Share

CHAPTER 89 “NEVER BEEN THIS HAPPY”

NAGING nakakapagod pero masaya ang araw na iyon para kina Joaquin at Lara. At kahit hindi na niya tanungin, alam niyang ganoon rin ang nararamdaman ng anak nilang si Callie. Kahit hindi naman kasi nito sabihin sa kanya ang tungkol doon. O kahit hindi siya magtanong ay hindi mahirap tukuyin dahil halata iyon sa maningning na kislap ng mga mata ng batang babae.

“Tulog na,” aniya kay Rodolfo na nasa may terrace ng bahay nila at nagpapahangin.

Ang tinutukoy niya nang mga sandaling iyon ay si Callie. Hindi talaga maide-deny ang lukso ng dugo sa pagitan ng mag-ama dahil hindi nila napahinuhod ang batang babae hangga’t hindi ito sinamahan ni Joaquin sa kwarto nito para basahan ng paborito nitong fairytale book. Ang Beauty and the Beast.

Alas otso na ng gabi at tapos na rin silang kumain ng hapunan. Si Leandro noon ay nasa sala at abala sa panonood ng TV.

“Gusto ba ninyo ng kape o kaya ay tea, Papa?” tanong niya kay Rodolfo nang maupo siya sa garden set na katapat ng okupado nito.

Magkakasuno
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status