Share

Chapter 10

After our last subject, I immediately fixed my things and about leave as it was already five thirty in the evening.

Akma akong lalabas ng classroom nang may humigit sa siko ko. "Saan ka pupunta? Cleaners natin ngayon kaya huwag kang tumakas oy!"

Napatampal ako ng noo dahil ngayon ko lang naalala. "Sorry, Hansel. Nakalimutan ko."

Inilapag ko ang bag sa silya at tumulong sa paglinis ng classroom habang ang ibang myembro namin ay banyo ang nililinisan. I volunteered in throwing the trash, and I saw Lowell leaning on the wall outside the room.

"Tulungan na kita," aniya at kinuha ang dalawang basurahan sa hawak ko.

Sumabay ako ng paglalakad sa kaniya at inasar ko siya habang bumababa kami ng hagdan. "Himala talaga na nandito ka pa. Hindi ba ikaw ang palaging unang nawawala kapag tapos na ang panghuling klase?"

Mahina siyang natawa, "Hindi ba si Daniel iyon?"

"Si Daniel daw..." Napaismid ako. "Ikaw ang lider nila, remember?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status