NAPASIGAW si Julian nang tumama sa kanyang ulo ang matigas bagay. It was a ship debris. Naroon na siya sa speedboat at papaalis na siya. Kailangan niyang makabalik sa pampang. Pero dahil sa malakas na hagupit ng hangin at sa kanyang tama sa ulo ay nahihirapan siyang makagalaw. “Hirsch! Do you copy?” There was a faint static sound. Mas tinatalo ng lakas ng hagupit ng hangin ang tunog mula sa kanyang earpiece. Pinanatili niya ang natitirang katinuan bago pa siya maianod ng nangangalit na mga alon kaya itinali niya ang sarili sa speedboat. “Hirsch! Hirsch!” Pero isa pang debris ang tumama sa ulo niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Milagro na maituturing na sa isang pribadong isla napadpad ang naghihingalong katawan ni Julian na sa awa ng diyos ay nanatiling nakatali sa speedboat. Habang sa hindi kalayuan ay may isang babaeng panay ang hikbi at sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay gusto niyang lamunin na lang siya ng karagatan. She just got married. But her husband die
THE PRESENT“BAKIT pakiramdam ko kilala ko sila. It’s weird, they felt familiar.” Lumalim ang gatla sa noo ni Luke habang pabalik na sila sa kanilang Mesa. Hindi naman kasi talaga sila dapat pupunta sa party na ito kung hindi sa pangungulit ni Lucas. Apparently, he liked this girl. Kaya kinilala na rin nila ang magulang nito. Biglang tinambol ang dibdib ni Hera sa sinabi ng asawa. May koneksyon kaya ang mag-asawang iyon sa nakaraan ng ni Luke? Alanganin na ngumiti si Hera. “Love, kalma lang. We’ve been together for twenty years. Even our son is having a girlfriend. You’d still want to know your past?”“I want to be whole again, Love. Para bago man lang ako mamatay masagot ang napakaraming katanungan sa isip ko.”Tumango si Hera. “I will help you…”Bumalik na sila sa mesa pero nagpaiwan si Lucas na kausap pa ang magulang ni Tehani. Luke couldn’t get his eyes off Tehani’s mother. She was surely pretty, but there was something about her that he could not explain. Bakit malakas ang kab
FAMILY REUNIONNAGTIPON ang lahat sa pahabang mesa sa loob ng mini library sa bahay. Kaden was explaining the situation and Nikole would support him with information. Ipinaliwanag nila kung ano ang hindi inaasahan na pangyayari noong debut ni Tehani. “In short, Lucas’ father is… Uncle Julian?” hindi makapaniwala si Kane. Although he couldn’t remember the man, puno ng pictures sa bahay na magkasama sila habang karga siya nito noong bata pa. “Now I know why Teha is not here. She’d surely freak out.”Hindi mapakali si Juli sa kinauupuan. Parang hindi agad natanggap ng kanyang sistema ang mga sinabi ng magulang. Buhay ang ama niya. Pero ang masaklap ay hindi sila nito makikilala. Pero kahit isang yakap lang sana, okay na siya roon. Matagal nang nag-iipon si Juli ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng ama. Suportado naman siya ng magulang kahit sa napakaliit na tyansa na maaaring nakaligtas ito. Because everyone knew, Julian Arevalo died a hero. Kaya isang napakalaking surpresa sa kanila
"THIS is it." Huminga nang malalim si Nikole at nakagat niya ang pang-ibabang labi. Malakas ang kabog ng dibdib niya matapos iparada ang sasakyan sa garahe. Kinuha niya ang may katamtamang laki na kulay pulang maleta at hinila iyon papasok sa isang mataas na gusali. Patungo siya sa condo unit ng kasintahang si Alex. May sarili siyang susi dahil binigyan siya ng spare key ng kasintahan. Bihira lang kasi itong umuwi roon at madalas siya ang gumagamit kapag may dinadaluhan siyang exhibit sa Manila. Mahigit isang taon na rin silang magkasintahan ng lalaki at ito ang unang seryoso niyang naging nobyo. Ang iba ay flings lang at hindi naman seryoso. Masyado kasing strikto ang kanyang ama at ngayon lang ito lumuwag sa kanya dahil nasa legal age na raw siya. She just turned twenty-five last month at hindi na siya pinakikialaman ng ama sa usaping puso. Hindi naman siya pumalag sa ginawang pagdidisiplina ng ama dahil nag-iisang anak siya at maagang kinuha sa kanila ang kanyang ina. Guilty din
AWTOMATIKONG umangat ang ulo ni Kaden nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Tumabad sa kanya ang nakataas-noong kababata. Nikole was his ultimate pain in the ass simula pa nang mga bata pa sila. Kakambal na yata nito ang gulo mula pa noong ipinanganak ito. Ang masaklap lang dahil sa bawat gulong kinakasangkutan nito ay lagi siyang to the rescue. Hindi naman kasi niya ito matiis dahil wala naman itong ibang malapit na kaibigan bukod sa kanya. Mahirap kasi itong intindihin at laging sarili lang ang iniisip. "Kade..." nangingilid ang luha nito sa mata. "I told you so, Alex is a jerk!" Marahas siyang nagbuga ng hininga at sinabayan ng mariin na pag-iling. Hindi niya ito pinakikialaman sa mga personal na bagay na gusto nitong gawin lalo pa at nakikita niyang masaya naman ito. He never trusted Alex, pero sadyang matigas ang ulo nito at hindi naman nakikinig sa kanya. "I should have listened to you, Kade." Naupo ito sa bakanteng upuan sa harap ng mesa niya. Kahit ayaw nitong ipakita a
“DID I hear it right?” halos magsalubong ang makapal na kilay ni Kaden sa narinig. Nikole giggled. Inaasahan na niya ang reaksyon na ito mula sa kanyang kaibigan. Paano na lang ang mga susunod niyang sasabihin? “Yes, you heard it loud and clear. And for that, I need to prepare my bed skills. Ayoko naman na parang estatwa lang ako kapag nag-go-all-the-way na kami ‘di ba? I have to level up my game!” She sounded enthusiastic. Kaden cleared his throat as if trying to calm himself. Mariin ito napapikit na para bang biglang sumakit ang ulo sa mga narinig mula sa kanya. “Are you that desperate? Do whatever you want, bahala ka sa buhay mo. Malaki ka na, hindi ka naman nakikinig sa akin.” Nagbuga ng hangin ang binata. “Cross is hot, don’t you think? Hindi rin naman siya lugi sa akin ‘no!” Namilog ang kanyang mata. “You’re out of your mind. Umuwi ka na at magpahinga. You’re just exhausted.” Pagtataboy nito sa kanya. “I’m not yet done, Kade. Ni hindi mo pa nga naririnig ang mga plano ko.”
NAPAANGAT ang isang kilay ni Kaden nang bumungad sa kanyang harapan si Nikole. Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang relong pambisig dahil himalang gumising ito nang maaga at sumulpot sa kanyang opisina. Sinipat niya ang ayos nito. She wore a black miniskirt and a red crop top. Puno rin ng kolorete ang mukha nito. Sandali siyang nanibago sa ayos nito pero sinarili na lang niya ang komento. Alam niyang may pinagdadaanan nito. Although he preferred her normal, badass self. Kung hindi lang ito maganda ay magmumukha itong trying hard sa itsura nito ngayon. “What brought you here this early? Hindi ka ba napuyat sa pag-barhopping mo kagabi?” Muli niyang itinuon ang atensyon sa makapal na papel na nasa kanyang mesa. Pasalampak na naupo ang dalaga sa receiving chair sa kanyang harap. “I didn’t go out last night. I’m too exhausted…and Alex dropped by.” Nikole heaved a sigh. Muling umangat ang kanyang tingin. “Don’t tell me you’re back together?” nananatiyang tanong niya. Pagbubuhulin
NAGDESISYON si Nikole na mag-celebrate dahil kahit paano nasimulan na niya ang plano. Magsisimula na siya sa susunod na linggo at tiyak na magiging madali na lang ang lahat kapag lagi silang nagkikita si Cross. Tinungo niya ang isang kilalang bar sa syudad at taas-noong naglakad. The ambience was nice, hindi gaanong maingay. “A glass of Bloody Mary, please,” aniya sa bartender. “Yes, ma’am!” magiliw na wika ng lalaking bartender bago ito nagsimulang haluin ang naturang inumin. Nilinga ng dalaga ang paligid. Pawang may mga sinabi sa buhay ang mga naroon habang marahang umiindak mula sa slow rock band na nagpe-perform sa stage. Ang iba naman ay mga grupo ng mga kabataan na nagsasaya. Nikole heaved a sigh. Malaki ang potensyal na makakuha siya rito ng lalaking maaaring pumayag na maging miyembro ng kanyang harem. At a right price, of course. Wala naman siyang problema pagdating sa pera. She never bragged about her unlimited balance. Bukod sa pera ng daddy niya, marami rin siyang mga