PAGKATAPOS ng nalaman ni Tessa mula kay Patrick ay minabuti nalang niyang umuwi. Kahit papaano kasi ay masama ang loob niya. Although hindi iyon kasing bigat katulad ng kung ano ang inasahan niya.“Ram,” bulong niya nang matanawan ang gate ng tinutuluyang apartment ng lalaki.Isang matamis subalit simpleng ngiti ang pumunit sa kanyang mga labi.Hindi niya alam kung mayroon bang kinalaman si Ramil sa nararamdaman niya ngayon. Pero ayaw muna niyang isipin ang tungkol doon.Alam niyang hindi si Ramil ang tipo ng lalaking titino sa isang katulad niyang playgirl din naman. Sabi nga nila, galit ang magnanakaw sa kapwa nito magnanakaw.At kung si Ramil ay the best sa pagiging babaero. Siya naman ang masabi niyang female version ng lalaki.Natawa ng mahina doon si Tessa saka nagbuntong hininga.Nasa tapat na siya ng mismong gate ng bahay ni Ramil pero minabuti niyang huwag na munang bumaba. Sa halip ay nanatili siya sa loob ng kanyang kotse at nag-isip.Marami silang pagkakatulad ni Ramil. Pe
“MASAYA ako para sa’yo, Lara. Iyon ang totoo, maniwala ka man o hindi,” si Ramil iyon. Sa totoo lang, gaya ng sinabi ni Ramil ang paniwalaan ang sinabing iyon ng binata. Hindi pa rin naman kasi nakakalimutan kung sa papaanong paraan siya nito sinubukang suyuin noon. Kaya hindi rin naman marahil siya masisisi ng kahit na sino kung ganito ang nararamdaman niya ngayon. “Salamat,” ang tanging naisagot niya. Ngumiti lang si Ramil at pagkatapos ay niyuko siya nito para dampian ng isang simpleng halik sa pisngi. At dahil nga alam niyang friendly gesture lang iyon ay hindi na tumanggi pa si Lara. “Mukhang may nakapagpabago na ng isip mo,” aniya nang tulungan niya sa pamimili ng magandang dress si Ramil. Nilingon siya ng binata saka nginitian. Sa ginawing iyon ni Ramil ay masasabi niyang hindi na siya nito kailangan pang sagutin sa katanungan niya. Dahil obvious rin naman sa kakaibang kislap ng mga mata nito ang sagot para doon. “Well, obviously hindi mo na kailangang sagutin verbally an
“YES, si Lara,” ani Ramil.Sa kumpirmasyong iyon mula sa binata ay hindi kaagad nag-react si Tessa.Inisip kasi niya na baka ibang Lara lamang ang sinasabi ni Ramil. Pero agad siyang nagdalawang isip nang mui itong magsalita.“Okay naman kaming dalawa. Akala ko nga noon may chance ako sa kanya eh. Until she met this Joaquin,” ang pagpapatuloy ng binata.“J-Joaquin?” tanong ulit ni Tessa.“Yeah, siya ang lalaking pinakasalan ni Lara days ago. Bago tayo nagkakilala ilang beses akong bumalik sa kanila pero wala daw siya sabi ng tatay niya. Noon nga ipinagtapat sa akin ni Mang Rodolfo, ang father ni Lara na nasa Baguio ang anak nito. Nasa honeymoon kasama ni Joaquin.”Agad na sumikdo ang dibdib ni Tessa sa kanyang narinig. Pero sa kabila ng kagustuhan niyang itanong na ng tuluyan kay Ramil ang gumugulo sa kanyang isipan ay minabuti niyang patuloy na magpigil.Noon na nga niya kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa sidetable ng kama.“Kilala mo ba ‘yung lalaking pinakasalan niya? I mean
“TIRED?” tanong ni Joaquin kay Lara nang gabing samahan siya nito sa veranda.Naupo ang asawa niya sa kanyang tabi at pagkatapos ay iniabot sa kanya ang isang mug na may laman.“Chamomile tea?” tanong niyang nilingon si Joaquin ng nakangiti.Tumango si Joaquin saka siya dinampian ng simpleng halik sa noo.Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan bago naisipan ni Lara na banggitin kay Joaquin ang ginawang pagdalaw sa kanya ni Ramil kanina.“I have to tell you something,” pagsisimula niya.“Okay, what is it?” tanong ni Joaquin sa kanya.Humigop muna ng tsaa si Lara bago niya sinagot ang tanong na iyon ng kanyang kabiyak.“Pinuntahan ako ni Ramil kanina. Natatandaan mo pa ba ‘yung lalaking nasabi ko sa’yo dati na matagal kong manliligaw?” aniyang humimig pang ipinaaalala kay Joaquin ang kanyang sinabi.Tumango si Joaquin bago nagsalita. “Yeah, I remember him. Why? Gusto ka pa rin ba niyang makuha sa akin?” biro pa nito na sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.Hindi alam ni Lara
A Few Days Ago…HINDI umayaw si Lara nang iupo siya ni Joaquin sa ibabaw ng dining table. Pagkatapos niyon ay sinimulan na nga siya nitong hubaran.Mabibilis ang naging pagkilos ni Joaquin sa paraang tila ba mauubusan ito ng oras kung magpapatumpik-tumpik ito.“Sandali lang,” aniya pa nang makitang isa-isa na ngang inihuhulog sa sahig ni Joaquin ang bawat piraso ng telang tinatanggal nito mula sa katawan niya. “Oh stop it, sweetheart. Hindi mo alam kung gaano katindi ang paghahangad kong angkinin ang lahat ng parte ng katawan mo kapag ganitong sabik na sabik ako sa’yo,” saway pa sa kanya ni Joaquin.Hindi na kumibo pa si Lara. O baka mas tamang sabihing kahit gustuhin niyang kumibo ay hindi rin naman niya magagawa. Dahil matapos siyang tuluyang hubaran ni Joaquin at mabilis nitong muling inangkin ang kanyang mga labi.Sinusian nito ng mapusok na halik ang kanyang bibig kaya tuluyan na nga siyang hindi nakapagsalita.Mainit ang damdaming sinisimulang pag-alabin ni Joaquin sa pagkatao
“J-Joaquin!” ang tanging nasambit ni Lara saka niya iyon sinundan ng isang marahas na buntong hininga.Epekto iyon ng pasadang ginagawa na nga ngayon ng bibig ng kanyang asawa sa mismong pagkababae niyang nakabalandra sa harapan nito.“Hindi ko na kaya!” sigaw niya sa nanginginig pang tinig.Pero katulad ng dati ay nagmistulang bingi si Joaquin sa lahat ng sinasabi niya. At dahil nga alam niyang wala naman siyang ibang magagawa kundi ang magpaubaya kaya ganoon nalang ang ginawa niya.Ilang sandaling ring nanatili sa ganoong ayos si Lara. Para siyang isang masarap na putaheng pinapak ng asawa niya. At iyon ay sa pamamaraang kahit inasahan na niya kung tutuusin ay hindi rin naman niya napaghandaan.Naging mabilis ang panunuyo ng lalamunan ni Lara dahil sa magkakasunod na singhap at buntong hiningang pinakakawalan niya. Sinubukan niyang magpigil at kontrolin ang sarili sa paggawa ng ingay pero nabigo siya. Kaya naman sa huli ay minabuting niyang kagatin na lamang ang kanyang lower lip u
“BAKA may makakita sa atin dito,” nang magkaroon ng chance si Lara na sabihin iyon sa asawa niya ay ginawa na nga niya.Kalsada kasi ang nasa harapan ng veranda at kahit sabihin pang gabi na ay hindi rin naman imposibleng may dumaan doon. Baka makita silang dalawa.Mahinang tawa ni Joaquin ang sumunod niyang narinig. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang mukha saka siya hinalikan sa mga labi.“Madilim na,” anitong sandaling iniwan ang paghalik sa kanya para sabihin iyon.“P-Pero, baka may dumaan at makita tayo,” giit pa rin niya saka pilit na pinakawalan kay Joaquin ang sarili niya.Nang makawala ay mabilis na tumayo si Lara at umakmang papasok pero inabutan siya at napigilan ng asawa niya.“Dito nalang tayo,” ani Joaquin saka siya itinulak pasandal sa hamba ng pintuan.“P-Pero,” magpoprotesta pa sana siya pero napigil ang lahat ng gusto niyang sabihin nang muli siyang hagkan ng kanyang asawa.Sa paraan ng paghalik sa kanya ni Joaquin ay alam niyang wala siyang magagawa pa. Alam ni
KATULAD ng sinabi ni Joaquin ay nanatili ito sa bahay kasama niya at ni Callie. Nagkataon rin kasing kahit weekday ay walang pasok noon si Callie sa eskwelahan gawa ng medyo maulan ang panahon kaya suspendido ang klase.Sa kwarto nila naglagi si Joaquin habang siya naman at si Callie ay nasa sala. Abala nang mga sandaling iyon si Yaya Loring sa paghahanda ng pananghalian nila.Kasalukuyan silang abala ni Callie sa panonood ng TV nang biglang tumunog ang door bell. Magpo-prisinta sana siya para alamin kung sino iyon pero naunahan siya ni Yaya Loring.“Sino ang dumating, Yaya Loring?” tanong ni Lara na sandaling sinulyapan ang ginang na noon ay nakatayo sa may pintuan.Pero iyon lang ang pagkagulat niya nang makita mula sa likuran nito ang isang pamilyar na mukha. Nakatitig ito sa kanya habang wala siyang ibang makitang emosyon sa aura nito maliban sa pagkapoot na siya ring nasasalamin niya sa maiitim nitong mga mata.“Ah, g-good morning---,”“Nasaan ang magaling kong anak?”Hindi na pi