Share

CHAPTER 41 -  VISIT

MABUTI na lang at nagawang kumalma ni Nikole sa kabila nang pangungulit ng kababata. Iniisip na lang niyang sandali na lang siyang magtitiis dahil oras na maisagawa nila ni Bernila ang plano, siguro naman ay titigil na ito sa kahibangan. Hanggang ngayon kasi hindi niya pa rin lubos maisip na nagkakaganito si Kaden.

“I don’t want to argue with you anymore, Kade.” Naupo siya sa single sofa at ilang ulit na nagbuntong-hininga. “But this doesn’t mean that I agreed. Bahala ka sa gusto mong isipin.”

“Hindi mo rin naman ako mapipigilan, Niki. Desidido na ako at wala ka nang magagawa,” prente itong sumunod sa kanya na talagang pinamumukha na wala siyang choice.

Hindi siya kumibo. Baka kung saan pa umabot ang kanilang pagtatalo. Lumalabas ang pagiging abogado ng kababata na kahit saang argumento ay may rebuttal ito.

Muling bumalik sina Clive at Julian dala ang ilang supot ng grocery at may pagtataka sa mukha ng dalawa nang maabutan pa roon si Kaden. Komportable na itong nakaupo sa mahabang so
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status