Share

Chapter 2

Kinabukasan, maaga akong gumising na dahil sa ngayon ay may duty ako sa LS Hospital ng university namin. My friend Sami was still asleep when I left our condo. We both share a condo and we also attend the same university where we study.

"Good morning, Dra. Buenaventura! Ang aga natin, ah? 6:30 palang, oh! 'Di ba mga 8 ang duty mo, 'di ba?" tanong ng isa kong kapwa medisina rin.

"Ah...wala bibisitahin ko kasi 'yung mga naging pasyente ko. Good morning rin!" naiilang na saad ko dito. "Sige, ah? Una na ako."

"Sige," saad nito at muli akong nginitian.

Ang totoo niyan mamaya pa talaga ang duty ko pero nagbabakasakali kasi akong makita ulit si Dr. Dela Vega na iyon dito. Kaya maaga akong pumasok kaso parang wala. What is his full name kaya? Where does he study? It's very impossible na he is also studying at Little Star University, eh.

"Hoy, Anne! Sino hinahanap mo?" curious na tanong ni Mary ang kaibigan ko dito sa LS hospital. Sa LSU rin siya nag-aaral kaklase ko sa medisina.

"H-Ha?"

"Kanina ka pa kasi palingon-lingon. It's like you're looking for something. Who are you looking for? And you were just looking around like a fool," curious ring tanong ni Lorraine. Isa ko pang kaibigan dito at kaklase sa medisina.

"W-Wala akong hinahanap." My ghad! Kanina pa pala akong parang t*nga sa ginagawa ko hindi ko alam. Bakit ko kasi hinahanap ang lalaking 'yun?

"Ang aga mong pumasok! Mga 8 pa duty mo. Magsabi ka nga ng totoo. Sino hinahanap mo?" seryosong tanong nilang dalawa. At naniningkit pang nakatingin sa'kin na parang inoobserbahan ako.

"W-Wala talaga...kaya ako maagang pumasok para bisitahin ang mga pasyente natin." Tumango-tango naman sila na parang hindi pa sila kumbinsido sa sagot ko sa kanila. Hindi na lang ako nagsalita pa at baka mahalata talaga nila na may hinahanap ako.

"Nabalitaan niyo ba?" Maya-maya ay tanong ni Lorraine.

"Ang alin?" curious rin naming tanong dalawa ni Mary dito.

"They said there were some handsome guys na nag-duty kahapon dito, but they all came from other universities," kinikilig na saad ni Lorraine. "Sayang nga lang! Hindi ko man lang sila nakita dahil nasa mga pasyente ako magdamag at binibisita sila."

"Sayang nga hindi kasi ako naka-duty kahapon. How about you, Anne? Did you see? Didn't you come here yesterday to pass the medical results to the head doctor?" tanong sa akin ni Mary.

"Hindi, hindi ko naman kilala ang mga ibang naka-duty dito kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy n'yo," sagot ko sa tanong niya.

Could it be that Dela Vega and the girl I saw yesterday are from another university na nag-duty dito?

"I don't know their names, but the last name that resonated more yesterday was Dela Vega. They said he was the most handsome sa mga nag-duty." Hagikgik ni Lorraine.

So, tama nga ang hinala ko. Saan kaya siyang university nag-aaral? Naka-duty kaya ulit siya dito? Sana mag-duty siya ulit dito. Para makita ko ulit siya. Nagpaalam na ako sa kanila para puntahan na ang pasyente ko at tignan ang kalagayan nila and until I finished my duty I did not see Dr. Dela Vega. Too bad, I made an effort to come in early. Nakabusangot akong naglalakad palabas ng ospital. Habang naglalakad ako ay kumukulog.

I stopped at the waiting shed to wait for the jeep. Uulan pa yata wala akong dalang payong ngayon hindi ko na dinala dahil kanina naman ay maganda ang panahon. Ilang minuto akong naghihintay sa waiting shed. Hanggang sa mag-umpisa ng umulan. Naabutan na ako ng ulan kakahintay ng sasakyan. Umisog ako sa kinauupuan ko dahil umaampyas ang tubig ulan sa inupuan ko kaya umaatras ako ng umatras hanggang sa may nadanggil akong isang matigas na bagay.

"S-So—" I didn't finish apologizing when I realized who it was.

Natigilan ako saglit at nanlalaki ang mata. My ghad! Ang kinis at ang puti. Walang pimple. Bumaba ang paningin ko sa damit niya at usual ay itim na naman lahat. Araw-araw ba may dinadaluhan s'yang burol?

"Are you okay?"

Tinatanong niya ba ako? Ako ba kausap nya? Lumingon pa ako sa gilid ko baka kasi iba ang kausap niya. Mahirap ng mag-ilusyon na ako ang kinakausap nuya. Baka mapahiya lang ako.

"A-Ako ba kinakausap mo?" tanong ko.

Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan ako. I-Inirapan niya ba ako? At tinaasan ng kilay? Ang sungit, ah.

"Do you see anyone else here?"

Umiling ako agad sa kaniya.

"So obviously I'm talking to you and no one else," dagdag niyang saad. Nagugulat akong napalingon dito. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagsasalita at masungit pa.

"S-Sorry naman...m-malay ko bang ako pala ang kinakausap mo," nakanguso kong saad dito.

"Surō!"

Sayang ang gwapo pa naman. Kaso masungit. But instead of feeling annoyed with him, on the contrary, I feel happy and thrilled when he nagsusungit. Baliw na yata ako. Ayaw ko pang umuwi hanggang nandito pa siya. Gusto kong makasama ang crush ko kahit mga ilang oras pa.

"Taga-LSU ka ba?" tanong ko sa kanya. Kahit alam ko naman na hindi siya do'n nag-aaral.

Umiling siya bilang sagot niya sa tanong ko. Ano ba naman! Mahirap bang magsalita? Kung hindi siya taga-LSU. Saan kaya siyang university nag-aaral?

"SMHU," biglang saad niya.

Saint Mary Heart University doon din siya nag-aaral sa university ng kaibigan ko? Ibig sabihin galanti rin siya. Mga mayayaman kasi ang nag-aaral doon. Mas galanti sa university na pinapasukan ko.

"LSU?" tanong niya ng mamutawi na naman ang katahimikan.

"Oo," sagot ko.

"Medicine?"

Teka! Paano niya nalaman?

"Oo," sagot ko na lang ulit.

"Can I court you?"

"Oo," mabilis kong sagot pero ng ma-realize ko kung ano ang tinanong niya ay napatingin ako sa kanya. "H-Ha?"

"Neurologist?"

Napailing na lang ako baka mali lang ang pagkakarinig ko.

"H-Hindi," agad kong sagot sa kaniya. "Eh, ikaw? Neurologist ka?"

Ako naman ang nagtanong sa kaniya. Gusto ko kasi mapahaba ang usapan namin.

"Yes," sagot niya. Hindi ko alam na neurologist siya. Sa pagkakaalam ko iyon kasi ang mahirap na part na operahan ng isang doktor. Hindi ko sure.

"Neurologist ka pala. Ang galing!" Para akong batang manghang mangha sa isang cartoon o pelikulang napanood. "Cardiologist kasi ako, eh."

"Anne?! Why are you still here? I thought you went home na?"

Nagulat ako ng may biglang tumawag sa aking pangalan. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ang kaibigan kong si Mantha na papalapit sa akin na may pagtataka.

"MY GOSH!"

Sami looked at Dr. Dela Vega with wide eyes. I guess she didn't expect to see the man next to me that we saw at Pop Star Park.

"Ikaw. I-Ikaw 'yung sa Pop Star Park," hindi makapaniwalang saad ni Sami dito.

Nakangunot namang tumango na lang si Dela Vega dito sa kaibigan ko. May itatanong pa sana ang kaibigan ko ng may humintong sasakyan sa tapat namin at tinawag si Dela Vega ng babaeng sakay sa kotse. 'Yung babaeng kasama niya kahapon ang tumawag sa kanya. Girlfriend nuya yata iyon. Hindi na kami binigyan ng tingin ni Dela Vega at lumapit na lang sa kotseng huminto sa tapat namin at sumakay.

"Oh?! Why do you look like that? It's like you're entwined with heaven and earth. That's why you're not answering my texts and calls because you're flirting with someone. Ang landi mo naman, sis!"

"Alam mo ang epal mo!"

Napairap na lang ako sa kawalan. Kung hindi siya umepal eh, 'di sana alam ko na ang pangalan ng crush ko ngayon at kung saang university siya nag-aaral. Sayang ang pagkakataon. Nakasimangot akong sumama sa kaniya habang naglalakad papuntang sasakyan nuya. Hanggang sa makauwi kami ay ang sama ng loob ko sa kaibigan ko. Pero ng pagkauwi naming dalawa hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ng kaibigan kong si Layne.

Kung matutuwa ba ako o ma-e-excite. Pero pareho niyan ang nararamdaman ko ngayon. At hinihiling na sana ay umaga na ulit para makita ko ulit siya at makausap. Layne wants us to go to their university and pick them up so that we can gala daw ulit. Maaga akong gumising ulit dahil kailangan ako sa LS Hospital.

Nagpaalam na ako kay Sami bago ako umalis ng condo namin. She is busy like me. The finals are coming up so we need to study hard. Nang makarating ako LS Hospital ay tama nga ang hinala ko na marami ngayong case ng cardiologist na pasyente.

Sumapit ang hapon at tapos na ang duty ko. Pagkalabas ko ay nakita ko ang sasakyan ni Sami na naghihintay sa akin para makapunta na kami ng university nila Layne parang nawala ang pagod ko ng maalalang pupunta nga pala kami doon.

"Excited na excited, ah?" nakangising tanong ng kaibigan kong si Franny. Nandito pala ang babaeng 'to at si Leah.

"He was excited to see Mr. Pop Star Park," pang-aasar na saad ni Sami.

"Sinong Mr. Pop Star Park?" tanong nila Leah.

"Ask her, because I don't know the name of the person she is flirting with. Patahimik-tahimik lang sa isang tabi 'tong babaeng 'to pero meron na palang nilalandi hindi man lang nagsasabi." Pagpaparinig ni Sami.

"Ay, ganyanan na pala Anne, ah. Serkertuhan na," sabi ni Franny.

"Hindi mo man lang sinabi sa amin para matulungan ka naming lima at para mabigyan ka namin ng payo kung paano humalik sa isang guy," malanding saad ni Leah.

They only tell me sex when I say it. And how to flirt with a man. At dahil sa kanila nalaman ko ang mga hindi ko dapat malaman. Na wala ang kainosentehan ko ng simula ng makilala ko sila at makasama. If you look at us, we look innocent but the six of us are nasa loob lang ang kulo.

"Dito lang ba tayo sa labas ng university?" tanong ko.

"Ang harot mo!" singhal sa akin ng tatlo.

Napapikit at napairap ako sa ginawa nilang pagsinghal. 'Tsaka binuhay ulit ni Sami ang makina at nag-drive papasok sa university. Sami parked her car before we went out together. Just like our usual routine, we wear jackets again. Mga 4 PM pa ang labas nila Kai pero mga 2 PM palang ay nandito na kami.

Ang laki pala nitong university na pinapasukan nilang dalawa ni Kai. Ito ang una kong punta sa university nila at sobrang lawak nito. Mas malawak pa ito kaysa sa university na pinapasukan ko.

"Halah! Mga sis...nasaan na tayo?" tanong ni Franny.

"Sis, ano ka ba? Alien? Kakapanganak mo lang ba ngayon? Natural nasa ibang bansa tayo. Look,oh! Puro iba't ibang lahi ang mga nandito, oh," sagot sa kanya ni Sami.

Puro kasi iba't ibang lahi ang nakikita namin dito. At halatang ngang mayayaman ang mga nandito. At hindi na rin namin alam kung nasaan kami. I think we are getting lost here in the university. When we were tired from walking, the four of us just decided to sit down first.

"Nakakaloka ang daming pogi at mukhang mayayaman pa yata." Hagikgik ni Franny. "Anne, tingin ka sa kaliwa natin. Ang yummy ng isang guy na kulay blue ang mata."

"Oo nga, Anne. Mukhang magaling pang humalik," sawsaw pa ni Leah.

"Ay, tama kayo d'yan, sis! Hindi lang sa paghalik mukhang magaling din sa kama," bulong sa akin ni Sami.

"Ano ba! Huwag niyo nga akong guluhin. Wala akong pakialam d'yan. May hinahanap akong mas gwapo d'yan!" Umandar na naman ang pagkakaloka loka nilang tatlo.

"Bakit sigurado ka bang dito rin siya nag-aaral, ha?" tanong ni Sami.

"Huwag kang umasa, sis, na makikita mo siya dito," sabi ni Leah.

"Ang dami-dami kayang university kaya posibleng makita mo ang hinahanap mo," singit ni Franny.

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila. At nagpatuloy ako sa paglilibot ng paningin ko. Hindi naman masamang mag-assume na baka makita ko siya dito. Eh, 'yun ang sabi siya sa akin kahapon ng makausap ko siya.

Maya-maya lang ay bigla na lang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase o uwian na. At ang kaninang kaunti lang ang mga students na naglalakad ngayon ay dagsa na. Lumaki ang mata ko ng makita ko ang kanina ko pang hinahanap.

"Kyah! 'Yun siya, oh!" Pinaghahampas ko ang mga kaibigan ko sa sobrang tuwa ko.

May hawak-hawak na libro. He wears glasses and his hair is messy. But even so, he still looks handsome. As usual itim na naman ang buong damit niyang suot. May mga kasama siyang lalaki na nakita ko rin sa Pop Star Park.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang babaeng nakita ko rin sa Pop Star Park na kasama ni Dela Vega. Magkasama na naman sila? I frowned watching them both. I can't deny that I feel sad every time I see them together.

"Hoy, babaita ka! Kanina ka pa namin tinatawag. Nandito na si Layne!" sigaw sa akin ni Franny.

"MGA SISSSSSSSSSSS!" Hindi na namin hulaan kung sinong sumigaw. Dahil si Kai lang naman ang malakas at matinis sumigaw sa amin. Napatigil at napalingon tuloy ang mga ibang student sa amin.

"Hi, Kierra!" Bati ng kasama ni Dela Vega kay Kai. Kilala nila ang kaibigan ko? Are they friends? Because Kai's full name is Kierra. But because she is our friend, we just call her Kai.

"Uy, hello, Shawn!" Bati pabalik ni Kai dito sa Shawn.

"Ano? Samama ba kayo? Mag-iinuman kasi kami ng mga friends ko sa condo ko. Ano game?"

Eh?! Closed sila?

"Oo, naman!" Sang-ayon agad ni Kai. Sabay tingin sa amin. "G ba, mga sis?"

Akala ko ba kami-kami lang magkakaibigan? Bakit may kasamang iba? My friends answered except me. So they all looked at me. Nakatingin din sakin si Dela Vega na parang hinihintay rin ang sagot ko.

Aayaw ba ako? Syempre hindi! Gusto kong makasama at makita si Dela Vega, eh.

"Una na ako," biglang saad ni Dela Vega kaya napatingin lahat kami dito. "Pass ako, kayo na lang."

Nakakainis naman nitong lalaking 'to. Akala ko pa naman makakasama ko na siyang makainuman hindi pala! Ang killjoy niya!

"Oh my shocks! Oh my shocks! Dalaga ka na, Anne! Dalagang dalaga ka na Roseanne Margaret Buenaventura!" tiling saad ni Layne.

"Totoo ba 'yan? G-Gusto mo 'yung kaibigan ng kinausap ako kanina?" Hindi makapaniwala na tanong sa akin ni Kai.

Inis ko silang tinignan dalawa. Kanina pa sila ganyan ng ganyan. Simula ng nalaman na may gusto ako sa kaibigan na kinausap ni Kai kanina. Ang daldal kasi ni Sami kaya nalaman nila.

"Slight lang... naman," sagot ko.

"Well, I'm happy for you, Anne. Kaso hindi yata siya pupunta. Sayang naman." Tinignan ko siya ng masama kaya napatawa naman sila sa reaksyon ko. Nakanina pa silang nang-aasar. At napipikon na ako!

"Dapat nga talaga natin iinom 'yan, Anne. In the time we've been together and know each other, you've only now liked a man na ganyang kalandi," natatawang saad ni Layne.

Kaya napatingin ako sa kanya ng masama. Kaninang-kanina pa silang limang nang-aasar sa akin.

"Alam mo bang kasali sa Dean's Lister si Dr. Dela Vega o mas dapat kong itawag sa nagugustuhan mo ay Kalix short for Lix. Masungit siya na doktor at plus gwapo pala ang type mo, Anne! Ikaw, ha!" Pang-aasar pa ni Kai. "Sana sinabi mo sa amin para nakareto kami sayo ng mga ganyang klase ng lalaki. Eh, 'di sana nakarami ka rin tulad namin."

"G*go, Kai!" Mura ni Sami.

"Ang landi mo, Anne! Sabi mo ayaw mo sa mayayaman. 'Tong babaeng 'to marupok sa doktor na masungit at gwapong lalaki." Pang-aasar ni Franny.

Ang lakas mang-asar. Pero astig! Nasa dean's lister pala siya. Ang galing naman ng bebe ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status