"It's already all over social media." Humugot ng malalim na paghinga si Maui. "Of all people, it didn't even cross my mind, not even once, that you will do this to us." "Hindi talaga ako, maniwala ka sa 'kin," paki-usap ko. "Mismong ako ay nagulat kung paanong napunta ang design sa Bermudez." "If it's not you, then who?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "H-hindi ko alam. Wala...wala akong idea. Hindi ko pa n-nakausap 'yong...'yong manager ng project na 'yon. Hindi ko talaga alam, Maui. Hindi ko alam kung...kung anong nangyari." Nagkandautal-utal ako sa pagsasalita dulot ng takot sa galit na ekspresyon ni Maui, at sa kaalamang tila hindi siya naniniwala na wala akong kinalaman sa nangyari. "I don't think I could trust you now," matigas na sabi niya. "Pero ang sabi mo sa 'kin, may tiwala ka sa 'kin," halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salita gawa ng pagtitimpi ko na mapaluha. "Na kahit anong gawin ko, hindi ka nangangamba dahil may tiwala ka." "But that was before."
"A-anong ibig mong sabihin?" Pinigilan ko ang pag-iyak ko dahil nasa opisina pa ako noon at nakaupo sa harap ng aking desktop computer. "Maui, teka, 'wag naman...'wag naman ganyan." "I thought it's already clear to you that on that day you walked away from me, were over," matigas na sabi niya. "Hindi, hindi." Umiling ako nang umiling kahit hindi niya ako nakikita. "Hindi gano'n. N-nabigla lang ako no'n. Please 'wag mo naman gawin 'to. Patutunayan ko sa 'yo na hindi ako traydor at bayaran na tulad ng iniisip mo. Maui, gagawin ko ang lahat, 'wag ka lang mawala sa 'kin. Maniwala ka lang sa 'kin." "I can't be with someone I couldn't trust." Pinal na ang tono ng pananalita niya. "I'm so disappointed with you. All of us are." "P-pero wala akong kinalaman sa nangyaring leakage," patuloy akong nagmakaawa sa kanya. "Maui, please maniwala ka naman sa akin. Ikaw na lang ang inaasahan kong maniniwala sa akin. Ikaw na lang..." "I just can't. Because no matter how I try to analy
Napahugot ako ng malalim na paghinga noong nasa harapan na ako ng gusali ng LDC. Parang tutulo ang luha ko anumang oras. Ang daming masasayang alaala sa lugar na ito, at hindi sa ganitong paraan ko inaasahang bumalik. Matapos sabihin sa receptionist kung saan ang tungo ko, dumiretso na ako sa meeting room na sinabi ni Sir Frank sa akin noong tumawag siya kahapon. Hindi ko alam kung sino-sino pa ang nasa meeting na iyon. Kinakabahan man, alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan. Kumatok ako nang maka-ilang ulit bago pumasok. Nang itulak ko ang pinto, naroon na si Sir Thomas Ledesma na presidente ng kumpanya, si Sir Brix Ledesma na VP for Engineering and Development, si Sir Frank. At si Maui. "G-good afternoon po." Naiilang man ay sinikap kong ngumiti. "Have a seat, Ms. Catacutan." Iminuwestra ni Sir Thomas na maupo ako sa bakanteng upuan sa tapat niya. Sa tabi ko ay si Sir Brix, at nasa harap ko, sa magkabilang-gilid ni Sir Thomas ay si Sir Frank at si Maui. Nap
Naglakad na rin ako palayo bago pa may makakita sa akin na umiiyak at mukhang miserable. Ni hindi ko man lang makita sa mga mata ni Maui na nanghihinayang siya sa pinagsamahan namin. Buong-buo na talaga ang desisyon niya. Ganoon lang kabilis siyang naniwala na ako ang may kagagawan ng design leakage. Ganoon lang kabilis niyang itinapon ang lahat. Walang patid ang pagdaloy ng mga luha ko. Naki-restroom na nga ako sa isang fastfood chain na nadaanan ko sa paglalakad para lang kalmahin ang sarili ko. Tama na, Florence. Sa bahay mo na lang iiyak 'yan, paalala ko pa sa sarili ko habang naghihilamos sa lababo. Nang matapos ako ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ako na mismo ang naawa sa sarili ko nang makita ko ang mugto kong mga mata at wala sa ayos na buhok, habang tumutulo ang mga patak ng tubig sa aking mukha. Inayos ko ang sarili ko. Nang pakiramdam ko ay mukhang kaya ko nang humarap muli sa mundo, huminga ako ng malalim bago lumabas ng restroom. "
"Ate Aira! Kumusta ka diyan?" Na-excite ako nang makita ko ang mukha ng dati kong kasama sa LDC sa screen ng phone ko. Magka-video chat kasi kami isang hapon. Nasa Dubai na siya ngayon, fresh na fresh dahil mga isang linggo pa lang nang lumipad siya roon mula dito sa Pilipinas. "Ikaw ang kumusta? Ang dami kong nababalitaan tungkol sa 'yo." Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Okay ka lang ba?" "'Yong totoo, Ate, hindi talaga." Umiling ako. "Pero kakayanin naman." "Halika na rito, samahan mo 'ko," paanyaya niya. "Iwanan mo 'yong mga nang-aaway sa 'yo diyan." "Hala, para namang nandiyan ka lang sa kabilang kanto," natawa ako at maging siya rin. Kapagkuwan ay sumeryoso siya. "Pero totoo, hiring kami dito, mamsh. Dami naming kailangan na tao. Try mo. Si Eya nga sinabihan ko na rin, eh. May Assistant Project Manager, Market Development Officer, basta madami pang iba. Send ko sa 'yo 'yong bulletin." "Kung mag-a-abroad ako, baka isipin naman ng LDC o Bermudez na
Inilabas ko ang mga oil pastels ko at iba pang mga gamit. Gusto ko lang gumuhit ngayon, ayoko munang asikasuhin ang pag-a-apply ng bagong trabaho. Tutal, may in-apply-an ako kahapon at na-initial interview na ako. Hihintayin ko na lang muna siguro iyon kung tatawag hanggang sa susunod na linggo. Sa ngayon ay sumasapat pa naman ang mga naipon ko para sa mga gastusin namin ni Mama sa araw-araw. Tama si Chanel. Pagbibigyan ko muna ang sarili ko ngayon. Ayoko muna mag-isip ng kung anu-ano. Kaso, nang hugutin ko ang sketch pad ko, dinalaw na naman ako ng kalungkutan. Nakita ko kasi iyong sketch ng mukha ni Maui, na hindi ko pa natatapos. Mabagal akong gumawa kasi hindi ko talaga forte ang pag-guhit ng mukha ng tao. Balak ko sana iyon ibigay sa kanya sa unang anibersaryo namin. Siguro sa panahong iyon ay na-perpekto ko na ang paggawa. Pero hindi na nga rin mangyayari iyon. Parang gusto ko tuloy magpakalayu-layo. Umuwi kaya muna ako sa probinsya namin? Bakasyon lang. Para
"Welcome to Dubai!" Si Ate Aira mismo ang sumalubong sa akin sa airport. Kasama niya iyong nag-interview sa akin online na HR Specialist, namumukhaan ko siya! At may isa pang lalaki na mukhang pinoy din. Ipinakilala sa akin ni Ate Aira ang dalawang kasama niya. Si Darius iyong lalaki at tama ako, pinoy siya. Iyong HR staff naman ay Indian at Binita ang pangalan. Paglabas ng airport ay isang puting van ang naghihintay sa amin, at ang driver - pinoy pa rin! Si Kuya Ben. Dumiretso kami sa apartment na tinutuluyan ng mga empleyado ng Dacha Properties, Ltd. o DPL. Habang nasa sasakyan ay hindi maubos-ubos ang kuwentuhan namin tungkol sa kahit anong bagay tungkol sa Pilipinas. Pero nag-iingles kami kasi baka akalain ni Binita na siya ang pinag-uusapan namin. Ang lakas pa namang tumawa ni Darius. Ipinakilala nila ako sa mga tenant na naroon. Lahat sila, Pilipino! Sabi ni Ate Aira, kalahati mismo ng workforce ng DPL ay mga Pinoy. Maigi naman kung ganoon at para pa rin ako
Talaga Sir? Business trip po? Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko naman kasi sigurado kung okay ba kami talaga. Baka mamaya, nagpapaka-kaswal ako pero hindi naman pala niya gusto ng ganoon. Yeah. But not here. Dito lang kasi ang connecting flight ko. If you're busy or at work, it's fine. I just got a couple of hours anyway. Magkasunod na naging menasahe niya. Tama siya, nasa trabaho pa ako sa mga oras na ito. Pero nais ko rin siyang puntahan bilang respeto na rin sa kanya, dahil dati ko siyang boss. Saka siya na mismo ang nag-message sa akin na narito siya. "Ms. Florence, Mr. Kadir is calling us." Nasa kalagitnaan pa ako ng pag-iisip nang lapitan ako ni Indah. Siya ang Indonesian na kasama namin sa team. Nag-angat ako ng tingin. "All of us," dagdag pa niya. Ang sinasabi niyang Mr. Kadir ay ang aming Project Manager. "In the conference room?" tanong ko. "Yes." Tumango siya. "Okay, will follow. Thank you, Indah." Ngumiti ako. Nginitian