. But you asked," nakanguso kong saad pero hindi ko na tinapos ang sasabihin ko. Nakakainis naman siya. Akala ko pa naman ia-add niya ako. Nag-assume pa naman ako.

"But what is your name?"

"I'm Roseanne Margaret Sachiko Buenaventura may lahi akong hapon pero kung gusto mo pwede mo rin ako lahian." Napaatas ang kilay niya sa nasabi ko. "Joke lang! Kung nahahabaan ka sa pangalan ko pwede mo akong tawaging babe."

"Nice!" Papuri niya.

"Nice? Ang alin ang pangalan ko o 'yung itatawag mo sa akin na babe?" Napailing na lang siya at nilaro ang basong hawak niya na konti na lang ang laman na alak.

"Crazy. What shall I call you?"

"Kung...anong gusto mong itawag sa akin. Pwede namang Roseanne, Margaret, Sachiko, Rose, Anne o 'di kaya ay Babe mas magandang tawag 'yun para sa akin. Lalo na kung ikaw ang tatawag sa akin ng ganun," natatawang saad ko. Lalong tumaas ang kilay niya at nakita ko pang inirapan niya ako sa sinabi ko. "Joke lang! Anne na lang ang itawag mo sa akin."

"Okay?"

"Eh, ikaw naman. Ano ang itatawag ko sayo? At anong pangalan mo?" Syempre gusto kong mismo na galing sa bibig niya ang pangalan nitang maganda at astig.

"I'm Kalix James Dela Vega. You're future husband," saad niya sabay kindat na ikinagukat ko. Hindi ko kasi akalain na gaganun siya.

"Oh, hello my future hubby," pakikisanakay ko sa kalokohan niya ng makabawi ako. Natawa siya. Ang sarap talaga pakinggan ang tawa niya.

"Just kidding! Just call me whatever you want," saad nito sabay tinalikuran ako at iniwan dito mag-isa.

Napangiti ako ng naisip ko kung anong itatawag ko sa kanya. Sabi niya kahit ano daw ang itawag ko sa kanya, eh. Eh, 'di my hubby na lang. Wala naman na akong gagawin dito kaya pumasok na lang din ako. Nakita ko silang nakaupo na ng maayos. At halatang may mga tama na. At nawawala na rin ang dalawa kong kaibigan.

"Ano? Ayos pa ba kayo?" tanong ko sa mga natitirang kaibigan ko dito.

"Hmm, kaya pa naman," sagot ni Layne.

"Ang harot mong babae ka," saad ni Sami sabay batok sa akin ng mahina.

"Anong oras tayo pupunta sa condo mo, Kai?" tanong ko.

"Bakit inaantok ka na ba? Lasing ka na ba?" tanong nito. Umiling ako bilang sagot. "Mamaya na tayo umuwi pag uuwi na yung kaibigan ni Shawn."

"Bro, gusto mo?" Pang-aalok ni Shawn kay Kalix ng sigarilyo. Masama na nga sa kalusugan ang alak tapos nagsisigarilyo pa sila. Gusto yata nilang mamatay ng maaga.

"Uy, Shawn! Wala ka na bang stock na alak?" tanong ng kaibigan ni Kalix. Hindi pa ba sila tapos uminom?

"Anne, bili ka ng alak at pagkain. Ubos na kasi wala na tayong maiinom at makakain isama mo na lang si Lix," nakangising saad ni Kai.

Sinamaan ko siya ng tingin. Wala namang ibang mauutusan kundi ako at si Kalix lang. Mga may tama na kasi sila. Wala akong ginawa kundi ang pumayag wala kasing ibang mauutusan. Nagulat ako ng tumayo at mag-jacket si Kalix. Papayag siyang sasama sa akin sa pagbili ng alak at pagkain? Naglalakad na kami ngayon palabas ng building. Nagulat ako ng makita ang oras. Ngayon ko lang napansin na 12 AM na pala.

"Naninigarilyo ka pala. Akala ko umiinom ka lang," saad ko para naman hindi tahimik ang paglalakad naming dalawa papunta sa malapit na supermarket.

"Yeah."

Napanguso naman ako. Ang ikli naman niyang sumagot.

"Mahilig ka siguro sa short, 'no?"

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Eh, kasi naman ang ikli mong sumagot. Ganyan ka ba talaga? Kaya pakiramdam ko ayaw mo akong kausapin." Hindi siya sumagot kaya nanahimik na lang ako.

"Hmm, I'm just...nag-iingat," saad niya kaya ako naman ang nagtatakang tumingin dito.

Nag-iingat para saan naman?

"What do you mean?"

"Nothing." May sinabi pa siyang kasunod kaso hindi ko na narinig kasi binulong na lang niya.

"Ganito ka ba talaga katahimik?" tanong ko.

"Slight." Napairap ako ang ikli niyang sumagot.

"Kailan ka ulit magdu-duty sa LS Hospital?" Okey na siguro ang ganito. Kahit maikli lang siya sumagot. At least kahit papaano nakakausap ko ang taong gusto kong tao.

"Why did you ask?"

"H-Ha?! W-Wala naman."

Nagkibit-balikat siya. "I don't know."

"Huh? Bakit hindi mo alam?"

"It depends on my university where I may be assigned to duty." Sabagay depende nga pala 'yon kung saan ka ipapa-duty na ospital. Dahil student pa lang naman kami kaya kung saan-saang ospital kami naka-assign na ospital.

Dumating ang Monday at nagmamadali akong pumunta sa SMH hospital. Stress na stress na nga ako sa mga gagawin ko tapos nagmamadali pa akong pumunta sa SMH hospital. Nakalimutan ko kasing ipasa ang medical chart sa isang doktor doon na professor ko. Alam kong magulo na rin pagkakatali ko ng aking buhok. But I didn't pay attention to it anymore. I got on a jeep to go there and catch up with my professor. When I got to SHM Hospital, I immediately ran inside and unexpectedly, I bumped into someone.

Kung kailan ka naman nagmamadali doon mo pa makakasalubong ang malas. Nag-angat ako ng tingin dito at handa na sanang sigawan ang nakabungguan ko pero hindi ko natuloy. My ghad! Bakit ngayon pa? Ang pangit-pangit ko pa naman ngayon! Wahhh! Nakakahiya!

"H-Hi!" May pag-aalinlangan na bati ko. Nakuha ko pang makipaglandian sa taong nagugustuhan ko.

"Are you okay?" tanong nito.

"Oo, sige mamaya na lang tayo maglandian may kailangan pa kasi akong ipasang medical chart."

My ghad! Ano ba ang sinasabi ko?

"Ah, j-joke lang. Sige una na ako."

Nakita ko kung paano niya kagatin ang gilid ng labi niya para mapigilan ang munting ngiti niya. My ghad! Bakit may kagat labi pa siyang nalalaman?

"Okay."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status