Share

CHAPTER FIFTY-NINE

"Ate Aira! Kumusta ka diyan?" Na-excite ako nang makita ko ang mukha ng dati kong kasama sa LDC sa screen ng phone ko. Magka-video chat kasi kami isang hapon.

Nasa Dubai na siya ngayon, fresh na fresh dahil mga isang linggo pa lang nang lumipad siya roon mula dito sa Pilipinas.

"Ikaw ang kumusta? Ang dami kong nababalitaan tungkol sa 'yo." Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Okay ka lang ba?"

"'Yong totoo, Ate, hindi talaga." Umiling ako. "Pero kakayanin naman."

"Halika na rito, samahan mo 'ko," paanyaya niya. "Iwanan mo 'yong mga nang-aaway sa 'yo diyan."

"Hala, para namang nandiyan ka lang sa kabilang kanto," natawa ako at maging siya rin.

Kapagkuwan ay sumeryoso siya. "Pero totoo, hiring kami dito, mamsh. Dami naming kailangan na tao. Try mo. Si Eya nga sinabihan ko na rin, eh. May Assistant Project Manager, Market Development Officer, basta madami pang iba. Send ko sa 'yo 'yong bulletin."

"Kung mag-a-abroad ako, baka isipin naman ng LDC o Bermudez na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status