Share

CHAPTER 90 “REMINDERS”

“SUSUNDUIN kita mamaya, okay?”

Si Joaquin iyon matapos itigil sa tapat ng mismong mall na pinagtatrabauhan niya ang kotse.

“Seven PM?” tanong ni Lara sa mister.

Tumango si Joaquin at saka siya niyuko at mariing hinalikan sa mga labi. “Yes,” sagot pa nito.

Ikinibit lang ni Lara ang kanyang mga balikat at pagkatapos ay kinalas ang suot na seatbelt.

“Willing to wait?” tanong pa niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Noon nakangiting kumindat sa kanya si Joaquin. “Always,” anito pa.

Makahulugan ang sinabing iyon sa kanya ni Joaquin at nakuha naman agad ni Lara ang ibig sabihin. At bukod sa katotohanang hindi siya mapakali sa paraan at lagkit ng pagtitig sa kanya ng asawa ay ramdam din niya ang maalab nitong pagmamahal sa kanya. Kaya hindi na siya nagtaka nang mabilis niyang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa matinding pamumula niyon.

“I have to go,” paalam pa niya sa asawa saka na umakmang bababa ng sasakyan. Pero napigil iyon nang maramdaman niya ang kamay ni Joa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status