Share

Chapter 20

"So kayo na ba?" agad ay tanong sa akin ni Anji nang makaupo kami sa food court malapit sa pinagtatrabahuhan namin.

Madalas na kaming tumambay na dalawa palagi dito pero ngayon niyaya niya ako dito dahil gusto niyang sumagap ng tsismis.

Kauuwi pa lang namin at eksaktong hindi ito sinundo ng boyfriend niya kaya ako ngayon ang kinukulit nito.

"Hindi nga," saad ko at sumubo ng barbecue na binili namin kanina bago kami naupo.

"Hindi kayo pero nagpatuka ka." Inginuso pa nito ang labi sa akin na para bang hahalik.

Sinamaan ko siya ng tingin. Malay ko bang nanakawan ako ng halik ng gonggong na iyon.

"Hindi ako nagpapatuka anong akala mo sa akin manok?" pamimilosopo ko na lang sa kanya.

"Ang swerteng manok mo naman. Ang yummy ni Attorney. Siya iyong tipo ng lalaki na parang magino pero bastos. Tangina iyong tattoo pa lang niya nakakapaglaway na paano pa kaya kapag hubad na?"

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Kung pagpantasyahan niya si Delgado ay daig pa niya ang walang boyfriend
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status