Share

CHAPTER 81 “PLOTTING 9”

IYON ang huling araw nilang dalawa ni Joaquin sa Baguio. At katulad ng ginagawa niya sa mga nakalipas na mga araw, maagang gumising si Lara para maghanda ng agahan nilang mag-asawa.

At dahil iyon na nga ang huling araw nila doon ay hindi na sila lumabas ni Joaquin ang minabuting mag-stay nalang sa cabin.

“Ang ganda talaga ng bahay na ito. Someday, magkakaroon din tayo ng bahay dito sa Baguio,” ani Lara habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng sala kung saan naroon ang rustic style fireplace.

Hindi siya sinagot ni Joaquin. Sa halip ay naramdaman na lamang niya ang ginawa nitong paghalik sa kanyang noo.

“I wish I could give you everything, sweetheart,” anito sa kanya saka mabigat na nagbuntong hininga pagkatapos.

Sa narinig niyang sinabi ni Joaquin ay mabilis na nakaramdam ng kurot sa kanyang dibdib si Lara. Pagkatapos noon ay lihim niyang pinagalitan ang kanyang sarili saka agad na nagsalita para itama ang sa tingin niya ay maling pagkakaintindi ng asawa sa kanyang sinabi.

“No, ple
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status