Share

CHAPTER 110 “TIME AS TRUTH TELLER”

MAS maaga kaysa inaasahan niya ang oras ng uwi ni Joaquin kinagabihan. Kaya naman nagkaroon din sila ng mas mahabang panahon para makapamasyal at makapamili katulad ng gustong mangyari ni Joaquin.

“Hindi ka ba pagod? Gusto mo bang tulungan kita sa mga iyan?” tanong ni Lara kay Joaquin habang ang tinutukoy naman niya ay ang maraming paper bags na bitbit nito.

Agad na umiling ang lalaki. “No, I’m okay,” ani Joaquin sa kanya saka ngumiti.

“Naku huwag mong masyadong ini-spoil ang batang ito at baka masanay,” aniyang sinulyapan si Callie na hawak niya ang isang kamay at busy sa paglingon-lingon sa mga nadadaanan nilang paninda.

“Oh, don’t mention it. Nag-enjoy nga ako ng husto eh,” ani Joaquin sa kanya.

Kung tutuusin ay hindi naman na kailangan pang sabihin ni Joaquin sa kanya ang tungkol doon. Dahil ang totoo ay nakikita niya iyon sa mukha nito. Maging sa kislap ng mga mata nito.

“I know. At masaya akong makita na nag-enjoy ka,” sagot niya.

Sa isang Italian restaurant sila kumain ng hapun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status