Share

Chapter 19.1 - Status: Real Relationship cont.

Agad na pinamulahanan ng mukha si Serenity sa sinabi ni Bogs. These two may seem frightening physically, but when they actually talk, nakikita niya ang sarili niya sa kanila, playful and, just like her, with no inhibitions on what she wants to say. At ngayon din niya nakikita kung gaano sila kalapit kay Axel dahil mukhang alam na alam nila kung nasaan lagi si Axel.

"Hindi mo na sinagot ang tanong ni Bogs." singit naman ni Chino sa usapan nila. "Ano, natatakot ka ba sa amin o natatakot ka talaga?"

Napakunot ang noo niya habang iniisip niya ngayon ang mga naging reaksyon niya kanina. Tunay nga na may pagka-OA siya paminsan. Bakit nga ba siya matatakot sa dalawang kaharap niya gano’n mga kaibigan sila ng nobyo niya?

"Nahihiya lang, takot na agad? Hindi ba puwede na nangangapa muna ako?" sagot niya naman.

"Hoy, bebe ni Axel, bawal kami na kapain at baka masapak kami ng seloso mo na boyfriend. Si Axel lang ang puwede na makipagkapaan sa'yo." Muli na naman siya na napangiti kahit na nag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status