NAGDESISYON si Nikole na mag-celebrate dahil kahit paano nasimulan na niya ang plano. Magsisimula na siya sa susunod na linggo at tiyak na magiging madali na lang ang lahat kapag lagi silang nagkikita si Cross.
Tinungo niya ang isang kilalang bar sa syudad at taas-noong naglakad. The ambience was nice, hindi gaanong maingay.
“A glass of Bloody Mary, please,” aniya sa bartender.
“Yes, ma’am!” magiliw na wika ng lalaking bartender bago ito nagsimulang haluin ang naturang inumin.
Nilinga ng dalaga ang paligid. Pawang may mga sinabi sa buhay ang mga naroon habang marahang umiindak mula sa slow rock band na nagpe-perform sa stage. Ang iba naman ay mga grupo ng mga kabataan na nagsasaya.
Nikole heaved a sigh. Malaki ang potensyal na makakuha siya rito ng lalaking maaaring pumayag na maging miyembro ng kanyang harem. At a right price, of course. Wala naman siyang problema pagdating sa pera. She never bragged about her unlimited balance. Bukod sa pera ng daddy niya, marami rin siyang mga investments sa stock market at pati na rin savings galing sa mga high end paintings niya.
Ibinigay ng bartender ang inumin.
“Thanks,” she lightly nodded. Malikot pa rin ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang mga lalaking naayon sa kanyang panlasa. Lihim siyang napasimangot dahil halos lahat yata ng naroon ay mayroong kapareha at sweet sa isa’t-isa.
Walang forever!
Ibinalik niya ang atensyon sa inumin at lumagok nang kaunti. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang alcohol. Somehow, it made her feel relaxed.
“Hi, miss! You’re alone?” swabeng tanong ng isang lalaki.
Awtomatikong umangat ang isang kilay ng dalaga. “Isn’t obvious?”
“Whoa, I like your attitude.” He winked.
Lalong nalukot ang mukha ni Nikole. But come to think of it, the man looked presentable. Mukhang alaga naman nito sa gym ang katawan at kapansin-pansin na matangkad ito. Makinis din ang mukha, it seemed he had some mixed ethnicity, singkit kasi ito at namumula ang kutis.
“I came here because you look sad.” Muling tumingin ang lalaki at ngumiti. Sandaling itinuon nito ang atensyon sa bartender at nag-order ng inumin, “Two shots of Blow Job, please.”
“Thanks, but I don’t need a companion,” mataray niyang wika.
“How about we spend this night... somewhere?” Tinungga nito ang alak at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nag-angat uli ito ng tingin at napadako sa malulusog niyang dibdib na halos lumuwa na dahil sa suot niyang plunging neckline na bestida.
Akmang sasagutin sana niya ito nang pabalang pero bigla niyang naisip na baka puwede niya itong daanin sa matinong usapan. Mukha kasing tipsy na ito. Kung itsura lang din ang pagbabasehan, pasok ito sa kanyang criteria. Kaunting background check na lang ang gagawin niya.
She cleared her throat. “What do you mean somewhere?”
Nahigit niya ang paghinga sa maaring sagot nito. Inaasahan na niyang kung saang private place ang sasabihin nito.
“Somewhere to catch some fresh air. This place is suffocating.”
“A private place, perhaps?”
Makahulugang ngumiti ang lalaki. “If that’s what you prefer, it would be an honor.”
Nikole giggled. “No. I didn’t come here to get laid,” prangkang pahayag niya.
“Oh?” tila hindi kumbisidong anas ng lalaki. Muli itong tumungga ng alak mula sa bartender.
“Well, to be honest, I came here searching for good hot men.” She emphasized the word ‘hot’ dahil iyon naman talaga ng number one sa kanyang qualifications.
“Good men? You should go to church instead.” The guy chuckled and added, “If you came here with that skimpy outfit but didn’t want to get laid, why would you look for hot men?”
Nikole smiled wickedly. Uminom muna siya ng alak bago sinagot ang lalaki, “I’m building a harem.”
Nabitin sa ere ang baso ng lalaking katabi. “Excuse me, a what?”
“Harem. You heard it. I’ll probably start with three…or maybe five? What do you think?”
Nakakalokong tumawa ang lalaki. “You have a weird fetish, lady.”
“Don’t get me wrong. I’m still a virgin. Funny isn’t?” Nagkibit siya ng balikat.
“You’re kidding, right?”
“Of course not! My boyfriend cheated on me because I didn’t sleep with him. So, I decided to enhance my sexuality. There’s this guy that I like. But he doesn’t have a penchant for virgins.”
Nagseryoso ang lalaki at nagbuntong-hininga. “Same for me, I caught my fiancée with another man—two men actually. They’re enjoying a menage a trois.” Mariin itong napailing.
“Oh, threesome. Sorry to hear that.” Muli niyang itinuon ang atensyon sa inumin. Mukhang pareho silang sawi. Kung pagbabasehan niya ang gut instinct, mukhang mabait naman ang lalaki. Pero hindi ibig sabihin ay magtitiwala na siya agad. Isa itong estranghero, kaya hindi siya nagdalawang isip na sabihin ang kanyang iniisip. Tutal naman hindi na sila magkikita pa at hindi rin siya interesadong kilalanin ito.
“You look well-off, are you really serious in creating a harem?” tanong ng lalaki matapos ang sandaling katahimikan.
“Do I look joking? I need to get the man I like and give him a night he’d never forget, coming from a virgin goddess,” pilya siyang ngumiti.
Napatango-tango ang lalaki. “I’m Clive.”
Kinuha nito ang wallet at binunot ang isang business card at ibinigay sa kanya. “I’d like to apply for a position in your harem. You can do a background check. I’m a good person.” Kinindatan siya nito.
Alanganing tinanggap ni Nikole ang card. Hindi rin siya nagpakilala dahil baka mapahamak siya. Kilala pa naman ang pangalan niya sa mga society page, mabuti na lang at hindi siya masyadong exposed sa media.
“I’ll think about it.”
“You’re quite interesting. I can sense you have a strong personality. I guess I’ll have fun being in your harem.” Tipid na ngumiti ang lalaki at tiningnan siya, “I’m quite knowledgeable in bed, I could help you. However, since my ex-fiancée left me, I bet I’m not that good at all.”
Napangiti si Nikole. “No offense meant, but I guess I should book a seminar with your ex instead—with ‘threesome’ subject.”
Natawa nang pagak si Clive. “We could do a foursome if you recruited the others.”
Ngumiti si Nikole. “I guess that’s exciting. But I want my man to be my first. The foursome is still for negotiation.”
“Cheers! I hope you’ll hire me. I promise you would not regret it.” Itinaas nito ang baso.
“Cheers!” Nagpingkian ang kanilang mga baso.
Hindi namalayan ni Nikole ang oras dahil masyado siyang nalibang sa pakikipag-usap kay Clive. He seemed intelligent at may sense kausap.
“I should be going. Thanks for giving me company.” Tumayo na si Nikole mula sa barstool. Inalalayan naman siya ni Clive.
“I enjoyed being with you, though you wouldn’t let me know your name.” Napakamot sa ulo si Clive.
“Maybe soon, don’t worry. I’ll reconsider your application.”
“Ihatid na kita sa garage, uuwi na rin ako.”
Tumango si Nikole.
NASA malawak na garahe na sila nang biglang lumitaw ang sampung kalalakihan at pinalibutan sila. Pawang mga malalaki ang katawan at seryoso ang mga mukha. They looked like they were a member of elite soldiers.
Biglang hinablot ng dalawa si Clive. At awtomatikong itinaas nito ang mga kamay tanda ng pagsuko.
Nanginig sa takot si Nikole. Parang gusto niyang pagsisihan na pinatanggal niya sa ama ang mga bodyguards.
Mabuti na lang at nagsalita ang isa sa mga kalalakihan at mukhang ito ang leader. May nakalagay na earpiece sa isang tainga nito.
“Take it easy, Princess. We are your bodyguards.”
“My what?!” gulat na bulalas ni Nikole.
“We are just securing your safety. Ngayon mo pa lang nakilala ang lalaking ‘yan, at mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan.”
“Oh my god!” natuptop niya ang noo. Lumingon siya sa kinaroonan ni Clive at apologetic na tumingin dito. May tatlong lalaking nakabantay dito na tila hinihintay na pumasok sa sariling sasakyan si Clive.
Tumango naman si Clive at sumenyas na tawagan siya gamit ang kanang kamay nito na inilapit sa tainga. Pinaadar nito ang sasakyan at saka lang nakahinga nang maluwag si Nikole.
“Your father hired my men and me. Although, we should remain concealed as per our agreement. However, that guy might do something nasty. And I will not allow it.”
Nagtangis ang bagang ni Nikole. Akala niya napag-usapan na nila ito ng daddy niya na bibigyan siya ng kalayaan. Pumayag ito na tanggalin ang kanyang sangkaterbang bodyguards. Ngunit heto ngayon at muntik na siyang atakehin sa puso dahil sa takot kanina.
“I’m Julian, I’m pleased to meet you,” seryosong wika ng lalaki at bahagyang yumuko.
She rolled her eyes heavenward. Hindi siya natutuwa sa mga nangyari.
Marahas siyang nagbuga ng hangin. “I’m going.”
“Great, your father is worried. I’ll drive you home.”
Inirapan niya ito. “Fine!”
Mukhang hindi basta-basta ang mga bodyguards niya ngayon. Their leader was well spoken, tiyak na may ibubuga ito.
Walang nagawa si Nikole kundi pasalampak na naupo sa loob ng sasakyan. Naka-convoy sila na halatang VIP ang binabantayan.
Lihim niyang tiningnan nang masama ang driver. Nanggigigil talaga siya. Alam kaya ng daddy niya ang plano niyang mangolekta ng lalaki? Sana naman ay hindi siya ipinahamak ni Kaden. Tapos ngayon heto siya at naisahan siya ng kanyang ama.
Julian looked confident. Paminsan-minsan itong sumusulyap sa kanya sa rear-view mirror. He had a tanned skin and a clean-cut hair, mukhang galing sa military. Prominente ang tangos ng ilong. Nagbibigay ito ng instructions mula sa maliit na satellite radio na nakasukbit sa bulsa ng denim jacket nito.
This is insane! Patuloy ang pagmamarakulyo ni Nikole dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.
INIS na tinawagan ni Nikole ang kanyang ama. Tiyak na gising pa ito dahil dito malamang galing ang utos na bantayan siya. “Hello, sweetheart. Are you alright? I heard you were in trouble,” magiliw na salubong ng ama sa kabilang linya. “Dad, come on! What’s with these men? Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito? Hindi naman ako gano’n ka-exposed sa media para manganib ang buhay ko,” reklamo niya. “Okay, I’ll think about it. Let me talk to Jules.” The line went dead. Maya-maya pa ay narinig niyang may kausap ang driver. “Yes, sir. The princess is okay.” Pinaikot ni Nikole ang mata dahil sa narinig. Princess, my foot. Nanggigigil talaga siya. Kung matagal nang laging nakabuntot sa kanya ang mga bodyguards. Hindi kaya alam din ng mga ito na pumunta siya sa condo ni Alex dati at umuwing laglag ang balikat? Probably they knew even the smallest detail of her private life! Masyado siyang naging kampante sa sinabi ng daddy niya. “Rest assured, sir. We’ll take good care of her,” sabi
DUMATING ang unang araw sa trabaho ni Nikole kasama ang kanyang ama. Hindi naman siya nito pine-pressure basta raw matutunan niya ang pasikot-sikot sa negosyo nila. Alam naman nito ang kanyang kakayahan, sadyang hindi lang talaga siya nagseseryoso sa buhay. “We’ll attend a bidding today,” sabi ni Vicente sa anak habang inaayos nito ang pagkakabuhol ng kurbata. “Oh, sure.” Tumango si Nikole. Handa na siya para sa araw na iyon. She wore a maroon business suit paired with a skirt above the knee of the same color. Samantalang six-inched black stiletto naman ang napili niyang sapin sa paa. She looked intimidating, at iyon naman talaga ang nais niyang mangyari. “Just stay beside me and watch. This is a big project, and we need to choose a suitable contractor.” “Okay, Dad. Noted.” Sabay silang lumabas ng bahay. Awtomatikong napasimangot si Nikole nang makita si Julian sa tabi ng sasakyan at inalalayan siyang makapasok. Agad namang pumasok si Julian sa pulang kotse at naupo sa driver’s s
TAAS-NOONG bumalik si Nikole sa conference hall kasabay si Kaden. Naabutan niyang abala ang ama sa pakikipag-usap sa ilang miyembro ng Bids and Awards Committee. “You’re back. We’re going to have a lunch meeting.” Masiglang salubong ni Clive sa dalaga. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito. Feeling close ang loko. Hindi puwedeng malaman ng daddy niya ang kalokohang niluluto niya lalo na ngayong makaka-apekto ito ng malaki sa negosyo nila. She trained herself not to mix business with pleasure. Pero s’yempre, dahil kay Cross ay siya rin naman ang unang bumali niyon. Ika nga, for every rule, there should be an exemption. Nikole nodded. “We’ll go then.” “Shall we?” ani Kaden na sumabay kay Nikole. Sinasadya nitong dumikit sa dalaga dahil tiyak na may kung anong kalokohan na naman itong pinaplano sa utak. Kilalang-kilala niya ang kababata at alam niya ang hindi kanais-nais na tinatakbo ng isip nito. Samantalang tahimik naman na sumunod si Julian nang lumabas sila sa malak
NAGING maayos naman ang takbo ng lunch meeting. Magaling na host si Clive at siniguro nitong nag-eenjoy ang mga guest na imbitado nito. Kaunting formalities na lang ang nangyari at mas nakatuon ang lahat sa pagkain. It seemed that Clive was just giving back for getting the contract. Hindi naman ito masisisi ni Nikole, the contract involved multi-millions of moneys. Tahimik si Nikole habang kumakain ng wagyu steak. May kung anong tumatakbo sa isip niya pero pinag-iisipan pa niya kung gagawin o hindi. She had to weigh the situation, kailangang magmukhang aksidente ang lahat lalo pa at kaharap niya ang kanyang ama. Naiinis kasi siya kay Cross. Hanggang ngayon para siyang batang pinagkaitan ng paborito niyang candy. Hindi pa rin siya pinapansin ng lalaki. Ganito ba siya ka-worthless sa paningin nito? It’s now or never. Pasimple siyang huminga nang malalim at ‘aksidenteng’ natabig ang wine glass at gumulong iyon sa mesa. Saktong tumapon ang laman niyon sa hita ni Cross. Nikole’s calcula
MAAGANG nagising si Nikole kinabukasan. She had a beautiful dream with Cross—a wet dream, that her body ache for him. Mukhang tinamaan talaga siya kay Cross dahil pati sa panaginip ay hindi siya nito pinatatahimik. The man was fulfilling her desire in bed! Malinaw sa kanyang balintataw ang mga naganap. Mariin siyang napapikit at unti-unting inalala ang kanyang panaginip. As the thought lingered in her mind, her hands went inside her sexy red lingerie and Nikole touched her chest. “Shit. Cross,” she moaned. She gently massaged her breasts until she felt her hardened nipple. Nikole played to her crown while remembering how Cross satisfied her. Because in her mind, the man was sucking it like a baby. Bumaba ang isang kamay niya na humaplos sa kanyang tiyan at ipinaloob iyon sa kanyang mamahaling underwear. Bahagya siyang napaigtad nang maramdaman ang kanyang kamay sa pagitan ng kanyang mga hita. She started stroking herself. Mabagal lang sa una na tila ninanamnam ang init na dulot
SAMANTALA nang gabing iyon ay iba naman ang pinagkakaabalahan ni Clive. He was a bit worried about what happened during the lunch meeting with the CREC executives, lalo na kay Vicente Castellaneta. Pero agad din namang nawala roon ang atensyon niya nang dumalo siya sa kaarawan ng isa niyang kaibigan kinagabihan at heto siya ngayon nagpapainit sa babaeng nakilala niya roon.“Oh, fuck!” Clive groaned and hardly closed his eyes as soon as she felt Vanessa’s expert tongue sliding to his cock. Napahawak siya sa ulo ng babae at napasabunot sa mahabang at alun-alon nitong buhok.“Faster!” he commanded. Vanessa paused and seductively looked at his aching expression before she started sucking the tip of his manhood. They hooked up instantly when they met at the party. Ayaw sana niya itong patulan pero sadyang makulit ang babae kaya pinagbigyan na lang niya. He didn’t want to take advantage. Pero paano ba siya tatanggi sa mala-dyosang ganda nito gayong ito na mismo ang nag-aalay ng sarili sa
BAKAS ang pagtataka sa mukha ni Julian nang makita ang ayos ni Nikole. She wore her favorite black and red racing jacket. Habang hawak naman niya ang mamahaling helmet sa pareho ng kulay. Nakasukbit sa kanyang balikat ang isang katamtamang laki na kulay pink na backpack.Nakaupo si Julian sa mahabang sofa sa living room at nasa mukha nito ang matinding pagtataka. “What’s with that look? We are going to ride a bike doing to Tagaytay. I don’t want to be stuck in the traffic.” Tiningnan ni Nikole si Julian mula ulo hanggang paa na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakahuma. “But Princess, it’s dangerous if we ride a bike—”Tinaasan niya ito ng kilay. “Then don’t come with me. I can manage alone. And please, stop calling me that!”Palihim na nag buntong-hininga ang bodyguard pero hindi na ito kumontra pa. “I’ll just change. I’ll be quick.”Umirap si Nikole matapos ay mabilis na umakyat ng hagdan si Julian patungo sa silid nito. She was not sure if he had some riding suit with him. Wala
CLIVE ordered a bread and a hot chocolate. Hindi ito nakatiis na magkumento sa kinakain ni Nikole.“I guess we have something in common. We both love chocolate,” anang binata matapos uminom mula sa tasang hawak nito. “But I’m amazed. I thought you’d only eat at a fine dining restaurant since you have a private chef at home.”Ngumiti si Nikole. “Look who’s talking.”“Well, I eat anything edible. I’m not a picky eater.” Nagkibit ng balikat si Clive.Samantalang tila naman biglang nasamid si Julian sa sinabing iyon ni Clive. He thought these two had a lot in common. Pero wala siyang planong isatinig ang nasa isip.Dumaan ang sandaling katahimikan. Muling tumingin si Clive sa lalaking kaharap na wari ay nakikiramdam lang dahil tahimik itong kumakain ng bulalo. Matapos ay nilingon ang dalaga na ipinatong na ang kubyertos sa gilid ng plato nito. Tanda na tapos na itong kumain.“So…” Ngumiti nang makahulugan si Clive bago nagpatuloy. “You still remember my application?”“Application?” Pinanl