[SAGE's Point of View]
I clenched my jaw when a man in a butler's suit approached and stopped in front of us. I felt my comrades heavy and confused stares at me but I became too stiff to look back at them.
"Sir Sebastian—"
"What is it this time?" I cut him off. His posture and estimable presence was screaming respect but I couldn't help but to be rude. Hindi ko gusto kapag nand'yan s'ya dahil ang ibig sabihin lang n'un ay may kailangan na naman sila sa akin.
"She's looking for you." He said in his usual monotonous and formal voice.
"I'm busy." Muli kong hinila ang kamay ng pinakamalapit kong katabi na si Lovely upang umalis na. Psalm and Pen immediately followed us. But it only took us four damn steps to stop again after he spoke with menace.
"She is furious right now. I bet you know how destructive she is whenever she loses her patience, sir Sebastian.
"Sebastian!" My mom's voice roared in the mansion's ghost-quiet living room as she called me by my name.Para namang mga dagang nagsitakbuhan ang mga maids at guards na nasa lugar. They know how this gentle, sweet woman can turn to a monster that can devour anyone.I took a halt midway to the main door. Agad kong naramdaman ang mahigpit n'yang kapit sa braso ko bago ako iharap sa kanya. She was furious. Her eyes was screaming rage because of me. Ang kaninang nakangiti n'yang mga labi ay mariin nang nakasara at mabigat na ang kanyang paghinga."What in the deepest hell do you think you're doing, Sebastian?! Ano bang pumasok d'yan sa isip mo para iwan ang dad mo sa gitna ng speech n'ya?! You're disgracing us!" Bulyaw n'ya sa akin. Of course she's free to scold me. The house has soundproof walls. No one will hear us. No one will see her being not the 'perfect wife and mother'."May kailangan akong punta
"Sage! Anak ng— Ano ba? Kanina pa kita tinatawag, ah?"Humalo sa malakas na tugtog at hiyawan at tawanan ang bulyaw sa akin ni Willand— ang bartender ng bar na pinagtatrabahuhan ko. Puno ang bar ngayon kaya kinuha n'ya muna ako mula sa pagse-serve para maging bar back n'ya. Ang kaso... I feel like I'm out of my self to do something sane tonight."S-sorry. Ano ulit 'yun?" I asked and tried to go back from restocking liquor bottles."Di bale na lang. Aanga-anga ka naman. Tss, bat ba ikaw pa ang nakuha ko," bulong n'ya pa at habang umiiling-iling.Muli s'yang bumalik sa pag-mi-mix ng mga drinks at sa pag-e-entertain ng mga customers. While I looked like a dumb kid at the corner, grieving like a fool."Hoy, rich kid!"Muntik ko ng mabitawan ang boteng hawak ko dahil sa sigaw na 'yun kaya inis ko s'yang hinarap. Kulang na lang ay bulyawan ko rin si Amy
[PEN's Point of View]"Are you okay, Sage? May sakit ka ba?"Itinigil ko muna ang pagliligpit ng isang mesa at lumingon sa counter nang marinig ko ang tanong ni Miss Maggie. 'Yun din kasi ang tinanong nina Psalm at Lovely nang pumasok si Sage kanina na may suot na surgical mask."I'm fine, Miss Maggie. It's just... a simple cold," maiksi n'yang sagot habang nagpupunas ng counter top. Matapos n'un ay tumalikod s'ya at naghugas ng kamay sa sink.Nagpalitan ng tingin si Lovely na nasa cash register at si Miss Maggie na nasa harap ng counter. Kumibit-balikat si Lovely. Ganun din si Miss Maggie at saka nila ako sabay na binalingan ng tingin. Napalingon pa ako sa magkabila kong gilid para siguraduhing ako nga ang tinitignan nila. Nang makitang wala namang iba sa tabi ko, napakibit-balikat na lang din ako pabalik kahit hindi ko alam kung para saan 'yun.Tumunog ang chime kaya doon naman
Bahagyang napatakip sa bibig n'ya si Psalm at obviously, nang-iinis s'ya lalo."Hala s'ya, ang advance mag-isip! Manghihingi lang naman ako ng tubig. Ang ano mo naman," depensa ni Psalm."Dun ka kay Sage ka humingi!""Okay, sige! Sungit!"Bahagya kong kinalabit si Psalm at sinenyasan na tumahimik dahil napapalingon ang mga customer sa kanila."Sage, pahingi nga ng yogurt— este tubig pala."Nagtaka ako nang hindi kumibo si Sage makalipas ang ilang minuto. Tahimik lang s'yang nagp-prepare ng juice at hindi man lang binalingan ng tingin si Psalm nang humingi ito ng tubig. Hindi ko rin naman makita ang reaksyon n'ya dahil natatakpan ng visor cap at ng suot n'yang face mask ang mukha n'ya. Medyo weird lang na hindi n'ya kami pinapansin. Para kasing... galit s'ya?Sabay kaming napalingon ni Psalm sa isa't isa. Mukha pareho kami ng iniisip
[PSALM's Point of View]Maagang nagsara ang cafe ngayon. Inanunsyo rin kasi kahapon ni Miss Maggie na may pagme-meeting-an kami kaya kailangang isara ng maaga ang cafe at para na rin daw hindi kami ma-late sa pag-uwi.Tap! Tap! Tip! Tip! Tap!Tanging ang pagkatok ko sa wooden conference table ang ingay na maririnig sa loob ng office ni Miss Maggie. Ang tahimik nga naming lahat ngayon. Actually, tahimik ako kasi tahimik sila. Ang hirap naman kasi kung ako lang mag-isa ang magsasalita at mag-iingay. Mamumukha naman akong baliw n'un, 'di ba?"A yan ka na naman pasulyap-sulyap sa'kin~ lagi-lagi na lang paligaw-ligaw tingin~ ba't di mo subukang—" Napatigil ako sa pag-kanta nang mapansing lahat sila ay nakatingin na sa akin. Lalo na si Sage na salubong na ang kilay sa pagtitig sa napaka-gwapo kong mukha."Oh, bakit?" patay-malisya kong tanong sa kanila. "Aysus, alam ko namang mas
Okay. Mabigat na impormasyon 'yun. Lalo tuloy nanahimik ang buong lugar. Aist! Ang hilig kasi ni Miss Maggie sa isang bagsakan, e. Kahit ako hindi alam kung paano magre-react at sisirko sa mas magaan na usapan."Ah! I already have here some plans. Kung gusto n'yo, you can add your ideas or you can modify mine."Mabuti na lang dahil mukhang nakaramdam din si Miss Maggie. Inabutan n'ya kami ng tig-iisang folder na naglalaman ng sinasabi n'yang mga plano.Unang letra pa lang ay umayaw na agad ako sa pagbabasa. Hihintayin ko na lang na sabihin nila sa akin kung anong gagawin. Bahala na sila."Ngayong Huwebes na pala 'to, Miss Maggie?" tanong ni Pen habang nakatutok folder na hawak n'ya. In fairness dito kay Pen. Nag-i-improve rin talaga ang pakikitungo n'ya sa amin."Yep. Aabutin tayo ng two days para sa case na 'to kaya hindi na tayo magbubukas sa Thursday and we will start our dream service right away. Para Saturday morning, makakauwi na tayong lahat
[PSALM's Point of View] "So, pack your things for our two day stay there. And feel free to notify me kung may naisip kayong p'wedeng idagdag sa plano or kung may questions kayo," muling paalala ni Miss Maggie habang nagliligpit at kinukuha namin ang kanya-kanyang gamit. "Noted, Miss Maggie!" "Okay po." "Okay," "Mata, mata Miss M!" Mukhang na-attract na naman sila sa kagwapuhan ko dahil sabay-sabay nila akong nilingon matapos kong sumagot. "Mata, mata?" nakangiwi at naguguluhang tanong ni Miss Maggie. Pabiro kong inikot ang mata ko gaya ng palaging ginagawa ni Lovely dahil mukhang hindi nila ako nakuha. "Mata, mata. ‘Aye, aye’. DUH? ‘di n'yo gets?" paliwanag ko na at may kasama pang katarayan. Sabay-sabay na naman silang napa-buntong hininga at naglakad palabas ng office ni Miss M
O-kay. Hindi 'yun ang ini-expect ko kaya hindi rin ako nakapaghanda sa dapat na maging reaksyon ko.May tumigil na bus sa harap namin at bumaba ang ilang sakay. Naging pagkakataon ko 'yun para makapag-isip at matahimik kaming dalawa. Matapos magbaba ng pasahero, agad ding umalis ang bus at iniwanan kami ng usok. Bad trip.Sinilip ko ulit ang mukha n'yang talo pa ang test paper ko noong high school sa pagiging blanko. Bahagya akong napailing. Tignan mo nga naman. Para n'ya akong sinupalpal at sinagot ang kaninang inaakala ko— na ang mayayaman, pera lang ang pinuproblema. Dahil heto s'ya, problemado sa kung paano patatakbuhin ang buhay n'ya."Mahirap nga 'yan," tanging komento ko. Nakakapagsisi tuloy na tinanong ko pa s'ya."Pero... maswerte ka pa rin. Kahit na ayaw ng parents mo, nagagawa mo pa rin ang gusto mo. Kasi alam mo, 'yung iba d'yan, halos ipagsigawan na sa buong mundo kung anong gusto