Share

CHAPTER 20.2

Bigla kong naalala ang suot namin ni Lovely kaya nakaramdam ako ng konting hiya sa sinabi ni Sage. Ba't ko ba kasi naisip na bumili ng t-shirt? Naku talaga! Walastik ang kamalasan.

"Hindi nga 'to couple shirt!" Pagtanggi ko. "Bumili kami ng t-shirt, ano... buy one take one! 'Di ba, Love?"

"Don't talk to me! Hmp," ismid n'ya bago muling lumingon kina Sage at sumigaw. "Peeeen! Waaaah!"

Patakbo n'yang pinuntahan si Pen na agad na tumayo at sinalubong s'ya.

"Oh my God, I'm so worried sa'yo kanina!" eksaheradang sabi pa ni Lovely habang siniil s'ya ng yakap.

"Ayos lang naman ako," tugon ni Pen. "Nakita ako ni Sage."

Bigla akong natauhan at hindi napigilang maging eksaherado din nang maalalang ako nga pala ang dahilan kung bakit s'ya nawala.

"Peeen! Waaaah!" Inagaw ko s'ya kay Lovely at ako naman ang yumakap sa kanya at hinaplos-haplos ang ulo n'ya. "Sorry, baby Pen! Akala ko kasi ikaw pa 'yung hinahatak ko. Ikaw naman kasi, e. Bigla ka na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status