Share

CHAPTER 7.1

[LOVELY's Point of View]

"Itlog nga sabi!" pilit n'ya.

"Why ba mas marunong ka pa sa'kin? It's chicken!" sagot ko naman. This guy is really annoying. Nakakainis 'yung guts n'ya and ayaw n'yang magpatalo.

"Tss, ‘wag ka ngang magpatawa. Imposibleng mangyari 'yun. Sige nga, saan ba galing ang manok? 'Di ba sa itlog? Ibig sabihin, mas nauna ang itlog kesa sa manok!" pagpapaliwanag n'ya with hand gestures pa. I'm getting tired talking to this guy na rin. His words were so nonsense talaga, goodness!

"Eh, where ba galing ang itlog? 'Di ba sa chicken? If mas nauna ang itlog, then who laid the egg? 'Yung dinosaur? Duh!" I impatiently said and rolled my eyes heavenward.

Kahit sino sigurong makakita sa amin ay magwa-wonder if bakit kami napunta sa ganitong usapan. This kumag kasi, na let's call na lang sa name na Psalm, kung ano-anong tino-talk. He's so madakdak. We're bickering about scam then naidawit n'ya pa ang egg at chicken. Kesyo ang scam daw is parang logic ng kung anong mas nauna; egg or chicken. Masyado raw tricky then boom, we end up in this stupid na usapan.

"Ang slow mo sa logic Love, literal."

My lips parted dahil sa sinabi n'ya. Did he just call me Love? How dare he!

"I told you not to call me Love! Close ba tayo? Close tayo?" pagngingitngit ko.

"Talagang mas nagalit ka nung tinawag kitang Love kesa sa slow, no?" He asked me habang nakangisi at magka-krus ang mga braso.

Oh, he called me slow ba?

Hindi ko na lang pinahalata ang little confusion ko. I raised my brow and faced him confidently.

"It's because hindi ako affected sa mga words na hindi naman true."

"It's because hindi ako affected sa mga words na hindi naman true," he blabbed and mimicked my tone. Tapos he made face pa para asarin ako. "Palusot mo!"

I was just about to defend my self when may biglang lumapag sa mesa. I confusedly looked at Pen kasi she put a book sa harap namin.

"Pen I'm not into reading ha. Just in case na tini-think mong I love books." I admitted. You can make me do anything 'wag lang talaga kahit na anong may kinalaman sa school like reading or writing. That would kill me, swear!

She didn't answer me and umupo na lang sa pwesto n'ya kanina— which is sa tabi ko. This girl is really strange talaga. Konti na lang I'll think na antisocial s'ya. Its funny nga eh. Kung anong iningay ng kumag na si Psalm, 'yun naman ang ikinatahimik ni Pen. And honestly, I don't know who's or what's better.

"N-nakita ko 'yan sa shelf," she hesitantly said and itinuro ang bookshelf na ilang meters lang ang layo. Ngayon ko lang na-notice na may mga books pala dun. Instant library pala 'tong cafe. Siguro madalas dito ang mga geeks at mga bookworm.

"The dreamer's book," pagbasa ni Psalm sa title na naka-engrave sa cover ng libro. It's beautiful, may I say. Para s'yang old European kind of book. "Ano namang meron dito, bangsy?"

Instead na sumagot, she opened the book na lang. Parang sobrang tipid naman sa words nitong si Pen. Kulang na lang ay mag-hand gestures na lang s'ya para makipag-communicate.

"Some kind of profile?" naguguluhan kong tanong when I saw a picture ng isang girl at mga ilang personal information like it's some sort of a bio-data.

"Ah, S-sa tingin ko, sila 'yung... 'yung mga naunang staff ng cafe." At last! She answered din ng maayos and managed to say ng isang mahabang sentence. Akala ko my saliva will get panis na, e. Aside from that naman, she also started to shuffle the pages.

"Weh? Patingin nga." Biglang naging interested si Psalm sa book and even left his seat para umupo sa tabi ni Pen and masilip ang book.

I don't waste my effort. I'm not interested naman sa libro so tamad ko na lang silang tinignan. I noticed din na parang hindi comfortable si Pen. Paano ba naman kasi kulang na lang ay mag-swap sila ng body ni Psalm dahil sa sobrang pagkakadikit nito sa kanya. 

From the back of Pen, I tried to abutin and slightly pushed away si Psalm sa kanya.

"Aray!" he groaned exaggeratedly. "Ano na naman bang problema mo?"

"She's not komportable sa position n'yong dalawa kaya. Like duh?" I said in a matter of fact tone. I think, na-realize n'ya naman 'yun kaya napatuwid s'ya ng upo and create some distance.

"Selos ka lang, e."

Bumagsag ang panga ko sa sinabi n'ya. Ano raw?!

"Ang assuming mo, alam mo 'yun? Ayoko lang makitang hindi komportable si Pen lalo na sa presence mo, tukmol ka!" asik ko. Nakakainis! Nawawala ang poise ko sa kupal na 'to. And what's worst? Wala pang twenty-four hours nang makilala ko s'ya pero sinisira n'ya na ang buhay ko.

"Walastik, kaya mo naman palang ideretso 'yang dila mo e! May ‘pa-she's-not-komportable-sa-position-n'yo-kaya’ ka pang nalalaman p'wede naman palang ideretso na lang."

Dali-dali kong kinuha ang libro at lumapit para hambalusin s'ya. Nakakainis talaga!

"KASALANAN MO KASI 'TONG KUPAL KA! ANG TAGAL-TAGAL KONG PRINAKTIS ANG GANITONG POISE TAPOS SINISIRA MO LANG!"

"Hoy— teka— aray!"

I ran after him and hit him by the thick, hard book. Wala na akong pake kung naka-three inches heels at naka-fitted ako ngayon. Sobrang nakakainis na kasi! Kanina n'ya pa ako pini-peste.

"Buwisit ka! Mukha kang holdaper d'yan sa kanto na namali ang pag-ahit ng kilay! Kupal ka!" sigaw ko sa kanya habang pilit s'yang inaabot para hampasin. He kept on running around the center table kaya nahihirapan akong maabutan s'ya.

"Kesa naman sa'yo mukhang donyang nahilaw nang hindi agad namatay ang sugar daddy mo!"

"ARGH! MAUNA KA NA SANANG MAMATAY!"

I was about to throw him the book when my hand froze in the air. Oh great. Si genius guy pala. He's holding my arm and preventing me from throwing the book.

"It's a property of the cafe. You might ruin it."

Kinuha n'ya ang libro sa kamay ko kaya wala akong nagawa kundi ang humalukipkip. While that kupal was smiling victoriously. BAD TRIP!

"Where did you found this?" tanong bigla ni Sage habang tinitignan ang bawat page ng libro.

"Nahanap 'yan ni Pam— ni Pat? Ni... Pet? Ah basta 'yung babaeng may bangs."

I secretly rolled my eyes. Malala na talaga ang problema n'ya sa utak. Ultimo pangalan ay hindi n'ya makuha ng tama. Gosh!

"It's Pen kasi, kupal!" singhal ko sa kanya.

"It's Pen kasi, kupal nye nye nye." Pang-aasar n'ya na naman. Argh!

Inismiran ko na lang s'ya at tumalikod so I won't see his annoying face. Pinaypayan ko ang sarili ko at pilit na inusal at ipinaalala sa sarili ko ang salitang ‘poise’. Pero nangingibabaw talaga ang pagka-inis ko.

"I think... this isn't just a simple book," komento ni Sage kaya napalingon ako sa kanya. He was still inspecting the book— or whatever it is.

"What?"

"Sa tingin ko, records 'to ng mga dating staff ng cafe." Dagdag n'ya pa kaya napasilip din ako at nakibuklat. Sa limang magkakasunod na page nakalagay 'yung parang bio-data ng iba't ibang tao then sa mga sumunod, mga random pictures na. 'Yung ibang pictures kinunan dito sa cafe, sa mall, sa park at higit sa lahat sa...

"Beach!" Hindi ko napigilang mapatili. Oh my G to the O to the D! I knew that what Miss Maggie said was legit! Hindi n'ya kami ini-scam katulad ng iniisip ng dalawang lalaking kasama namin ngayon. And this book is the proof.

Inagaw ko muna ang libro at tinignan ang unang page kung saan nakalagay ang;

Batch 2: The Daydreamers

August-April

at sa ibaba nito ay ang isang group picture kung saan nakasuot sila ng uniform ng cafe.

"Sino ang scam now, hmm?" I asked them na medyo nagyayabang.

"Ikaw." I glared at Psalm when he sarcastically said that. "‘Yung pagsasalita mo scam."

"You don't have pake," I retorted as I rolled my eyes and flipped my super gorgeous hair.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status