Tristan Seth POV
MATINDING kahungkagan ang naramdaman ko ng umagang iyon dahil nagising akong wala na ang babae sa tabi ko. Ni walang bakas na roon ito nagpalipas ng gabi. Tinangka ko pa siyang hanapin sa loob ng banyo pero wala na talaga. Tanging ang long sleeve na isinuot ko rito kagabi ang naiwan nito sa banyo.Naiiling na lamang ako dahil naninibago ako sa nararamdaman ko. Parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang kalagayan nito kagabi.Nag-aalala ako dahil naiisip ko na paano kung maglasing na naman siya? Paano kung sa lalaking mapagsamantala siya mapunta?Tsk! Bakit ka ba nag-aalala, ha? Let her be dahil iyon naman ang gusto niya. Piping sikmat ng isang bahagi ng isip ko.Oo nga naman. Bakit ba ako mag-aalala eh hindi naman kami magkaano-ano?Nagdesisyon akong maligo na lamang para iwaglit sa isip ko ang babaeng iyon. Pero habang nakatapat sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower ay muling sumagi sa isip ang babaeng iyon. Ramdam ko ang pag-igkas ng pagkalalak*e ko nang maalala ang napakaganda niyang katawan.Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko dahil do'n. Tila hindi sapat ang malamig na tubig mula sa shower para patayin ang init na nararamdaman ko. Sa huli, wala akong nagawa kun'di ang ilabas ang init na nararamdaman ko sa pamamagitan ng kamay ko.Nanginginig ang mga tuhod na tinapos ko ang pagliligo at saka nagmamadaling nagbihis. Balak kong pumunta muna sa bahay namin ng pamangkin ko. Doon ko kasi sila pinatira ng asawa niya para palagi ko pa rin siyang ma-monitor. Hindi lingid sa kaalaman ko na napilitan lang magpakasal ang lalaking iyon sa pamangkin ko at hindi ako papayag na gawin niyang miserable ang buhay ng pamangkin ko.Over my dead body.Lulan ng kotse ko na binagtas ko ang daan pauwi sa bahay namin. Ang bahay na iyon ay bahay pa ng mga yumao kong magulang. Kahit malungkot sa bahay na iyon ay hindi ko kayang umalis doon dahil naroon ang masasayang memories namin ni Kuya na ama ni Mia Grace. Maging ang naiwang memories ng mga magulang namin.Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa bahay. Pero nasa main door pa lang ako nang makarinig ako nang malakas na kalabog at sigawan mula sa loob."Hindi ka puwedeng umalis, Jason!" Boses iyon ng pamangkin ko kaya naman napatakbo ako papasok sa loob."Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo! Who do you think you are para kontrolin ang buhay ko, ha?!"Napatiim-bagang ako nang marinig ang boses na iyon ni Jason. Ang asawa ng pamangkin ko."I'm your wife!""You're just my wife, Mia! Kahit anong gawin mo hindi kita magagawang mahalin! Napilit mo man akong pakasalan ka pero hinding-hindi mo ako mapipilit na mahalin ka! Mamamatay akong si Cassandra lang ang mahal ko at hindi ang kung sino, at lalong hindi ikaw!"Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko nang marinig ko ang malakas na hagulhol ng pamangkin ko."Kahit lumuha ka pa ng dugo hindi kita mamahalin. Hindi mo makukuha ang puso ko, Mia. Tandaan mo iyan! Bitawan mo 'ko, Mia, aalis ako!""No! Hindi ka aalis! Walang aalis, Jason! Hinding-hindi ako papayag na puntahan mo ang babaeng iyon, dito ka lang!""Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw ni Jason sa pamangkin ko.Para akong sinaniban ng demonyo nang marinig kong lalong lumakas ang iyak ng pamangkin ko.Wala akong sinayang na sandali. Malalaki ang hakbang na tinakbo ko ang hagdaan kung saan nagmumula ang sigawan ng dalawa. Marahas kong pinihit ang seradura at gigil na gigil na nilapitan si Jason."Tito!" Sigaw ni Mia Grace nang haklitin ko ang kuwelyo ng dapat ng lalaki. "Tito, huwag!"Isang malakas na suntok ang pinadapo ko sa mukha nito. Pero hindi man lang ito natinag. Sa halip ay tumingin siya sa akin na puno ng kalamigan."Kahit patayin mo ako, wala kang magagawa!" Sigaw ni Jason sa akin. "Kung nasasaktan man ang pamangkin mo, kasalanan mo iyan! Alam mong hindi ko siya mahal pero ipinilit ninyong pakasalan ko siya!""Don't test my patience, Jason! Kaya kitang tanggalan ng hininga kapag niloko mo ang pamangkin ko!" Gigil na gigil na sabi ko at muling hinila ang kuwelyo nito. "Binuntis mo ang pamangkin ko tapos ang kapal ng mukha mo para sabihing ang Cassandra na iyon ang mahal mo?! Fvck you!" Muli kong binigyan ng suntok ang mukha nito. "Fvck you!" gigil na gigil na ako ng mga sandaling iyon.Muli ko siyang inundayan ng malakas na suntok sa mukha nito.Napaatras ito mula sa akin pero lumapit ulit ako sa kaniya. Tangka ko siyang bibigyan ulit ng sapak nang awatin ako ni Mia Grace."Tito, enough!" Luhaang sabi nito. Bawat hikbi nito ay tila punyal na tumatarak sa dibdib ko. "Huwag mong saktan si Jason, please?" pakiusap pa nito."Huwag saktan?! Harapan ka niyang iniinsulto tapos hayaan ko?! Napapitlag ito sa pagsigaw ko. "Kung okay lang sa iyo na sabihin na hindi ka niya mamahalin puwes sa akin, hindi! Hindi kita inaalagaan at minahal para saktan lang ng gagong iyan, Mia Grace! Damn it!""Enough na Tito, please? Mag-uusap na lang po kami ni Jason. Galit lang siya kaya niya nasabi iyo--""Hindi ako bingi! Narinig ko ang mga sinabi niya sa'yo, kaya huwag na huwag mong ipagtatanggol sa akin ang lalaking iyan! Huwag na huwag, Mia Grace!" Sa sobrang gigil ko ay muli kong nilapitan si Jason na nagpupunas ng dugo sa gilid ng mga labi nito.Dinuro ko ang noo nito. "Kung iniisip mong lokohin ang pamangkin ko para makipagbalikan sa ex-girlfriend mo, don't you dare!" Pagbabanta ko."Bakit, anong gagawin mo? Papatayin mo ako?" paghahamon naman nito sa akin. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin dahilan para lalo akong manggigil."I'm not scared! Hindi ako takot mamatay dahil ang pagpapakasal sa pamangkin mo ay para na rin akong senintensiyahan habang-buhay." Mahina ngunit mariin niyang sabi sa akin."Sana naisip mo iyan bago mo pinakialaman ang pamangkin ko! Alam mong may girlfriend kang tao pero pumatol ka pa rin sa pamangkin ko! Tapos ngayon, ipapamukha mo sa pamangkin ko na hindi mo siya mahal?!" Sigaw ko. "You son of the b*tch!""Tito, huwag! Please, tama na!" Pakiusap ni Mia Grace sa akin nang tangkain kong muling sapakin ang asawa nito. Umiiyak na yumakap siya sa aking braso ko at kapagkuwa'y tumingin sa akin. "Mahal na mahal ko siya, Tito. Huwag mo siyang saktan, please?"Tiim-bagang ko siyang tiningnan. Pinaghalong inis at awa ang nararamdaman ko para sa pamangkin ko. Inis dahil baliw na baliw ito sa lalaking hindi naman ito mahal. Awa, dahil hindi deserve ni Mia Grace ang ganitong klaseng pagtrato. Hindi ko siya inaalagaan at pinag-aral para lang saktan ng kung sino. Nangako ako sa kapatid ko na poprotektahan ko ang kaniyang anak at hindi ko puwedeng baliin iyon."Jason, saan ka pupunta?!" Ang boses na iyon ni Mia Grace ang tila nagpagising sa akin. "Jason?!""Jason, come back here!" Dumagundong sa buong kabahayan ang boses ko. "Stay here, Mia Grace," sabi ko.Umiling naman ito habang umiiyak pa rin. "Tito, baka hindi na siya bumalik. Baka puntahan niya ang ex-girlfriend niya! Hindi ako papayag na puntahan niya ang babaeng iyon!" Hysterical na sabi nito. "Hindi, hindi, hindi!""Mia Grace! Calm down, okay? Susundan ko siya at ibabalik ko siya rito. Hindi ako papayag na lokohin ka ng lalaking iyon!" Pinal na sabi ko."T-Tito.." hikbing anas nito.Awang-awa akong ikinulong ito sa mga bisig ko. Mahigpit ko siyang niyakap."I love him, Tito..""Sshh, I know. Stop crying, okay? Ako ang bahala, ibabalik ko siya rito. I promise you that, baby," sabi ko. Hinaplos ko ang buhok nito at kapagkuwa'y inalalayang dalhin sa kama. Inihiga ko siya roon at umupo naman ako sa tabi nito. Masuyo kong hinaplos ang buhok nito."Tito...""Everything will be okay, baby. Tito will do everything for you, hmm? Now, sleep and rest. Paggising mo narito na si Jason, ibabalik ko siya rito." Puno ng pangako na sabi ko, at gagawin ko iyon.Kahit kaladlakarin ko siya pabalik dito sa bahay ay gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para sa pamangkin ko._________MATAPOS makatulog ni Mia Grace ay iniwan ko na ito. Nagpaalam lang ako kay Merchelley, ang personal yaya ng pamangkin ko at kasambahay dito sa mansion. Siya ang kasa-kasama ng pamangkin ko rito sa bahay kapag wala ako. Lalo na sa tuwing abala ako sa trabaho ko at nawawalan ako ng oras sa pamangkin ko.At hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa pagiging abala ko ay hindi ko namalayang napapahamak na pala si Mia Grace at nabuntis pa nang wala sa plano."Sir Tristan, huwag po kayong mag-alala ako po ang bahala kay Ma'am Mia," ani Merchelley."Thank you. I'll be back. Bantayan mo lang siya, okay?" Bilin ko pa rito."Yes po, Sir," anito at sumaludo pa sa akin.Tinanguan ko lamang naman siya at saka nagmamadali ng umalis ng mansion. Kaagad na akong lumulan sa kotse ko at nagsimulang maghanap sa gagong asawa ng pamangkin ko.Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin, pero namalayan ko na lamang na nasa isang hotel ako. Doon ako dinala ng mga paa ko dahil na-detect ko kung nasaan si Jason.Nagngingitngit ang kalooban na bumaba ako ng kotse ko at saka pumasok sa hotel na iyon. Kabisado ko ang hotel na iyon at hindi ako nahirapang makapasok nang ipakita ko ang vip card na hawak ko para makapasok sa loob.Ngiting-tagumpay na naglakad ako papunta sa elevator. Kuyom ang mga kamao na lumulan ako sa elevator at tumigil sa floor na sadya ko."Damn you, Jason! I will kill you once na malaman kong niloloko mo ang pamangkin ko. Lintik lang ang walang ganti." Nagpupuyos ang kalooban ko.Mabibigat ang bawat hakbang na tinahak ko ang pasilyo papunta sa hotel room na sadya ko. Ilang metro pa ang layo ko sa kuwartong sadya ko nang matigilan ako. Nakita ko kasi si Jason na nasa labas ng kuwartong iyon na waring naghihintay na pagbuksan ng nasa loob niyon.Lalapit na sana ako para komprontahin si Jason nang mapatda ako. Kaagad din akong nagkubli para tingnang mabuti kung tama ba ang nakikita ng mga mata ko. Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko pero tama ang nakikita ko. Kilala ko ang babaeng nasa harapan ni Jason ngayon.Si Jason at ang babaeng kasama ko sa unit ko? Piping usal ko."Anong ginagawa niya rito? At bakit magkasama sila ni Jason--" kusa akong natigilan nang maisip ang posibleng dahilan.Ang babaeng nakita ko sa eroplano at ang babaeng iniligtas ko bar at ang babaeng dinala ko sa unit ko, ang babaeng mahal ni Jason? Siya ang ex-girlfriend ni Jason? Si Jason ang dahilan kung bakit palagi siyang umiiyak? Sunod-sunod ang pagdating ng realisasyon sa utak ko ng mga sandaling iyon."What the fvck?" Hindi makapaniwalang saad ko habang tiim-bagang na nakasilip para tingnan ang dalawa.Literal na umusok ang ilong ko nang makita kong nagyakap ang dalawa."Damn you, Jason! Hindi mo 'to puwedeng gawin sa pamangkin ko! Magkakamatayan muna tayo bago mo harapang gaguhin ang pamangkin ko. No way!"Ilang sandali ko pa silang pinanuod. Nang makita kong pumasok sa loob ng hotel room ang dalawa ay mas lalo akong nanggalaiti sa galit at pagkamuhi."Hindi ninyo puwedeng gawin ito sa pamangkin ko! Never. Ever."Umalis ako sa lugar na iyon na tila lumilipad ang isip. Kailangan kong gumawa ng paraan. Mahal ko ang pamangkin ko at hindi ako uupo lang sa isang tabi para panuoring pinagtataksilan nila ang pamangkin ko.Cassie's POVNasa bahay ako ng parents ko nang tumawag si Jason kanina, ang sabi niya gusto niya akong makausap. At dahil gusto ko rin siyang makausap kaya pumayag ako kaagad. "Saan ka pupunta?" Boses iyon ni Papa mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Magkikita lang po kami ni Shiela, Papa," paiwas na sagot ko. Alam kong pipigilan niya ako kapag nalaman niyang si Jason ang kakatagpuin ko ngayon. "Si Shiela ba talaga, Cassandra?" "Y-Yes po, 'Pa, si Shiela po." Medyo na-guilty ako dahil hati sa katotohanan at kasinungalingan ang sinabi ko. Totoong kay Shiela ako pupunta pero pupunta roon si Jason para doon kami mag-usap.Hindi puwedeng dito sa bahay namin dahil tiyak na magagalit ang parents ko kapag nakita nila si Jason na tumuntong sa pamamahay namin. "Cassandra, binabalaan kita," seryosong saad ni Papa habang matamang nakatingin sa akin. "'Pa." "May asawa na si Jason kaya umayos ka! Hindi kita pinag-aral para maging other woman ng kahit na sino--""Papa," awat k
Cassie's POVNANG makaalis si Jason ay muli akong bumalik sa loob ng condo unit ni Shiela. Nanlalambot ang mga tuhod na umupo ako sa sofa, saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga para kalmahin ang sarili ko. Ang hirap ng ganito, iyong tuluyang pakawalan ang lalaking naging sentro ng buhay ko for 8 long years. Napapagod na dumausdos ako ng upo, saka sumandal sa sandalan ng sofa. Tumikhim ako nang makailang ulit para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero para saan pa, wala na ring saysay kahit lumuha pa ako nang lumuha. Tapos na. Tinapos ko na ang lahat sa amin ni Jason dahil iyon ang pinakatama kong gawin. "Umalis na?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Shiela sa tabi ko. Umupo pa siya sa tabi ko, saka pinisil ang kamay ko. "Siguro naman magsisimula ka ng mag-move on niyan kasi nakita mo kung gaano kairesponsable si Jason," sabi nito. "Kasi naniniwala akong walang mabubuo kung hindi rin nagpadala sa init ng katawan iyang ex mo. At saka hindi
Cassie's POVMATAPOS akong saktan at pagalitan ni Papa ay nagmamadali na akong pumasok sa kuwarto ko. Sobrang sama ng loob ko, dapat sila ang mas nakakakilala sila sa akin pero napakadali sa kanilang husgahan ako. Walang tigil sa paglaglagan ang mga luha ko habang sapo pa rin ang namamanhid kong pisngi. Ang sama ng loob ko dahil ito ang unang beses na nagawa akong pagbuhatan ng kamay ni Papa. Impit akong napaiyak nang kumirot ang kanang pisngi ko. Hinagilap ko ang kumot ko at iyon ang ginamit kong pamunas ng mga luha ko. Sandali akong natigilan nang marinig kong may kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. "Cassie, si Ate 'to, usap tayo please?" Boses ni Ate Catelyn habang kumakatok.Hindi ako sumagot, lalong hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. "Cassie, please open the door," sabi pa nito. Hindi siya basta makakapasok dahil ini-lock ko iyon. Hindi pa rin ako sumagot, sa halip ay dumapa ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari
Cassie's POVMATAPOS ang nangyari sa bahay namin apat na araw na ang nakakalipas ay hindi ako na nakalabas ng bahay. Bantay-sarado ako kay Papa dahil iniisip nitong kapag lumabas ako ng bahay ay makikipagtagpo lang ako kay Jason. Hindi na rin ako nagpumilit lumabas o tumakas dahil napapagod na akong makipagtalo pa kay Papa. Kahit naman anong gawin ko mukhang hindi siya makikinig sa akin dahil sarado na ang isip niya. Mukhang nalason na ng Tristan na iyon ang isip ni Papa. Nalaman ko kasi kay Ate Catelyn na araw-araw pumupunta rito sa bahay ang lalaking iyon para kumbinsihin akong magpakasal sa kaniya pero nagmatigas ako. Ni hindi ako nagtangkang lumabas ng kuwarto sa halip ay ini-lock ko pa iyon para hindi sila makapasok sa kuwarto ko. Masamang-masama ang loob ko sa kanila dahil walang gustong maniwala sa akin. Gusto ko sanang makausap si Shiela pero kinuha rin nila ang cellphone ko para huwag ko raw matawagan si Jason. Puro na lang sila Jason, Jason, Jason! Paano ko siya makakalim
Cassie's POVHABANG nakikinig sa pinag-uusapan nila ay panay ang ismid ko kapag si Tristan ang nagsasalita. Buwisit na buwisit ako sa pagmumukha nito kahit gaano pa kaguwapo. Yes, aaminin kong guwapo naman talaga siya pero hindi man lang ako maakit sa angking kaguwapuhan nito, sa halip nag-iinit lang ang ulo ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Lalo pang nadagdagan ang inis ko rito nang ilang beses ako nitong kinindatan pero pamatay na irap lang ang isinusukli ko rito. "Ang mata mo, makita ka ni Papa," pabulong na sita sa akin ni Ate nang mahuli akong inirapan si Tristan. "Nakakabuwisit siya, Ate." "Ang guwapo kaya niya," anito na waring kilig na kilig. Hindi ko na lang pinansin si Ate. Ibinalik ko ang atensyon kay Papa na ngayon ay tila bilib na bilib kay Tristan. Bakas ang katuwaan sa mukha nito dahil talagang pinanindigan nitong makasal daw kami sa lalong madaling panahon.At kanina pa ako kating-kati na tumayo para iwanan sila ngunit palagi akong bigo sa tuwing magagawi
Cassie's POVLUMIPAS ANG MGA araw, tulad ng sabi ni Ate Katelyn ay sumunod lang ako sa agos ng plano nila pero ang totoo ay pinagpaplanuhan kong makuha ang passport ko kay Papa para makaalis na ako ng Pilipinas. Ingat na ingat akong gawin iyon para hindi niya ako mahuli na sumasakay lang ako sa plano nila. Makailang ulit na akong muntik maabutan ni Papa na pinagtatangkaang kunin ang passport ko sa kuwarto nila ni Mama, mabuti na lamang at mabilis akong makaisip ng dahilan. Sa makailang ulit na iyon ay palagi rin akong nabibigo.Okay na sana ang lahat kung hindi lang panira si Jason. Habang nag-aayos kasi ako para sa lakad namin ni Shiela ngayon ay biglang dumating si Jason. Mukhang nakainom na naman ito kaya wala akong choice kun'di ang labasin ito para 'wag mag-iskandalo sa harap ng gate namin. "Baby! Papasukin mo 'ko, please?" Rinig kong sigaw ni Jason. Gigil na binuksan ko ang gate na kinakalampag ni Jason. "Anong ginagawa mo rito?""Baby, mabuti lumabas ka." Lumarawan ang pag-a
Cassie's POVNAGISING ako sa pakiramdam na parang may mga matang nakamasid sa akin at may mainit na hanging tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata, at tama ngang may mga matang nakamasid sa akin dahil ang guwapong mukha ni Tristan ang namulatan ko. "Anong ginagawa mo?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko dahil halos mahalikan na ako nito sa sobrang lapit ng mukha sa akin.Hindi naman ito umimik, nakatitig lang siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya't malakas kong tinulak ang dibdib nito gamit ang dalawang palad ko. Ngunit daig ko pa ang tumulak sa bakal dahil hindi man lang ito natinag. Sa halip mas idinikit pa nito ang mukha sa akin.Awtomatikong naitukod ko ang mga kamay ko sa dibdib nito. "L-Lumaya ka sa akin." Kulang sa diin na utos ko rito. "Paano kung ayo'ko, hmm?" "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Tristan." "Lalong hindi ako, Cassandra." Nakakapangilabot ang mga titig nito. Para iyong tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. Bahagya akong n
CHAPTER 13Cassie's POVWALA akong sinayang na sandali, nang makahanap ako ng tiyempo ay kaagad kong nilapitan si Lalaine na busy sa kusina. "Ma'am Cassandra--""Cassie na lang," nakangiting sansala ko rito.Nahihiya s'yang tumango. "Sige Cassie, kung 'yan ang gusto mo." "Salamat," pasalamat ko habang panay ang lingon dahil baka umeksena na naman si Marchelly. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Lalaine.." "Cassie, may kailangan ka ba?" "Kailangan ko ang tulong mo para makaalis dito." "Ano?!" "Sshh, huwag kang maingay, please?" Pabulong na wika ko sabay kabig dito papunta sa tagong bahagi ng kusina. Waring takang-taka naman s'ya sa inaakto ko. "Tulungan mo 'ko, please?" "Tulungan saan? Teka nga muna, akala ko ba asawa ka ni Sir Seth eh bakit aalis ka?" Litong-lito ang anyo nito. "Lalaine, please kailangan ko ang tulong mo. Ang totoo n'yan hindi totoong mag-fiance kami ng amo mo kaya kailangan mo akong tulungang makatakas. I was kidnapped by your boss, Lalaine--""Ano?! Kidnap?