Share

CHAPTER 10 "WHAT HAPPENED THAT NIGHT 4"

 “MISS, are you okay? Oh god you’re bleeding!” ang malakas na sambit ng lalaking tumulong kay Lara sa tono na puno ng pag-aalala.

Hindi kaagad nakakilos o kahit nakapagsalita man lang ang dalaga sa bilis ng mga pangyayari. Pero alam din niya sa sarili niyang hindi lang iyon ang talagang dahilan kung bakit siya natutulala ng ganoon. Parang naumid ang dila niya isama pa ang katotohanang maliban sa takot na naramdaman niya kanina ay ang matinding damdamin na pumupuno narin ngayon sa kanyang puso.

Titig na titig siya sa lalaking kaharap.

Halos nga hindi na siya kumukurap dahil kahit apat na taon na ang nakalilipas, kahit minsan ay hindi niya nakalimutan ang lalaking ito. Ang lalaking pirming sumasagip sa kanya sa mga pagkakataon na nalalagay siya sa hindi magandang sitwasyon.

At muli sa isang iglap ay parang nasa harapan lang niya ang kahapon. Kung ano ang totoong nangyari nang gabing iyon. At ang nangyaring iyon ay nagbunga ng isang na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status