Share

Chapter 53 - The Ex's and the Truth

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikaw ang gumawa no’n, Zane." Hindi na napigilan na sabihin ni Bogs ang saloobin niya patungkol sa pag-amin ng kaibigan nila na pagpapatakas nito mismo sa sariling asawa niya. Bukod pa kasi roon ay ang katotohanan na pinagbintangan pa niya si Chino na siyang nagpatakas kay Serene at kung ano-ano pa ang sinabi niya sa kaibigan nila dahil sa maling akala niya.

"Hindi mo lang din talaga matanggap na si Zane ang gumawa noon dahil sa isip mo ay ako pa rin ang kontrabida rito. Aaminin ko naman na plano ko talaga na gawin din iyon pero mas naging matimbang sa akin ang mararamdaman nitong kaibigan natin kapag nawala ang asawa niya. Malay ko ba naman na ang pag-aalala ko pala na iyon ay walang kahihinatnan dahil siya pa mismo ang gagawa noon." Dagdag na sabi naman ni Chino.

"Bakit kasi hindi ka pa umamin at sinakyan mo pa ang maling akala ko tungkol sa’yo?"

"Para ano pa? Wala rin naman saysay dahil hindi nga natin alam kung sino ang gumawa no’n, pero s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status