Share

CHAPTER 28 “PASSION 1"

DARANG na darang si Lara nang mga sandaling iyon. Dahilan kaya hindi na niya namalayan na nagawa na pala siyang ihiga ni Joaquin sa mahabang sofa na kinauupuan nila kanina.

Pero sa kabila niyon ay nanatili pa rin na angkin ng binata ang kanyang mga labi na tila ba ayaw na nitong pakawalan.

“I want you, so much, Lara,” iyon ang narinig niyang sinambit ni Joaquin nang sandali nitong pakawalan ang kanyang mga labi upang bigyang daan ang mga salitang sinambit nito.

Hindi naman maitatanggi ni Lara sa sarili niya ang totoo, na pareho lamang silang dalawa ni Joaquin ng nararamdaman. Pero may palagay rin siya na hindi na niya kailangan pang sabihin iyon sa kanyang nobyo. Dahil naniniwala siyang matutukoy nito ang kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa pamamagitan ng maalab niyang pagtugon sa mapang-angkin nitong mga labi.

“Is this the reason why you brought me here?” tanong ni Lara kay Joaquin nang magkaroon siya ng maliit na pagkakatao

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status