Share

CHAPTER 111 “HIS CONFESSION”

PAG-UWI nila ng bahay ay ipinaubaya na ni Lara kay Yaya Loring ang pag-aasikaso kay Callie. Hindi lang naman kasi siya basta pagod lang. May dinaramdam siya sa kalooban niya.

Nanatili siyang tahimik hanggang nang makaligo na siya. Nakahiga na siya at minabuting talikuran si Joaquin nang yakapin siya nito mula sa kanyang likuran.

“Kanina ka pa tahimik. May problema ka ba?” tanong nito sa kanya.

Noon siya napabuntong hininga at saka hinarap ang lalaki.

Katulad ng sinabi niya kanina, kailangan niyang ilabas iyon sa kanyang sistema. Kundi ay hindi rin siya mapapanatag.

“Anong iniisip mo? Bakit kanina ka pa tahimik?” muli ay itinanong sa kanya ni Joaquin nang maharap niya ito.

Tumitig si Lara sa mukha ng kanyang asawa at pagkatapos ay nagbuntong hininga. Bumangon siya ay isinandal ang likod sa headboard ng kama. Pagkatapos ay itinuon ang paningin sa screen ng bukas na TV.

“Alam mo bang nakita ko si Tessa kanina?” simula niya.

Kahit hindi niya lingunin ang asawa niya ay alam niyang nagulat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status