Share

CHAPTER 79 “PLOTTING 7”

“OKAY ka lang?”

Iyon ang narinig ni Lara na itinanong sa kanya ni Joaquin nang malabasan siya nito sa veranda ng kanilang kwarto. Nakaupo siya noon sa loveseat na naroon.

Tiningala niya si Joaquin at pagkatapos ay nginitian muna ito bago siya nagbuka ng bibig para magsalita.

“Yeah, very much okay,” aniya pa.

Nginitian lang din siya ng asawa at pagkatapos ay kumilos na ito at naupo sa tabi niya. Inakbayan siya ni Joaquin kaya siya ay naglalambing at agad na inihilig ang ulo sa balikat nito.

“Inubos ko na naman ba ang energy mo?” tanong muli ni Joaquin.

Hindi siya kumilos sa ayos niya pero sa kabila niyon ay sinagot pa rin niya ang tanong ng kanyang asawa.

“Palagi mo namang inuubos ang lakas ko eh,” aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Iyon naman kasi ang totoo. Palaging ubos ang energy niya tuwing inaangkin siya ni Joaquin. Pero sa kabila ng katotohanang iyon ay gusto pa rin niya ang ginagawa nito. Ang pamamaraan nito ng pag-angkin sa kanya at lahat-lahat na.

“Inaantok ka ba?”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status