Share

CHAPTER 99 “EXTENDED DINNER 2”

“BAKA may makakita sa atin dito,” nang magkaroon ng chance si Lara na sabihin iyon sa asawa niya ay ginawa na nga niya.

Kalsada kasi ang nasa harapan ng veranda at kahit sabihin pang gabi na ay hindi rin naman imposibleng may dumaan doon. Baka makita silang dalawa.

Mahinang tawa ni Joaquin ang sumunod niyang narinig. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang mukha saka siya hinalikan sa mga labi.

“Madilim na,” anitong sandaling iniwan ang paghalik sa kanya para sabihin iyon.

“P-Pero, baka may dumaan at makita tayo,” giit pa rin niya saka pilit na pinakawalan kay Joaquin ang sarili niya.

Nang makawala ay mabilis na tumayo si Lara at umakmang papasok pero inabutan siya at napigilan ng asawa niya.

“Dito nalang tayo,” ani Joaquin saka siya itinulak pasandal sa hamba ng pintuan.

“P-Pero,” magpoprotesta pa sana siya pero napigil ang lahat ng gusto niyang sabihin nang muli siyang hagkan ng kanyang asawa.

Sa paraan ng paghalik sa kanya ni Joaquin ay alam niyang wala siyang magagawa pa. Alam ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status