[PSALM's Point of View]
Banayad ang takbo ng sinasakyan naming taxi papunta sa cafe. Napagdesisyunan kasi naming bumalik doon para ipaalam kay Miss Maggie ang nangyari kanina. Sana lang talaga ay nandun na s'ya. Pahamak pa naman 'yang palagi n'yang pagsulpot ng late.
Napabuntong-hininga ako. Nakakapanibago ang katahimikan sa aming apat. Dala na rin siguro ng pagod. Nilingon ko ang katabi kong si Pen na tamad lang na nakaupo at tuwid na tuwid ang itsura. Sa kabila n'ya naman ay ang brutal na si Lovely. Naka-angkla at nakasandal na naman s'ya kay Pen na akala mo batang mawawala kapag nakabitaw. Si Sage naman ay nasa harapan, sa passenger seat. Nakasilip lang s'ya sa labas.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong sinilip. Akala ko galing kay papa ang text message dahil palagi ko s'yang pinapaalalahanan na i-text ako kapag may kailangan s'ya o may emergency sa bahay pero text message mula sa ba
"Psalm,""Ay kape!" Gulat kong sigaw at muntik ng mabitawan ang cellphone ko. Mabuti na lang dahil nasalo ko ito. Wala na akong maipapalit dito kung nagkataon! Masama ko s'yang tinignan na prente lang na nakatayo sa may pinto."Ano ba naman pareng Sage! Lakas mong mantrip, ah?""You looked like a stiff statue there," pagpansin n'ya. Hindi ko na lang s'ya sinagot at ibinulsa ang cellphone ko. "Miss Maggie is upstairs. Kailangan ka daw dun."Agad akong pumasok nang marinig na nasa taas si Miss Maggie. Umakyat kami ng hagdan at narating ang isang kahoy na pinto. Si Sage na ang nagbukas nito at pinauna akong pumasok. Nandoon na si Pen at Lovely na nakaupo sa harap ng mahabang mesa na parang conference table. Nandoon din si Miss Maggie na as usual, nakangiti na naman."Alright! It's good to see the four of you," panimula n'ya."Bad trip ka naman Miss
[PSALM's Point of View]"So I'll see you guys on Monday? Six am ang opening ng cafe so I am expecting that the four of you will be here early than six. Linggo bukas, maintenance day. Ipapaayos ko na ang buong cafe at ipapagawa ko na din ang uniform n'yo. Don't worry, your uniform will be done ora mismo."Napatango na lang kami sa sinabi ni Miss Maggie. Wala pa ding may ganang mag-ingay. Kahit ako, hindi pa ako makapaniwala sa ginawa ko."And oh, by the way, nasa bank account na ng cafe ang binayad ng customer n'yo kanina. Idadagdag ko na 'yun sa sweldo n'yo for next week. So, that's all for today. You can go now, relax, enjoy the rest of your weekend and see you!"Isa-isang nagpaalam ang mga kasama ko. Sinadya kong magpaiwan para sana makausap si Miss Maggie."Miss M?" Pagtawag ko sa pansin n'ya. Tumigil s'ya sa paglalagay ng mga kontrata sa envelope at binalingan ako ng tingin.
Napahinto ako sa pag-aayos at bagsak ang balikat na humarap sa kanya. Tama. Passion ang pagkanta at hindi isang uri ng trabaho. Ang kaso, hindi mababayaran ng passion ang mga pangangailan namin ni papa."‘Yun na nga, e. Hindi passion ang kailangan ko ngayon. Trabahong magbibigay ng pera, 'yun ang kailangan ko."Pilit lang s'yang ngumiti sa akin at tumango. Alam kong naiintindihan n'ya ako at nanghihinayang s'ya. Ganun din naman ako. Pareho naming alam kung gaano ko ka-gusto ang pagtugtog at pagkanta. Pero kailangan ko muna 'yung isantabi. Siguro nga... siguro nga biniyayaan ako ng talentong hindi naman bubuhay sa aming mag-ama. 'Yung tipong talent na pang-display at pang-yabang lang. 'Yung talent na kinakailangan ng tamang pagkakataon at panahon. 'Yung talent na walang kasiguraduhan kung magiging tagumpay ka sa huli."May sweldo ba ako sa pakikipagdaldalan sayo?" Tanong ko para mawala ang mabigat na atmosphere dahi
[PSALM's Point of View]Patakbo akong pumasok ng cafe at halos masira ko ang glass door nito. Humahangos akong napaupo sa upuang una kong nahawakan at pilit na ngumiti kina Miss Maggie na kasalukuyang nakatambay sa may counter. Napatigil pa si Sage sa ginagawa n'ya samantalang sinimangutan ako ni Lovely. Si Miss Maggie naman, ayun nakangiti pa din. Mukhang wala pa si Pen."Hi fans!" Bati ko habang hinahabol ko pa rin ang aking paghinga. Ang layo din kasi ng tinakbo ko. Bad trip kasi 'yung tricycle na nasakyan ko. Kung kelan naman ako nagmamadali, saka naman nasiraan."Late comer!" Asik sa akin ni Lovely— ang babaeng kumukulo palagi ang dugo 'pag ako na ang nakikita. Siguro masyado n'ya akong na-miss dahil hindi n'ya ako nakita ng isang buong araw."Late comer ka d'yan! Ang sabi ni Miss M, before six am nandito na. 5:59 palang, ah? Anong late 'dun?" Banat ko naman sa kanya. Syempre confident ako sa sinabi ko. Mabuti na lang talaga mabil
Kinailangan ko pang itanong kay Miss Maggie kung nasaan ang uniform ko dahil parang nakalimutan n'ya na ako. Mabilis n'ya namang tinuro ang locker ng mga staff. Nakalagay na daw kasi sa locker ko 'yung uniform na pinagawa n'ya. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at mabilis na tinungo iyon saka nagbihis. Pareho lang naman ang uniform ng babae at lalaki.Nang lumabas ako, may apat nang customer na magkakahiwalay na naka-upo. Isa doon ang kasalukuyang sini-serve-an ni Pen at dahil server din ako, kakailanganin ko pang tanungin si Lovely para malaman kung sino pa ang may order na at kailangan ng i-serve."Hoy—" Naisara ko agad and bibig ko at kinailangan kong pigilan ang sarili kong tawagin s'yang hoy dahil baka hindi n'ya ako sagutin ng maayos at isipin n'ya na namang inaaway ko s'ya. Bahagya muna akong tumikhim bago s'ya malumanay na tinawag."Lovely, may kailangan pa bang i-serve?"Pinilit ko pa ang sarili kong ngumiti dahil nakabusangot na nam
[PSALM's Point of View]Hindi naging mahirap ang mag-adjust sa mga kasama ko. Magaan sila ka-trabaho at madaling makasundo— maliban nga lang kay Lovely na maya't maya akong inaaway. Pero kahit gaano pa kaganda ang kalagayan ko ngayon, may mangyayari at mangyayari pa ring sisira talaga sa lahat."Pen ako na d'yan," pabiro kong sabi kay Pen na kasalukuyang nagliligpit sa isang table."Sige." Agad n'yang tinantanan ang pagpupunas ng table at iniabot sa akin ang swab. Hindi ko napigilang tumawa dahil hindi na s'ya kumontra."Hindi ka ba tatanggi?""Hindi na. Baka maubos natin ang gamit dito kababasag dahil sa pag-aagawan natin sa paglilinis." Nag-aalinlangan pa n'yang sagot."Binibiro lang kita, no! Sige na, dun ka nalang muna sa counter."Agad s'yang sumunod sa sinabi ko at umalis kaya pinagpatuloy ko na ang paglilinis ng table.
Uminit lalo ang buong mukha ko hindi dahil sa kahihiyan kung hindi dahil sa sobrang galit. Pigil na ang aking paghinga at halos magkiskisan ang mga ngipin ko sa sobrang pagtitimpi. Nanginginig ang aking buong katawan kasabay ng paghigpit ng kamao kong nakakuyom. Handa na itong umangat at tumama sa mukha n'ya nang maramdamang may humawak dito. Napansin ko na lang ang pagkakaroon namin ng distansya dahil sa pagsingit ng maliit na pigura ni Pen sa pagitan naming dalawa."Free muffins dahil opening ng cafe. Enjoy!"Mabilis akong hinatak palayo ni Pen. Imbes na huminto sa counter, dumire-diretso kami paakyat sa hagdan. Binuksan n'ya ang pinto at pinapasok ako sa loob. Doon lang ako muling nakahinga kasunod nun ay ang pagtutubig ng aking mga mata at s'ya ring paghapdi ng ilong ko.Napaupo ako sa couch at marahas na sinuklay ang buhok ko pataas. Putangina. Ang sarap pumatay. Nakakagigil."Nasabi ni Miss Mag
[PSALM's Point of View]Minsan talaga mapapa-isip ka na lang kung para ba sa iyo ang isang bagay na meron ka. Katulad na lang ngayon, hindi ko maiwasang isipin kung para ba talaga sa akin ang pagtugtog at pagkanta. Sa mga nangyayari kasi, parang pinare-realize na sa akin ng universe na katangahan ang maging proud sa talent na mayroon ako."Wala kang racket ngayon, Psalm?"Napatigil ako sa pagsta-strum ng gitarang hawak ko nang sumulpot sa harap ko si Miss Maggie. Umayos ako ng upo at inilapag ang gitara sa round table."Meron po Miss M. Pero mamaya pa naman 'yung alas-sais," sagot ko.Umupo s'ya sa tabi ko at ibinaba sa table ang bitbit n'yang teacup. Agad na rumehistro sa ilong ko ang amoy nito kaya nalaman ko agad na camomile ang tea na laman noon. Sa paulit-ulit kong pagse-serve, naging pamilyar na sakin lahat ng drinks dito.Sa ngayon, free