Share

CHAPTER 9 "CONSTANT KNIGHT"

GINABI kaysa plano niyang pag-uwi si Joaquin nang gabing iyon. Hindi man niya aminin, alam niyang dahil iyon sa ginugol niya ang mahabang oras niya kanina sa pagkikipagkwentuhan kay Patrick. Sa naisip ay naiiling nalang na pinagtawanan ng binata ang kaniyang sarili.

Busy siya sa harapan ng manibela nang marinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone na nasa passenger seat ng kaniyang kotse. Nang masulyapan kung kaninong pangalan ang rumehistro doon ay naiiling nalang na minabuting ignorahin ang tawag.

Si Tessa.

Dalawang buwan narin silang hindi nagkikita ng babae mula nang makipag-break ito sa kaniya. Ganoon naman ang kadalasang nangyayari sa mga nakakarelasyon niya at iyon ang para sa kaniya ay makabubuti narin.

Ang ibig niyang sabihin, hindi siya ang nagi-insist ng break up kundi ang mga ito.

Pero aminado siya at kailangan niyang aminin na siya ang gumagawa ng dahilan para i-break siya ng mga babae. Mabuti nalang at laking pasasalamat niya na hi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status