Share

Chapter 14

Pagkapark ng kotse ni Ely ay dumiretso na siyang lumabas ng kanyang sasakyan. At pumasok sa loob ng bahay nila. Naabutan niya ang Mommy niya na nasa sala at kausap si Gemma. Parehong napalingon silang dalawa. At malawak na ngumiti si Gemma ng makita si Ely.

Tumayo at sinalubong ni Gemma si Ely ng yakap. Pero hahalikan na niya sa labi si Ely nang umiwas ito. Nagtatakang tumingin si Gemma kay Ely.

"What's wrong?" tanong ni Gemma. Umilig lang ng ulo si Ely.

"Kanina pa naghihintay si Gemma sayo, Ely. Saan ka ba galing?" singit na tanong ni Eladia sa anak.

"May pinuntahan lang pong importante, Mom" sagot ni Ely. Makahulugang tiningnan ni Gemma si Ely.

"Oh siya. Maiwan ko na kayo diyan. Mag usap kayo" sabi ni Eladia sa dalawang magkasintahan. At umalis na ito para pumunta ng kusina.

Hinahawakan ni Gemma sa braso si Ely. Pero umiiwas ito.

"Can you sit down? And let's talk" pakiusap ni Ely kay Gemma.

"Sa akin ka pa ngayon nakikiusap para makipag usap sa akin. Why Ely? What happening to you?"

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status