Inihinto ni Ely ang kotse niya sa harapan ng bahay nina Cory. Hindi na siya nagpadrive pa kay Bryan. Kinuha niya sa backseat ang bouqet of red roses para kay Cory at doll na laruan para sa anak na si Calli. Bago bumaba ay huminga muna siya ng malalim.Nagpractice pa siya ng sasabihin. Bago pumunta dito sa bahay nina Cory. Pero mukhang mauutal siya sa kaba mamaya habang nagpapaliwanag. Alam niyang hindi madali ang patawarin siya. Pero umaasa pa din siya. Maayos niyang muli ang pamilya niya."Nanay, may tao po" imporma ni Calli sa ina. Sabay pa silang napalingon na mag ina sa pinto nang marinig na may kumakatok. Wala naman siyang inaasahan na panauhin ngayong gabi. Unless, sumunod si Carvie sa kanila dito sa Samar. Tumayo si Cory at naglakad papunta sa pintuan."Sinong kai--" pagkabukas niya ng pinto ay hindi na niya natapos ang itatanong nang mapag sino ang kanilang bisita."Ely?" tawag ni Cory. Tumango at ngumiti si Ely sa kanya."Anong ginagawa mo dito?! Diba tapos na ang lahat sa a
Maaga pa ay handa na si Ely sa pag alis. Pupuntahan niya ulit ang kanyang mag ina. He want Cory to feel how sorry he was. Na pinagsisihan niya ang lahat ng ginawa niya."Wow, Sir! Gwapong gwapo ah. Maiinlove na naman ulit po sa inyo si Ma'am Cory" namamanghang komento ni Bryan nang makababa na si Ely sa parking lot.This is what he want. Ang mainlove si Cory sa kanya ng sobra sobra. To point na hindi na niya maaalala ang mga masasamang ginawa niya nuon. Ngumiti si Ely. Inabot naman ni Bryan ang bulaklak na ipinabili niya sa kanya. Pinagbuksan siya ni Bryan ng pinto sa passenger seat. Nang makaupo na siya sa loob ay isinarado na ni Bryan ang pinto. Umikot si Bryan at sumakay sa driver seat.Miss na ni Ely ang ang kanyang mag ina. Gustong gusto na niya silang makita at mayakap. Konting tiis pa. Sigurado naman siyang dadating din ang araw na mapapatawad siya ng asawa niya.Pagkahinto ng kotse sa tapat ng bahay nina Cory. Akma sanang Tatay si Bryan ng pinigilan siya ni Ely. Agad na lumab
Isang linggo na ang lumipas. Gabi gabing lasing si Ely. Hindi niya matanggap na tuluyan ng lumayo ang kanyang mag ina sa kanya. Ayaw pa niyang bumalik ng Maynila. Hinihintayin niya ang kanyang mag ina. Nagbabakasakali siyang uuwi silang muli sa bahay nito.Nag aalala na din si Bryan sa amo. Kahit anong pigil niya ay ayaw nitong magpaawat sa pag inom at pagwawala. Kaya nagpasya na siyang tawagan si Mr. Lester Andrew. Hindi niya kaya ang amo. Lalo lang itong nagwawala kapag inaawat niya ito.Mabilis na tumakbo papuntang pintuan si Bryan. Nakatanggap siya ng mensahe na papunta na daw sina Mr. and Mrs. Andrew."Where is Ely?" bungad na tanong ni Lester kay Bryan pagkabukas ng pintuan.Napasugod kaagad sila papuntang Samar dahil sa itinawag ni Bryan ang nangyayari sa nag iisa nilang anak. "Nasa loob po. Sa mini bar" sagot ni Bryan habang nakasunod sa mag asawa na papunta sa mini bar ng hotel suit ni Ely.Nabugaran ng mag asawa ang itsura ng anak nilang halos hindi na makagulapay sa kalasi
"Nanay, may star po ako" buong pagmamalaki na ipinakita ng pitong taong gulang na si Calli ang star na nakatatak sa pulso niya. Kauuwi lang ni Calli galing eskwelahan at dumiretso kaagad ng uwi sa bahay. Tiningnan naman ni Cory ang kamay ni Calli."Wow! Ang galing naman ng anak ko" saka niyakap niya si Calli. Iniharap ni Cory ang anak sa kanya."Anong gusto mong premyo, Anak?" magiliw na tanong ni Cory. Nag isip naman si Calli."Gusto ko pong kumain sa Jollibee, Nanay" masayang sagot ni Calli."Okay. Iyon lang ba?" "Opo" "Sige pupunta tayo sa Jollibee mamaya" sabi ni Cory. Tuwang tuwa naman na tumalon talon pa si Calli."Nanay, sama ko" sabi naman ni Elias. Ang bunsong anak ni Cory. Yumuko si Cory para makalapit ang mukha niya sa bunsong si Elias."Siyempre kasama si Elias Colton ko" saka pinanggigilan ang pisngi ng anak. Lumapit naman si Calli sa ina at kapatid. Niyakap ni Cory ang dalawang anak. Hindi naging madaling mag isang itaguyod ang dalawang bata. Kundi sa tulong ng kaibi
Sinalubong agad si Ely ng Mommy at Daddy niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng pamilya niya, si Gemma.Umalis siya ng bansa at pumunta ng Greece para lumayo pansamantala. Hindi siya napigilan ng Mommy niya na hindi umalis. Alam naman niya na ipipilit na naman nito si Gemma sa kanya.Sa tingin niya kaya andito si Gemma ay may plano na naman ang Mommy niya na bigyan sila ng oras para makapag usap. Nuong umalis kasi siya ay ilang beses nang nagtatangka na makipag usap si Gemma sa kanya. Pero hindi niya iyon pinapansin.He promised na sa pagbabalik niya ay buo na ang loob niya na ipaglaban ang pamilya niya. Walang Gemma at walang Mommy niya ang makakahadlang. "Ely, namiss kita" may kislap ang mga mata na sabi ng Mommy niya sa kanya. At niyakap siya. Mataman lang na nakatingin si Gemma sa kanya."I missed you too Mommy" tugon ni Ely nang humarap siya sa Mommy niya. Hinalikan niya sa pisngi ang ina. Tinapik naman siya sa balik at ng Daddy niyaNa
Matagal na inasam ni Ely na makitang muli ang kanyang mag iina. Kaya ngayon na nasa malapit lang sila ay hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito. Sabik na sabik na siya sa yakap ni Cory. Limang taon din na matagal sila hindi nagkasama na dalawa. Kung sana ay puso ang pinairal niya ay hindi mangyayari ito.Bawat madaan nila ay tinitingnan niyang mabuti. Dito sa lugar na ito nakayanan ng kanyang mag iina na tumira. Napakasimple ng buhay. Malapit sa dagat at tahimik ang kapaligiran. Huni ng ibon at lagaslas ng tubig ang maririnig.Unti unti niyang narealised kung anong klaseng buhay ang ibinigay niya sa asawa nuong magkasama pa sila. Mas nakakarelax ang pakiramdam na andito ang kanyang mag iina sa probinsiya. Hindi kagaya nuong nasa Maynila na walang katahimikan ang kalooban. Maingay at punong puno ng masasamang karanasan.Alas siete na ng gabi nang makarating sila Ely at Bryan sa lugar kung nakatira ang mag iina ni Ely.Maraming tao ang nasa labas. May dancing light at may mga, mal
"Dont cry, Baby. Andito na si Tatay" alo ni Ely sa anak na si Calli. Lumuhod siya para pantayan ang anak at pinunasan ang luha ng bata. Pagkatapos ay tumayo si at hinawakan ang kamay ng anak.Napaawang ang labi ni Cory. Hindi niya inaasahan na makikita ang dating asawa pagkalipas ng limang taon. Mataman lang siyang nakatingin sa kilos ni Ely.Habang si Francis ay napapailing ng kanyang ulo na nakapameywang.Papalapit nang papalapit si Ely sa kanila. Their eyes meet. Puno ng lungkot ang mga mata ni Ely. At halatang kagagaling lang sa pag iyak.Hinila bigla ni Francis si Cory papalapit sa kanya. Sa pag aakalang lalapitan si Cory. Pero dumiretso ito kay Elias.Ely caress the face of his son. He smile bitterly sweet. So, totoo ang hula niya. Lalaki ang sumunod na anak nila."Son, ako ito si Tatay" sabi ni Ely sa anak. Nakatingin lang si Elias sa ama. Walang reaksiyon at parang pilit na inintindi ang sinasabi ng lalaking kaharap niya."Elias, siya si Tatay. Dumating na siya. Alam ko babali
Iyak ng iyak si Cory. Habang si Francis ay inaalo siya. At si Glenda ay nasa tabi ni Cory."Tutulungan kitang makakuha ng visitation. Ilalaban natin sa korte" sabi ni Francis. Napatunghay bigla si Cory sa kanya."Visitation? Alam mo ba ang sinasabi mo Francis? Parang nanghihingi ako ng oras para sa mga anak ko. Ano yun, ha? Isisingit lang ang oras sa akin ako para makasama sila" ramdam nila ang frustration sa mga sinabi ni Cory."That's not I mean. Sa ngayon visitation lamang ang magagawa natin. Then we will appeal to the court. Makuha lang ang full custody ng mga bata para sayo. Kailangan nating kausapin ang abogado ko sa magandang gawin tungkol sa mga anak mo, Love""Ang hirap lang niyon para sa akin. Ramdam ko din na galit sa akin si Calli. Galit sa akin ang anak ko. Masakit iyon sa akin bilang isang ina. Gusto ko silang makasama. Hindi ko kaya na mawawala sila sa akin" lalo na siyang nanlumo sa sitwasyon nila ngayon."Mas maganda siguro na pakiusapan mo ang dati mong asawa, Cory.