Share

CHAPTER 26.2

O-kay. Hindi 'yun ang ini-expect ko kaya hindi rin ako nakapaghanda sa dapat na maging reaksyon ko.

May tumigil na bus sa harap namin at bumaba ang ilang sakay. Naging pagkakataon ko 'yun para makapag-isip at matahimik kaming dalawa. Matapos magbaba ng pasahero, agad ding umalis ang bus at iniwanan kami ng usok. Bad trip.

Sinilip ko ulit ang mukha n'yang talo pa ang test paper ko noong high school sa pagiging blanko. Bahagya akong napailing. Tignan mo nga naman. Para n'ya akong sinupalpal at sinagot ang kaninang inaakala ko— na ang mayayaman, pera lang ang pinuproblema. Dahil heto s'ya, problemado sa kung paano patatakbuhin ang buhay n'ya.

"Mahirap nga 'yan," tanging komento ko. Nakakapagsisi tuloy na tinanong ko pa s'ya.

"Pero... maswerte ka pa rin. Kahit na ayaw ng parents mo, nagagawa mo pa rin ang gusto mo. Kasi alam mo, 'yung iba d'yan, halos ipagsigawan na sa buong mundo kung anong gusto

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status