Share

Chapter 42

Hindi ko alam kung paano ako nakahinga ng maayos matapos marinig si Rafus na magsalita. Inaasahan ko na talaga na hindi siya magsasalita at iiwas ang tingin sa akin pero hindi iyon ang nangyari! At ang marupok kong puso ay kinikilig na naman!

"Anak, tulungan mo muna ako."

Kung hindi pa siguro ako tinawag ni Nanay ay hindi pa ako babalik sa huwisyo. Mabilis akong tumalikod kay Rafus na sobrang lakas ng kabog ng puso ko at hindi iyon dahil sa pagkaripas ng takbo papunta kay Nanay kundi dahil dulot niya.

Inapakan niya na ako't lahat lahat pero gustong gusto parin siya nitong maharot kong puso! Ang hirap ang pagiging marupok!

"Slaine, anak okay ka lang ba?"

"Po? Uh-opo naman Nanay."

"Kanina pa kasi sumasandok diyan na hindi naman bukas ang kaldero ng kanin."

"Ay sorry po, Nanay." Sabi ko at binuksan ang kaldero. Napakagat labi ako at mahinang binatukan ang sarili sa katangahan.

Umayos ako at sumeryoso sa pagtulong k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status