Share

Chapter 41

"May bisita tayo bukas dito sa bahay mga anak," wika ni Tatay habang nasa hapag-kainan kaming apat, kumakain ng hapunan.

"Sino po Tatay?" Tanong ni Shey matapos niyang uminom ng tubig. Nanatili akong nakatingin sa paglato at nang hindi sumagot si Tatay sa tanong ni Shey ay doon lang ako napaangat ng tingin.

Ang mga ganitong uri ng pananahimik ni Tatay ay alam na alam ko. Hindi na bago sa akin ang marinig na maraming nagkakainteres sa lupain ng pamilya namin at ang ibang negosyante ay gusto kaming gawing supplier ng mga mani, mais, tubo at palay.

"Mga bibisita lang sa bukirin natin," si Nanay na ang sumagot sa tanong ni Shey.

"Ah sige po, aagahan ko ang paglilinis ng bahay bukas."

Mabilisan kong tinapos ang pagkain nang mapansing dalawampung minuto nalang ay papasok na ako sa trabaho.

Tumayo ako at nagtungo sa kusina para ilagay ang pinagkainan ko bago iprepara ang sarili ng mabilisan.

"Alis na po ako, Tay, Nay." Paalam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status