Inis na inis si Zane sa mga binti na nakadantay sa kan’ya habang siya ay natutulog. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang tinatabihan siya ng mga kaibigan niya sa pagtulog kaya mas lalo pa ang pagka-inis na nararamdaman niya dahil sa nangangalay na ang braso niya dahil may kung sino na isa pa na panira sa tulog niya at pang-asar na dumagan pa sa braso niya. Puta talaga! Ilan ba sila sa kuwarto niya ngayon at bakit dito pa nagsumiksik ang mga kaibigan niya? Ayaw pa sana niya na gumising dahil puyat na naman siya at nag-inuman pa silang apat kagabi pero pilit niya na idinidilat ang mga mata kahit na hirap siya na gawin iyon upang salubungin ng bulyaw niya ang mga peste na naglakas-loob na matulog na katabi niya. "What the fuck?! Alis nga!" Sigaw niya habang unti-unti rin na idinidilat ang isang mata niya. Ngunit dahil sa nakita ay mabilis siya na napabalikwas dahilan upang ang katabi niya ay bahagya niya na maitulak pero mabilis din naman niya na nahawakan ang mga braso nito upang hind tuluy
Nagtaas-baba ang ulo ni Zane bilang tugon. "Yes, anywhere you want, but there is a big but here, Wifey, you don’t need to spend a single penny for this. This is all on me; after all, I am your husband. At simula ngayon, lahat ng gastusin dito ay ako na rin ang sasagot." Napanganga si Serene sa tinuran na iyon ni Axel. Si Axel ang sasagot ng lahat ng gastos nila? Paano? Saan siya kukuha ng pera? She knows her husband is not rich, but he doesn't seem to be that poor either, so it is possible he is in the middle class pero kaya ba na suportahan ng asawa niya ang mga luho na kinagisnan niya? "Hindi mo na kailangan gawin iyon. I can support the two of us, while you can save your money." "No." Mariin agad ang naging pagtanggi ni Zane sa sinabi na iyon ni Serene. Alam niya na hindi maaari na malaman ng asawa niya ang yaman na mayro’n siya, lalo na ang lahat ng patungkol sa buhay niya at sa mundo na ginagalawan niya, pero hindi rin naman niya mapapayagan na magyaya ng honeymoon tapos ay ang
Seryoso na nakaupo at nagtatrabaho si Zane sa kan’yang lamesa. Nakakunot ang kan’yang noo habang binabasa ang ilan sa mga mahahalaga na dokumento na natanggap niya kani-kanina lamang. Kagaya ng karamihan sa mga empleyado sa opisina nila, siya rin ay naka-pokus din ang atensyon sa trabaho. Pero kaibahan sa mga kasamahan niya, hindi trabaho para sa EMG ang umookupa sa buong atensyon at oras niya ngayon kung hindi ang misyon nila ng Bastardos. Kabibigay lamang ni Jed ng mga papeles na iyon sa kan’ya kanina nang makarating sila ng misis niya sa opisina at kahit na ayaw man niya na gawin dito ang mga bagay na may patungkol sa grupo niya ay wala siyang iba na pagpipilian dahil dito lamang sila nagkakaro’n ng oras ni Jed na magpalitan ng mga impormasyon patungkol sa misyon nila. Mabuti na lamang din at ipinatawag ni Manolo ang kan’yang asawa sa opisinia nito kaya kahit paano ay nagkaro’n siya ng pagkakataon na mapag-isa. Serenity has been too clingy with him, especially when they are in th
Napasulyap sa kan’ya si Jed sa isang salita na iyon na sinabi niya. For a long time, he was never truly happy in its purest form. After what his father did to him ay hindi na niya alam ang tunay na kahulugan ng pagiging masaya. Pero sa pagdating ni Serenity sa buhay niya, he found happiness with her. "Are you really happy again?" Hindi makapaniwala na tanong pa ni Jed sa kan'ya. Nagtaas-baba ang kan’yang ulo upang sagutin ang katanungan na iyon. "Yes, I am happy. I am discovering a lot of things about her and about myself that I never knew I had in me. Hindi ko nga alam na pasensyoso pala ako na tao." Ikinahagalpak ng tawa ni Jed ang sinabi niya na iyon. Bastardos members know that Zane can be anything but patient, but right now, Zane is telling him that he is. "Takte! Ayaw ko na paniwalaan ang bagay na iyan." "Well, you have to. Hindi ko nga rin alam kung saan ako nakakakuha ng mahabang pasensya para sa kakulitan ng asawa ko. Maybe because I am really in love with her." Napahithi
Kanina pa hindi mapakali si Zane dahil sa natanggap na balita buhat sa kan’yang asawa. Hindi niya sigurado kung nais ba niya na matuwa o mabuwisit dahil sa mangyayari mamayang gabi. Aligaga siya hindi dahil sa kinakabahan siya sa napipinto na paghaharap nila ng target niya, kung hindi sa pagharap niya sa biyenan niya. These two things are exactly different in all aspects. Yes, he may be referring to only one and the same person, but still, these circumstances are different from each other. Kung si Manolo bilang target niya ang haharapin niya, he can be as tough as he wants to be. Kayang-kaya niya na paikutin sa mga palad niya sa labis na takot si Manolo Enriquez. Ngunit hindi iyon ang magiging sitwasyon niya dahil si Manolo bilang biyenan niya ang kakaharapin niya at kakailanganin niya na maging kagalang-galang at magkunyari na mabait sa harap nito. Sa madaling salita, kailangan niya na galingan ang pagpapanggap niya bilang si Axel Salvacion, ang empleyado sa EMG at ngayon ay asawa
"Fuck it! Bakit ba kailangan na magsabay-sabay na naman ang mga problema ko?" "Ano ba kasi ang problema mo?" muli na tanong ni Chino. "Si Aliya ba, si Serenity, o pareho?" "None of the above." Iritado na dagdag pa niya. "Ang problema ko ay si Manolo Enriquez." The three men all became attentive after hearing what Zane said. Ano ang posible na maging problema nila kay Manolo Enriquez gano’n na nagpadala pa nga ng emisaryo ang target nila? Isang buntong hininga ang muli na pinakawalan ni Zane saka sinimulan na ipaliwanag ang matindi na pinoproblema niya ngayon. "I am personally meeting with Manolo Enriquez. I am meeting my father-in-law." And what could he expect from his friends? Ang lahat ay napanganga at gulat na gulat na napatingin sa kan’ya dahil sa sinabi niya. "Fuck!" usal ni Jed. "Shit!" dagdag naman ni Chino. "Fucking shit!" pagtatapos naman ni Bogs. "Si Manolo Enriquez? And you agreed to meet him?" Hindi makapaniwala na tanong pa ulit ni Jed sa kan’ya. "Paano, kailan,
Aligaga ang lahat ng tao sa mansyon ng mga Enriquez. Kasamabahay man at ang mga bodyguards, ang lahat sa kanila ay abalang-abala. Wala naman malaki na pagtitipon na magaganap doon ngunit lahat ay hindi magkanda-ugaga sa preparasyon na inutos ng kanilang amo na si Manolo Enriquez. Lahat sila ay hindi maaari na magkamali sa oras na iyon dahil isang espesyal na tao ang darating sa mansyon. Darating ang nag-iisang anak at tagapagmana ni Manolo na si Serenity Enriquez. Matagal-tagal na rin na hindi umuuwi sa manyon ang heredera kaya naman nagpahanda ng isang magarbo na hapunan ang kan’yang ama. Pero bukod sa kan’yang pagdating ay may isa pa na mahalaga na dahilan para magpahanda ng salo-salo na ito ang matanda na Enriquez. Serenity Enriquez, his only daughter and heiress, has gotten married without his knowledge. Galit na galit siya nang malaman niya ang katotohanan na iyon. He doesn’t care who his daughter wants to marry, kahit na ano pa ang katayuan nito sa buhay ay wala naman siyang p
"Bakit ang anak ko pa? Marami naman iba riyan. Naririnig ko na isa ka sa pinagkakaguluhan sa kumpanya ko kaya ibig sabihin lamang no'n ay maraming babae ang naghahabol sa'yo. Kaya bakit sa lahat ay anak ko pa?" "Bakit hindi ang anak mo? Ano ang masama kung sa lahat ay si Serenity ang piliin ko?" "Hindi kaya na ginagamit mo lamang ang anak ko para sa mga personal mo na ambisyon?" Isang tanong iyon na alam ni Zane na lalabas sa usapin nila na ito at handa siya na sagutin ang tanong na iyon ng matandang Enriquez. "Kung iyon man ang raosn ko, kung iyon nga ang ambisyon ko, sa tingin mo ba ay mananatili pa ako na empleyado mo? Hindi ba dapat ay nasa malayo na kami ng anak mo at nagpapakasasa sa pera mo?" Hindi man galing sa mayaman na pamilya si Axel Salvacion pero nabasa niya sa profile nito kung paano nagsikap ang lalaki upang makapagtapos sa pag-aaral. At kung iyon nga ang katotohanan ay naaawa si Manolo para rito kung sa bandang huli ay magbago ang isip ng kan'yang anak at hilingin