Chapter 4. “We can change the future”
“I got a vision that she will die tonight.”
Bakas sa mukha ni Gavril ang labis na pagkabigla at pagkalito dahil sa mga nalaman niya. Pareho kaming natahimik at magkatitigan, hinihintay ang susunod na sasabihin at gagawin ng bawat isa.
Umayos ako ng tayo at pinulot ang mga nahulog na notes ko sa sahig.
“We need to do something.” Napatingin ako kay Gavril dahil sa sinabi niya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig din sa akin. “We need to help her.” He suggested.
Hindi ko nagawang magsalita at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang aking mukha. Nanginginig ang labi ko maging ang mga kamay at tuhod ko. In an hour, may isa na namang mamamatay at wala akong magawa para tulungan o mapigilan ito.
I took a deep breath and closed my eyes. “I can’t.”
“What?” Gavril exclaimed in disappointment. “Bakit? We know that someone’s life is in danger and yet wala kang gagawin? Roux, you need to tell me what’s gonna happen so we can help Ms. Velarde!”
“Hindi ko kaya!” sigaw ko sa kanya. “Hindi ko pa nagawang pigilan. Dahil isa lang naman ang mangyayari. Kapag oras mo na, oras mo na.”
Natahimik siya sa sinabi ko. I can feel the tension between us. His eyes are full of disappointment staring at me. Kitang-kita ko pa ang pag-galaw ng panga niya habang dismiyadong nakatingin sa akin at naiiling-iling.
I am still the coward Roux…I am still the weakling one.
“I don’t know if I can believe what you say, but Roux all about life and death is not a joke.” Mariing niyang sabi saka naglakad na palabas ng pinto ng bahay namin.
“Where are you going?” tanong ko. Huminto siya.
“Kay Ms. Velarde.” Aniya ng hindi nakaharap sa akin at saka dali-daling lumabas ng bahay ko.
Naiwan akong mag-isa at hindi makapaniwala sa mga nangyari. Nasabi ko. Nasabi ko sa ibang tao ang tungkol sa nakikita ko. Paano kung ipagkalat ni Gavril ito sa school? Paano kung mas lalo akong husgahan ng mga tao sa paligid ko.
Napatingin naman ako sa mga notes na hawak ko. All in all, I have ten notes. At lahat ng ito ay nakabangga ko o hinawakan ako. At lahat sila ay nakita ko ang magiging pagkamatay nila.
“We know that someone’s life is in danger and yet wala kang gagawin?”
Naalala ko ang sinabi ni Gavril kanina. Actually, I tried to change to once. Minsan ko nang sinubukang pigilan ito noon, pero mas naging malala ang nangyari. And I will never forget that day.
Matapos mamatay noon ng mga magulang ko ay kinupkop ako noon ni Auntie Remi. Kapatid siya ni Mama at sa kanya ako noon pinaka-palagay kaya sa kanya ako noon sumama. Noong tumira ako kila Auntie Remi ay mailap na ako sa mga tao. Maging kay Auntie Remi at sa kanyang pamilya.
Pero isang araw ay pinuntahan ako ng pinsan kong si Rhea sa kwarto at niyaya niya ako noon na maglaro sa garden. Noong una sinabi ko sa kanya na ayaw ko pero bigla niya akong hinawakan sa kamay at pinilit at hinila na lumabas sa kwarto ko. Nang dahil sa paghawak niya sa akin ay nakita ko.
Aakyat si Rhea sa isang stool.
May inaabot siya sa cabinet sa kusina
At…
Matutumba ang stool at tatama ang ulo niya sa edge ng counter top table.
At lahat ng iyon ay mangyayari mamaya.
Kaya sumama ako noon kay Rhea sa garden at binantayan ko siya. Napansin ko pa noon na panay ang tingin ni Rhea sa kanyang relo noon. Tinanong ko siya kung bakita siya tingin nang tingin sa relo.
“Papainumin ko kasi si Papa ng gamot niya. Di ba nga umalis si Mama?” sagot niya sa akin.
Noong panahong iyon ay na-stroke ang si Tito, ang Papa ni Rhea. Kaya naman kailangan niyang uminom noon ng maintenance at gamot nito.
Dumating ang oras na kinatatakutan ko. Nag-paalam si Rhea noon na pupunta lamang siya sa kusina pero sabi ko ako na lang ang magpapainom kay Tito ng gamot. Pumayag naman siya at siya ang nagpatuloy sa ginagawa namin noon sa garden.
Nagtungo ako noon sa kusina. Pero hindi ko alam kung anong gamot ang ipapainom kay Tito. Bumalik ako sa garden para tanungin si Rhea. Pero pagbalik ko sa garden, halos umagos lahat ng luha ko dahil sa nakita ko.
Si Rhea nakahiga na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Nakita ko pang nakabukas noon ang gate. Sigaw ako noon nang sigaw hanggang sa marinig ni Tito. Nakasakay noon si Tito sa wheelchair at nang makita niya si Rhea ay bigla siyang inatake na naging dahilan din ng pagpanaw niya.
Sa isang maliit na detalye na pagbabago ko sa dapat mangyayari ay dalawang buhay agad ang nawala. Kaya natatakot ako. Natatakot na akong baguhin pa ang hinaharap. Simula nang mangyari ‘yon. Nahiya na ako kay Auntie Remi at nagdesisyon na manirahan na lang mag-isa dito sa parent’s house ko. At ang nangyari kay Rhea at Tito ay buong buhay na dadalhin ng konssensya ko.
Napatingin ako sa orasan at natulala ako. Habang nakatingin ako sa orasan ay may biglang sumagi sa isip ko. Si Gavril! Sinabi ko sa kanya ang mangyayari kay Ms. Velarde and he is planning to help her.
“Hindi maaari. Maaaring baguhin ni Gavril ang mangyayari.” Kinakabahan kong sabi at saka dali-daling kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang profile ni Ms. Velarde para tingnan ang address niya.
Dali-dali akong lumabas ng bahay. Malapit nang magdilim. Sumakay ako agad ng tricycle at pumunta sa school. Pagpunta ko ng school ay tinanong ko ang guard kung nakauwi na ba si Ms. Velarde ang sabi niya ay wala naman ng tao sa loob. Pagkarinig ko noon ay mabilis akong naglakad paalis at pumara ulit ng tricycle.
Sa malapit na apartment lang nakatira si Ma’am sa school. Pagdating ko roon ay hinanap ko agad ang apartment ni Ma’am. Nang makita ko ang bahay ni Ma’am ay mabilis na dumaloy ang kaba at takot sa buong katawan ko. Ganito, ganitong-ganito ang bahay na nakita ko. Pero nagtaka ako dahil patay lahat ng ilaw sa bahay ni Ma’am at parang walang tao.
Naglakad na ako paalis nang mapahinto ako dahil nakasalubong ko si Ma’am at may kasama siyang lalaki na alalay-alalay niya. Base sa mukha at kilos ng lalaki ay mukhang naka-inom ito. Nakita ko rin ang suot nitong uniform ng pulis.
“Roux, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Ms. Velarde. Napalinga-linga naman ako sa paligid. Bakit nga ba ako nandito? Ang akala ko ay maaabutan ko si Gavril dito?
“Sino ba ‘yan?” tanong ng lalaking naka-akbay ka Ma’am na lasing.
“Wala, wala estudedyante ko.” Sagot ni Ma’am sa lalaki at tiningnan ako. “Roux, sige na umuwi ka na. Bukas mo na lang ibigay sa akin ang admission mo.” Ani Ma’am at mapait na ngumiti.
Marahan lang akong tumango kay Ma’am at naglakad na paalis. Bago pa ako tuluyang umalis ay nilingon ko pa si Ma’am habang papasok sila ng lalaking lasing na nakaakbay sa kanya papasok ng apartment niya.
Tiningnan ko ang relo ko. Agad na bumuhos ang luha ko habang nakatingin sa relo ko dahil. Ilang minuto na lang ay mangyayari na ang nakita ko. Mariin akong napapikit at doon ay narinig ko ang isang malakas na kalabog mula sa bahay nila Ma’am.
“Tama na. Ayoko na!” rinig ko ang sumisigaw na si Ma’am mula sa kanilang bahay.
“Hindi! Di ba totoo? Niloloko mo ako?” ganti ng lalaki sa kanya.
“Hindi. Hindi totoo ‘yan, maniwala ka.” Umiiyak na sagot ni Ma’am at muli ay nagsisigaw si Ma’am na parang pinipilit siyang halayin ng lalaki.
Humahagulgol na ako sa pag-iyak saka ako tumakbo paalis nang may mabangga ako. Nang tingnan ko kung sino ay nagulat ako nang makita ko si Gavril na nabigla din nang makita ako.
“Roux.” Nag-aalalang sabi niya. Napalingon naman ako sa tatlong lalaking kasama niyang mga pulis. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya at hinawakan ako sa magkabilang braso.
“Bata saan—“ hindi na natanong ng pulis ang tanong niya nang marinig nila ang sigaw ni Ma’am. Mabilis na kumilos ang mga kasamang pulis ni Gavril at pinuntahan ang bahay ni Ma’am habang si Gavril naman ay pinapatahan ako.
“Ito ang tandaan mo, may mga bagay na kaya binigay sayo para magamit mo sa mabuting paraan at para makatulong sa mga tao. Kung natatakot ka sa mangyayari sa hinaharap, tandaan mo na kaya mo itong baguhin sa matalinong paraan.” Napatingin ako kay Gavril. Seryoso ang kanyang mukha at saka mapait na ngumiti sa akin.
Natulala ako sa kanyang mukha noon nang biglang makarinig kami ng malakas na putok ng baril. Niyakap lang ako ni Gavril at narinig namin ang malakas na sigaw ni Ma’am.
“Sabi ko sa’yo, we can change the future.” Rinig kong sabi ni Gavril.
Chapter 5. “Bounded by fate” Three days had passed after what happened to Ms. Velarde. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Gavril simula noong araw na ‘yon. Actually, tatlong araw ko na rin siyang hinahanap. I am still confused why I can’t see anything about his death when he touched so many times. About Ms. Velarde’s case. Nalaman ko na asawa pala ni Ma’am ang pulis na ‘yon. Newlywed ang dalawa but their marriage is already on the rocks. Masyado raw kasing seloso ang lalaki at palaging pinaghihinalaan si Ma’am. And that emotions of rage and jealousy turned him into an obsessive partner. Ilang beses niya na ring sinaktan si Ma’am based sa report ni Ma’am. Nakakulong ngayon ang lalaki at pinadaplisan lang ng pulis sa binti noong binaril nila ito para hindi na manlaban. After that, nag-leave muna si Ms. Velarde ng one week at umuwi sa parents niya para magpahinga muna. Maagang natapos klase namin dahil pinag-practice na lang kami
Chapter 6. “We’re together right now” Nakahalukipkip si Gavril habang seryoso ang mukha at titig na titig sa mga notes na nasa harap niya. Narito kami ngayon sa library. Niyaya niya ako na dito kami mag-usap para pagplanuhan ang gagawin namin tungkol sa mga notes. I can still feel the heavy feelings in my chest about this. Hindi pa rin ako hundred percent na agree sa gustong mangyari ni Gavril. Natatakot pa rin ako na baka, mag-iba ang lahat at mas maging malala pa. “I didn’t expect this. Ano ba ‘tong pinasok ko.” Bigla niyang sabi saka natawa at naiiling-iling. “Wag mo na lang pakialaman, maybe what happened to Ms. Velarde was just luck.” Alangan kong sabi sa kanya. “Do you believe in luck?” tanong niya na pinagtaka ko. Hindi. Hindi ako naniniwala sa luck. Mas naniniwala ako sa destiny. If one thing was destined to be that way, it will happen that way. Hindi ko na nagawang sumagot sa tanong niya nang ihilera niya sa
Chapter 7. “The sun will shine again”“Gavril?” bulalas ko nang pagbukas ko ng gate ay nasa labas si Gavril habang nakasakay sa bike. Parang sing ganda ng papasikat na araw ang ngiti niya.“Good morning, Roux. Tara, sabay na tayong pumasok.” Aya niya sa akin. Alangan kong pinagmasdan ulit ang bicycle na sinasakyan niya. “Hey, don’t worry, I’m a good driver sweet lover.” Natatawa niyang sabi.“Saan naman ako sasakay diyan?” tanong ko sa kanya.“Dito sa harap ko.” Nakangiti niyang sagot. Mas lalo akong nag-alangan na sumabay at sumakay sa bicycle niya. Sobra naming lapit sa isa’t-isa non! “Bakit? Are you still afraid? Hindi ba wala ka namang nakikitang vision about my death?” natatawa niyang sabi. “Alam mo kasi baka pinaglihi ako sa pusa, may siyam na buhay.” Pahabol pa niya saka malakas na tumawa.Tama naman siy
Chapter 8. “How will you accept death?” “Bakit ka palaging may suot na wrist band sa kaliwang kamay mo?”Natahimik at napahinto si Gavril sa pagkain dahil sa tanong ko. Bakas at halata sa kanyang mukha ang pagkabigla at naging seryoso rin ang kanyag hitsura. Tiningnan ko lang siya habang hinihintay ang magiging sagot niya sa tanong ko.He took a deep breath and faced me with a bitter smile. “Trip ko lang, ang cool kaya para kang rakista.”Nag-sign ka siya ng rock and roll at malakas na tumawa. Napangiti na lang ako sa naging sagot niya pero mayroon sa pakiramdam ko na parang may hindi siya sinasabi sa akin. Sinulyapan ko pang muli ang wrist band sa kaliwang kamay niya.“Madalas ka ba nilang binubully?” napatingin ako sa kanya nang tanungin niya ako. Kumakain na ulit siya at nakatingin sa akin.Ibinaba ko sa mat ang baonan ko at kinuha ang tumbler ko saka uminom muna.
Chapter 9. "Her Last Wish" “Hanggang kailan na lang ba? Aabot ba ako ng graduation namin?” tanong sa amin ni Patricia na kinabigla ko. Natahimik kami ni Gavril sa tanong ni Patricia at nagkatinginan. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Gwen kasama ang isang ginang na may bitbit na plastic ng prutas. Tiningnan kami ng ginang at mapait na ngumiti saka nilapitan si Patricia at nilapag sa side table ang dala niyang plastic ng prutas. “May bisita ka pala.” Mahinahon na sabi ng ginang na sa tingin ko ay ang Mama ni Patricia. Nilingon niya kami at ngumiti. “Kayo ba ‘yong sinasabi ni Gwen?” tanong sa amin ng ginang. So she knew about us. Marahan kaming tumango ni Gavril bilang sagot. “Ma, I am asking them if until when.” Biglang sabi ni Patricia. Tiningnan siya ng kanyang Mama at hinaplos ang pisngi nito. Habang pinapanuod ko sila, parang tinutusok ng aspili ang dibdib ko. A mother seeing her daughter slowly
Chapter 10. "Out of my comfort zone" Recess nang puntahan ako ni Gavril sa classroom namin at niyaya niya ako na kumain sa may school garden para doon namin pag-usapan ang naisip niyang plano para kay Patricia. Hawak-hawak niya ang isang tinapay at isa na namang bottle ng softdrinks habang may tinitingnan sa notebook na hawak niya. “I did some research earlier in the library about cardiac arrest and what are the possible thing that might trigger it.” Saad niya at tiningnan ako. “Roux, explain mo nga sa akin ‘yong exact na mangyayari based sa vision mo about Patricia?” tanong niya. Kinuha ko ang notebook ko na may mga notes at kinuha ang note ni Patricia. Taimtim kong pinagmasdan ang note ni Patricia at binasa sa isip ko ang mga nakasulat dito. “Patricia is sitting in a wheelchair on the day of her graduation. Kasama niya ang Mama niya at Papa niya at ang ibang family niya, kasama rin si Gwen.” Kwento ko kay Gavril. “D
Chapter 11. “Behind the black wrist band" Tulala ako habang nasa tabi ko naman si Gavril. Narito kami ngayon sa isang bench. Hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa nangyari. May nakita na naman ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko na dapat hindi na ako pumunta rito. “Sorry.” rinig kong sabi ni Gavril sa tabi ko. Tiningnan ko siya at kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. “Dapat hindi nga kita sinama rito.” dagdag pa niya. Kinalma ko ang aking sarili at ngumiti. Birthday niya kaya dapat ay hindi siya malungkot ngayon. Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti saka umiling. “Hayaan na natin. Hindi mo naman kasalanan.” sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya at napasalubong ng kilay. “Ano ang nakita mo, Roux?” tanong niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at mariin na pumikit saka inalala ang nakita ko kanina nang tapikin ko ang kamay ng waitress kanina sa restaurant. Madilim ang lugar at tanging ilaw lan
Chapter 12. “Even if the world crumbles down" Few days had passed and today is the last day of the final exam. Nothing change about my everyday routine in school. Papasok ako, magiging mag-isa, tapos uuwi ulit. Ilang araw ko na ring hindi gaanong nakakasama si Gavril because he is busy for some school works and organization duties in the student council. Ang alam ko at tumutulong sila para sa preparation ng recognition, moving up, and graduation ceremony. I was walking in the hallway leading to the rooftop to eat lunch when I heard him calling me. Nilingon ko siya at nakita kong palapit siya sa akin. Hingal na hingal si Gavril nang makalapit sa akin. Napatingin ako sa hawak niya, ang dami niyang papel na dala. “Alam mo ang bilis mo talaga maglakad. Kanina pa kita hinahanap.” natatawa niyang sabi at saka malalim na huminga. “Bakit mo naman ako hinahanap?” I asked. I saw him bit his lower lip and he looks like he is really piss