Share

Chapter XVIII

"PINAKAWALAN ka ba ni Hugo matapos ang huling misyon mo?" mahinang usal ni Elias.

Umiling ako. "Nilinlang lang niya ko at ako namang si tanga, umasa."

"Anong ginawa mo? Sinugod mo siya?"

"Oo pero bandang huli, ako pa rin ang natalo." Muling pumatak ang luha mula sa aking mga mata. "Alam kong maling sabihin dito sa simbahan pero..."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Ayos lang, ituloy mo. Naiintindihan ka ni Lord."

"Nagtangka akong maglaho." Yumuko ako upang hindi makita ang altar. "At hindi na babalik pa."

Matagal pa bago siya nakakibo. "Paano ka nakatakas sa kanila?"

"Nang magkaroon ng operasyon ang Omega laban sa French Armed Forces, nahuli nila ako. Sikretong nakipag-negosasyon si General Marchand sa akin. Kung sasabihin ko kung saan ang hideout ng Omega sa France, ipapasok niya ako sa military. Pumayag ako dahil chance ko na 'yon para makaalis sa poder ni Hugo. Hanggang dumating ang araw ng aming plano, nagtagumpay silang mapasok ang hideout ng Omega. Napatay nila ang kalahati
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status