Share

Chapter 2

DUMATING na nga ang nakatakdang araw ng operasyon ng pasyente na nasa ICU. Kabado ang buong pamilya ng pasyente habang naghihintay sa waiting area ng operating room. Ang nanay nito ay hindi na mapakali sa inuupuan habang patuloy na sinasambit ang mahinang panalangin.

Sino ba naman ang hindi inaasam ang kaligtasan ng pamilya? Siyempre, wala. And Jennica still believes that everyone deserves a second chances…to live.

Well, a human life is made up of choices. To live or die. To fight or give in. To become a hero or a coward. These are the significant choices. Sometimes, it is on our own not in the hands of a surgeon.

And maybe it’s a miracle from God.

Meanwhile…

An hour before the surgery, Jennica took some several tests to the patient. She gets the blood test, chest X-ray, electrocardiogram and angiogram. At nang masigurong handa na ang katawan nito sa operasyon. The anesthesiologist took his part to inject anesthesia to the patient through an IV.

Habang hinahanda ng ibang medical staff ang operating room. The whole team for the surgery were inside the conference hall. Vladimir collected them as he was assigned as the lead surgeon to discuss, a short briefing.

“The patient is a female about 30 years of age. She was suffering from a coronary heart disease (CAD) or also known as atherosclerosis. I recommend a double bypass surgery because her two arteries were blocked. Makipot na ang daan kaya ang dugo ay hindi na maayos ang pagkakadaloy kaya naman ang pasyente ay madalas makaranas ng sakit sa dibdib at hirap huminga. This may also lead to a heart attack kung hindi agad natin maagapan. Maaari ding maapektuhan ang iba pang arteries sa ibang bahagi ng katawan ng pasyente kung papatagalin pa natin ito. The operation may last into six hours so be prepared.”

He shows the image of the heart of the patient through a wide screen for a further explanation. Natapos ang thirty minutes na diskusyon nagsimula na silang magsilabasan.

Lahat ng specialists na siyang nakatakdang tumulong kay Vladimir ay isa-isa nang pumasok sa operating room. The patient is already at the operating table unconscious dahil sa anesthesia na itinurok dito. The two senior surgeon na mag-a-assist kay Vladimir ay sabay na pumasok. Nariyan din ang perfusion technologist, who works for the cardiopulmonary bypass machine. An anesthesiologist na kanina pa umaalalay sa pasyente. An imaging specialists na siyang nakatoka sa X-rays at para maipakita sa buong team ang larawan ng pasyenteng ino-operahan sa monitor through the whole time of operation. At dalawang resident nurses na siyang mag-a-assist ng mga instrumentong gagamitin para sa pag-opera, isa na nga roon si Jennica at ang kasama nito ay ang head nurse nilang si Miss Klea Samonte.

Kanina habang abala pa ang mga doktor sa pag-uusap ay hinanda na ni Jennica ang mga gamit na kakailanganin sa extension steel table. She also make sure that the instruments will all clean and sterilized.

Kaagad naging alerto ang lahat nang bumukas ang dalawang panig ng pintuan ng operating room. Niluwa noon si Vladimir na taglay ang aura nang may katapangan at may dedikasyon. That aura of him tells everyone inside the room that the surgery will become successful. He’s already wearing a complete surgical attire. From the head cap, eye protector, surgical mask, gloves, scrubs even shoe cover. Kabado man ay pinilit ni Jennica na maging atentibo at seryoso. First time niya kasi sa ganito ka-sensitibong operasyon.

Mahigpit ding binabantayan ng anesthesiologist ang vital signs machine.

Wala ng paligoy-ligoy pa. Kasabay ng pagpatak ng isang kamay ng orasan sa dingding ang pagkilos ng grupo.

“Let’s begin.” Vladimir commanded. Tumango naman ang mga kasamang doktor. Vlad put an antiseptic solution to the skin and place a sterile drape around the chest. “Scalpel.”

Kinuha iyon ni Jenny at inabot sa kamay ng assistant surgeon na ibinigay naman nito agad kay Vladimir. He then started to make an incision using scalpel in the patient's middle chest. He makes a 6 inch of incision vertically, sapat na para mahiwa nito ang gitnang dibdib. “Please prepare the heart-lung bypass machine.”

Kaagad namang sumunod ang perfusion technologist. The procedure they made is called grafting. “Retractor.”

To spread wide the chest and expose it’s breastbone, Vlad needs a retractor para manatiling open ang dibdib ng pasyente sa buong panahon ng procedure.

Halos nahigit naman ni Jennica ang kaniyang hininga nang makita sa monitor ang internal organ ng pasyente. Kung hindi lang siguro siya sanay, baka kanina pa siya nasuka at nahimatay sa nakita.

“Suction.” Sumulak ang dugo sa bahaging hiniwa. “How’s the vitals?”

“The bloods are dropping, doc.” Nataranta naman ang lahat nang makitang bumababa ang vitals ng pasyente. Pero nananatili pa ring kalmado si Vladimir. “Stop panicking. We are doctors. Concentrate and do the procedures.”

Natahimik ang lahat at ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa.

“We need more blood plasma,” anang assistant surgeon.

Nakipagtitigan si Jennica kay Vladimir kaya kaagad siyang kumilos at kumuha ng blood bag.

“Suction.”

“The vitals back to normal.” Sigaw ng anesthesiologist. Kahit sila man ay bumalik sa normal ang paghinga. Muntik na iyon. Mabuti na lamang at nand'yan si Vladimir. He always saves the day.

“Okay, continue.” Nanatiling seryoso pa rin si Vladimir at hindi nawawala ang konsentrasyon habang maingat na ginamitan ulit ng scalpel ang pasyente para hiwain ang pericardium ng puso nito to reveal it’s beating heart. Nakakamangha. Para sa isang batang espesyalista, hindi ito natatakot sa consequences na mangyayari. Sinisigurado talaga nitong mabubuhay ang mga dumaang pasyente sa mga kamay nitong pinagpala pagdating sa medisina.

The surgery continues. The heart-lung bypass machine do it’s part. Inilagay ng assistant surgeon ang isang tube sa aorta na makikita sa kaliwang bahagi na katabi ng puso at ang pangalawang tube naman ay ikinabit sa atrium sa itaas na bahagi at ang dalawang natitirang maliliit na tubes ay ikinabit sa itaas na parte ng mismong puso. The machine will provide the circulation and oxygen of the blood sa ibang bahagi ng katawan habang pinipigilan naman nito ang pagtibok ng puso sa buong panahon ng operasyon.

This maybe a risky procedure at kailangan ang lahat ay maingat at atentibo sa ginagawa. Walang pwedeng magkamali kundi manganganib ang buhay ng pasyente.

Pinagpapawisan na ang noo ni Vladimir at kaagad iyon napansin ni Jennica kaya kumuha siya ng tissue paper para sana punasan ito pero mabilis namang inagaw iyon ni Klea sa kaniyang kamay at ito naman ang nagpunas sa noo ng binata. Napamaang na lamang si Jenny sa ginawa nito pero nahagip niya ang mata ni Vladimir na matamang nakatingin sa kaniya.

Napayuko tuloy siya sa kahihiyan.

“Forceps.” This time si Klea na ang nag-abot ng bagay na iyon.

Isinagawa na ni Vlad ang pagkabit ng bagong artery (internal mammary artery) na siyang papalit sa bulok na arteries para maging maayos na ang pagdaloy ng dugo at oxygen nito sa bahagi ng puso. Kinuha iyon sa binti ng pasyente (saphenous veins). “Needle holder. Hold it firmly.” Vladimir commanded to his assistant surgeon. Then the two arteries are connected doing a sutures.

“Cut.” Pinutol ang sinulid. “Do the electric wave.” He ordered and the perfusion technologist do his part.

The perfusion technologist uses an electric wave to make sure that the heart reacts and back into it’s normal beating. Nang masigurong gumagana na ang puso sa bago nitong artery. Tinanggal na ang mga tube na nakakabit sa paligid nito.

Tumango si Vlad sa kasamang doktor. Kaagad naman iyon naintindihan ng mga espesyalista.

“The vitals are stable, doc!”

“Good job, everyone. Now do the closure.” He ordered to the second lead surgeon. Tumabi naman ang binata at maingat na tinanggal ang gloves sa kamay.

Napangiti naman sina Klea at Jennica dahil alam nilang pareho na successful na naman ang operasyon ng binata.

The other resident doctor close the breast bone by using a metal wire. Napapangiwi naman si Jennica nang makita iyon dahil parang ang sakit isipin na tinatahi ang dibdib mo ng isang alambre. Next, he do the suturing of the tissues and skin and for the finality, he puts a sterile bandage para hindi mag-iwan ng bakas ang pagkahiwa sa dibdib nito.

“Transfer the patient to the ICU for a close monitoring.” Muling utos ni Vladimir. Kaagad namang tumalima ang mga kasamahang doktor. Pagdaka'y lumabas na rin ang binata para ibalita sa pamilya ang kalagayan ng pasyente.

“Ayusin mo 'yan. Make sure na malinis ang mga gamit bago mo ibabalik sa lagayan.” Masungit na utos ni Klea sa dalaga.

“Ah, yes Ma'am.”

Tahimik namang nililigpit ni Jennica ang mga aparatong ginamit sa lamesa samantalang sinundan naman ni Klea ang paglabas ni Vladimir.

Napapailing na lamang ang dalaga sapagkat iniwan na lamang siya nitong mag-isa. Halata naman kasing may gusto din ang head nurse nila kay Vladimir. Pagkatapos masigurong malinis na ulit ang mga kagamitan ay iniligpit na niya iyon pabalik sa lagayan. Napabuntong-hininga siya.

Ganito pala ang mangyayari kung sakaling o-operahan din ang kapatid niyang lalaki. Pero paano niya maisasakatuparan iyon kung wala pa siyang sapat na pera?

Her brother is only 10 years old at sa murang edad ay nagtitiis na hindi dahil sa kahirapan ng kanilang buhay kundi sa taglay nitong karamdaman. Bilang ate, wala naman siyang reklamo o panunumbat sa kalagayan nito pero kung papipiliin lang naman siya. Mas gugustuhin niya pang siya na ang sumalo sa sakit nito kaysa ang kapatid niyang hindi na naranasan maging normal na bata.

Kaya nga, inspirasyon niya ang kapatid sa kaniyang napiling propesyon. At gagawin niya ang lahat makasama lamang nila ito ng matagal.

Minsan na silang nawalan at hindi na siya papayag na may mawala pang isang miyembro ng kanilang pamilya.

Family first than love, 'yan ang kaniyang motto.

If love comes on her way, makapaghihintay naman siguro ito.

---

AFTER that stifling operation, she took a break. Pagod at tuliro siyang nakapila sa counter ng cafeteria. Ito 'yong nakakainis sa sitwasyon nila. Ang galing nilang magbigay ng advices sa pasyente na kumain ng healthy foods pero ang mga pagkain naman nila sa cafeteria ay kabaliktaran. Kaya pala ang karamihan sa mga kasamahan niya mas pinipiling kumain sa labas. Sulit na, busog ka pa.

Um-order lamang siya ng dalawang sandwiches at ice tea pagkatapos ay tumungo sa bakanteng table sa dulo. Saktong pagkagat niya ng tinapay saka naman dumating si Vladimir at nakatayo sa harap niya. Nagpakurap-kurap pa siya nang maraming beses dahil baka namamalik-mata lang siya pero hindi nawala ang imahe nito sa tapat niya.

Vladimir showed his genuine smile. “Mind me if I join you?” tanong nito sa kaniya. Luminga-linga muna si Jenny sa kaniyang paligid. Mukhang napako na naman ang tingin ng mga empleyado sa kanilang dalawa ni Vladimir. May iba na kinikilig at mayroon din namang nagbubulung-bulungan. Sino ba naman ang hindi maiinggit? Halos karamihan sa mga babaeng nagta-trabaho sa ospital may crush rito. At dream come true na kung makausap mo ito ng limang minuto. Si Vlad kasi 'yong tipo ng lalaking tingin pa lang nakakatakot na, kaya ilap din ang iba na makipag-usap rito.

Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon dahil nahirapan siyang lunukin ang tinapay na kinain. Bumara yata sa kaniyang lalamunan. Napainom tuloy siya ng ice tea nang wala sa oras. Umupo naman ang binata sa harap niya.

“Are you okay?” Vladimir asked her again with a concern tone.

“Ah, o-oo naman.” Alanganin siyang ngumiti. Nagtataka lang kasi siya kung bakit napadpad ito ngayon sa cafeteria. Hindi kasi nito gawain ang tumungo sa cafeteria ng ospital. Madalas kasi itong lumalabas kasama ni Vina. Kaya nakakapanibago na nakikisalo ito ngayon sa kaniya.

“Salamat nga pala kanina.” Nangunot ang noo niya. Bakit naman ito nagpapasalamat sa kaniya 'e wala naman siyang ginagawa.

“Ha?”

“Sa operating room.”

“Ha? Sa operating room?” Napaisip si Jennica. Siguro, dahil naging successful ang operasyon nila kanina kaya nagpapasalamat ito bilang naging bahagi siya ng team. Pero wala yata sa aura nito na isa-isahin talaga sila kanina para pasalamatan lang.

“Yes! Thank you sa tissue.” She winced. Ano namang kinalaman ng tissue?

“Ha? Tissue?” Seryoso namang tumango si Vladimir habang kumakain. Ah, marahil iyong tinutukoy nito ay ang tissue na kinuha ni Klea sa mga kamay niya habang nasa gitna sila ng surgery. Pero bakit siya? Dapat si Klea ang pasalamatan nito dahil ito ang nagpunas ng pawis sa noo nito kanina at hindi siya. “Hindi ba, dapat si Ma’am Klea ang pasalamatan mo. Naligaw ka yata, doc!”

“Nope! Hindi ako bulag para hindi ko makita ang ginawa mo kanina.” Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Napalunok naman siya ng laway. Bakit ang lalim naman makatingin nito sa kaniya? Hindi tuloy niya maubos-ubos ang isang sandwich sa kamay na kanina pa niya sinusubo.

“Ah, walang anuman ho, doc! Pero maliit na bagay lang 'yon kumpara sa ginawa n'yong operasyon kanina.”

“But your little act means so much to me.” Natigagal siya nang lumapit ang isang kamay nito sa mukha niya at walang paalam na pinahiran ng tissue ang gilid ng kaniyang labi. Napaawang tuloy ang bibig niya. “May naiwang palaman sa labi mo.” Ha? Nakakahiya. Hindi man lang niya napansin iyon. “Now, finish your food.” Pagkatapos no'n ay tumayo na ito at iniwan siyang nakanganga habang sinusundan ng tanaw ang pag-alis ng binata.

“Anong sabi ng tissue ni Dr. Vlad? Magkaka-diabetes na yata ako sa ka-sweet-an n'yong dalawa.”

Bumalik lamang ang kamalayan ni Jennica nang tumambad sa harap niya si Maripur na may baon na naman nang nakakalokong ngisi.

“Ha? Anong pinagsasabi mo?” maang niyang tanong.

Pinamaywangan siya nito. “Bingi-bingihan? Deny to the highest level. Malinaw pa ang mata ko kaysa X-ray kaya 'wag ako. Anong score n'yo ni Dr. Vlad? Kayo na ba?” Pagdaka'y umupo ito sa tapat niya.

Inirapan niya lamang ito at ipinagpatuloy ang pagkain. “Walang kami kaya 'wag kang showbiz.”

“E, anong ibig sabihin nang nakita ko?”

“Alam mo, napakatsismosa mo talaga. Kumain ka na nga lang.”

“Ayaw mo ng issue pero lantaran naman 'yong landian n'yo ni Dr. Vlad.”

“Landian? Nag-usap lang, landian na agad? Alam mo, itikom mo na 'yang bibig mo, kung ayaw mong operahan ko ‘yang utak mong maluwag na ang turnilyo.”

“Sungit naman nito! Ngayon na pala madi-discharge si ate Elena kaya puntahan mo na.” Kamuntik na niyang makalimutan. Ngayon din pala ang araw na lalabas na si ate Elena at ang anak nitong si baby Angel.

“Sige, salamat.” Iniwan na rin niya ang kaibigan at nagmamadali na siyang pumunta sa kuwarto ni Aleng Elena. Naabutan niyang nagliligpit na ang mga ito. Karga ni Aleng Elena ang anak nito na payapang natutulog sa mga braso nito samantalang si Mang Berting naman katuwang ang isa pa nitong anak ang siya namang nag-aayos ng mga gamit nila.

“Aba’y narito na pala si Nurse Jenny. Tamang-tama pala ang dating mo. May sasabihin kami sa 'yo e.” Lumapit siya sa mag-asawa.

“Ano ho iyon, Mang Berting?”

Nagkangitian naman ang mag-asawa. “Balak ka sana naming kunin na Ninang ni baby Angel. Ano, payag ka ba?” ani Aleng Elena.

She was surprised. Napakabait talaga ng mag-asawang ito sa kaniya. Pero kamusta naman kaya ang kaniyang bulsa? Napailing siya. Siyempre blessing na rin iyon dahil malaki ang tiwala sa kaniya ng mag-asawa.

“Ah, s-sige ho. Ikinagagalak ko po na maging Godmother ni baby Angel.”

“Salamat naman, Nurse Jenny. Nakausap din namin kanina si Dr. Vladimir at pumayag din siya na maging Ninong ni baby Angel kaya partner kayo.” Makahulugan pa ang sinabing iyon ni Mang Berting. Nanlaki naman ang mata niya. Buti at napapayag ng mga ito na maging Ninong si Vladimir.

Hanggang ngayon hindi pa rin talaga tumitigil ang mga ito na i-match silang dalawa ng binata. Nakakatuwa pero at the same time nalulungkot siya. Imposible naman yatang magkagusto ito sa kaniya. Ang layo ng estado nila. Hindi lang sa buhay kundi pati na rin sa kaalaman sa medisina.

“Kami na ang gagawa ng paraan para magkalapit kayong dalawa ni Dr. Vlad.” Ngumiti naman si Aleng Elena.

“Kayo talaga, ate. Kayo po ba si Cupid and Psyche? Talagang pinagtutulakan n'yo talaga ako kay Dr. Vlad, ha?”

“Siyempre, malakas ka sa amin ‘e. Atsaka hindi pa naman niya girlfriend 'yong sinasabi mong doktora kaya may pag-asa ka pa, Nurse Jenny.” Nagtawanan na lamang sila sa tinuran na iyon ni Mang Berting.

Hinayaan na lamang niya ang mga ito na sabihin ang gusto nila tutal wala namang mawawala.

“Pakarga nga po kay baby Angel. Mami-miss ko ang batang 'to, 'e.” Kinuha naman niya sa mga kamay ni Aleng Elena ang sanggol.

“Aba’y, bagay pala sa 'yo ang maging nanay, Nurse Jenny.”

“Talaga po?” Natawa siya. “Pero maghahanap po muna ako ng tatay.”

“Bakit kailangan pang maghanap 'e and'yan naman na siya sa malapit.” Napangiwi naman siya sa birong iyon ni Mang Berting. Talagang sinakyan din nito ang sinabi niya.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa. “Pa-picture naman po kami ni baby Angel. Remembrance ko po sa kaniya dito sa ospital.”

“Aba’y walang problema, Nurse Jenny. David, ikaw na nga ang kumuha ng litrato,” utos ni Aleng Elena sa anak nitong lalaki.

Tumalima naman si David at kinuha sa isang kamay ni Jennica ang cellphone.

“One…two…three. Smile…”

Nasa pintuan banda ang dalaga habang karga ang sanggol nang pumasok si Vladimir kaya saktong pag-click ng camera ay kasamang nakunan ang binata.

Nagkatinginan naman ang mag-asawa at sabay na ngumiti. “Bagay na bagay!” sabay pang bulalas ng mga ito. Hindi na tumuloy ang binata nang mapansing nagkakasayahan ang pamilya kasama ni Jennica. Sapat na sa kaniya na makitang okay na ang kalagayan ng mag-ina.

Inabot naman ni David pabalik sa dalaga ang cellphone nito nang hindi tinitingnan ni Jenny ang kuha. Ibinulsa niya ulit iyon. Mamaya na niya iyon hahagilapin kapag nakauwi na siya sa kanila.

Ibinalik na rin ni Jenny ang sanggol sa ina nito at nagpaalam na.

---

CONSISTENCY always win. It is one of the major keys to success. And that’s the reason why Vladimir presume that patience, beliefs and how he value his actions are the factors that determine consistency.

Ginagamit niya rin ito sa kaniyang dedikasyon sa piniling propesyon. Consistency for being able to give a medical treatment to humankind and passion to save people's lives.

But when it comes to love, having consistent feeling for someone is a whole different story. Hindi niya kasi alam kung mananalo nga ba siya sa puso ni Jennica. Hindi niya alam kung may patutunguhan nga ba ang paghihintay niya nang walang matibay na motibo kung may pagtingin din nga ba sa kaniya ang dalaga.

Loyalty. Yes! For three years of having intimate feelings for her, he never been attached to anyone. He always stick to his affirmation that he’s a one-woman-man. Wala siyang minahal at wala siyang ibang mamahalin kung hindi si Jennica lamang. Hindi niya rin kasi nakikita ang sarili na magmahal pa ng iba dahil siguradong-sigurado siya sa pangalang paulit-ulit na sinasambit ng kaniyang puso.

Jennica will always be his first love and hoping that she would be his lifetime commitment. He always dream on that–on his wildest dreams.

He was inside his room, holding his phone and scrolling into his gallery. He was looking at Jennica's picture and scanning her beauty of innocence. It was a stolen shot he made–the first time he laid his eyes on her. He smiled when he reminisce the memory of their first encounter.

THREE YEARS AGO…

“VLAD? Where are you going? Hindi pa tapos ang party 'a.” It was Alex, one of his best friends. They were at the wedding reception of the newly wed couple Raphael and Kristine held at the wide front yard of the Del Alvarez Mansion. He was chosen as one of the groomsmen but his not really into party. He was a little bored. Naroon na marami ngang lumalapit sa kaniya at karamihan ay mga babae pero wala siyang panahon para ubusin ang oras niya sa kakasagot ng mga tanong ng mga ito. Dinaig pa kasi ng mga ito ang mga paparazzi sa showbiz. Paulit-ulit lang din naman ang mga tanong. And he felt irritated.

Iyong ayaw pa naman niya, asking him for his private life. He’s not a celebrity, though. Pero dahil sa dala-dala niyang apelyido gano'n na lamang siya bigyang pansin ng lipunan. For an addition, that he was considered as one of the best surgeon at his young age. Minsan nakakasawa na.

“Maglalakad-lakad lang.” Natawa naman si Alex sa sagot niya.

“Ang sabihin mo, magpapatunaw lang ng kinain.” Napailing na lang siya. Walang lingon-likod na umalis at iniwan ang kaibigan.

He was walking into the garden, exploring it’s beauty and serenity. The tall tress, the chirping of the birds, the green bushes, the vibrant flowers and breezy wind. All of these, embrace and welcomed him a new scent of a various fragrances.

The whole landscape was a kaleidoscope of changing colors. Just like a rainbow in the sky that showed it’s sundry features and hues.

Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa dulong bahagi ng hardin. He was stunned when he saw an image of a woman wearing a dress the same with the gown worn by the bridesmaid of Kristine. She was helping a kitten that trap inside the fountain. The kitten was injured and she needs to apply a basic first aid.

MEANWHILE, Jennica followed the injured kitten while roaming into the beautiful landscape. She also found out that one of it’s leg is broken. Naghanap siya ng dahon ng malunggay na nasa dulo ng bakuran. Mabuti na lamang at may mga tanim na malunggay roon. Dinikdik niya iyon gamit ang bato. Naghanap din siya ng kapirasong kahoy. Kinuha ang telang ribbon na nakatali sa kaniyang buhok. She never bothered if she looks messy on her outfit. What’s matter for her now is to save this helpless kitten.

Pagkatapos masigurong kumpleto na ang kaniyang gagamitin. Ginamot niya ang dinikdik na dahon ng malunggay sa sugat ng pusa. Pagkatapos ay inilagay sa may fractured na binti nito ang kapirasong kahoy saka itinali at ipinalibot ang telang ribbon doon. Then she put her comfy handkerchief to the body of the kitten to keep it warm. She smiled when the kitten started to licked her fingers while she was stroking it’s thick fur. She knew that this cute little kitten is safe and sound now. She was at that state when someone's pop out beside her.

“E-Excuse me?” Napaigtad siya nang makita ang lalaking nagsalita. She looked at him with a question on her mind. That figure is familiar to her. Yeah! She remember well. One of Raphael’s friend.

She was a little intimidated. The man is tall and handsome as hell. He can be like an actor on a big screen or a hot model in a magazine. Bigla tuloy siyang nanliit.

Vlad skip a little smile. He knew this girl. She is the cousin of Kristine.

Again, he took a glimpse on her. He found out that this girl is beautiful in her own ways. She had a sculpted figure which was twine-thin. Her waist was tapered and she had a fairy white complexion. A pair of arched eyebrows looked down on sweeping eyelashes. Her delicate ears framed a button nose. It was a pleasure to see her flowing, moon shadow-black hair. Her enticing constellation-brown eyes gazed at him over her puffy, heart shaped lips.

“How did you find this poor little kitten?” tanong muli ni Vladimir sa dalaga.

Napangiwi si Jennica. Paano nga ba niya iku-kwento rito? Baka kasi pagtawanan lamang siya nito.

“Ah, a-ano k-kasi...naghahanap ako ng palaka.”

“What?” gulat na tanong ni Vladimir. Jennica bit her lower lip. She felt embarrassed. But it’s true. She was looking for a frog for a sample of dissection.

“Yes! Palaka. In English, a frog. A green frog. F.R.O.G. Any of various largely aquatic leaping anuran amphibians that have slender bodies with smoothmoist skin and strong long hind legs with webbed feet.” She explained. Vladimir can’t help but burst out into laugh. Jennica bow her head down and muffing her fingers. Sinasabi na nga ba niya at pagtatawanan lamang siya nito.

“I didn’t say, you need to give the description. I know, it’s a frog. What I mean is, why you’re looking for a frog?”

“For a school project. Hindi ko nga alam kung anong nakain ng professor namin at kailangan pa talaga naming mag-dissect ng palaka.”

“So, that tells so. You’re a medical student.” Nanlaki naman ang mata ni Jennica dahil nahulaan nito agad na nag-aaral siya about sa medisina.

“Oo. P-Paano mo nalaman?”

“Napagdaanan ko din kasi 'yan.”

“Talaga? Student ka din ba?” Napangiti si Vlad. Mukha pa ba siyang bata? He’s already twenty eight, though. Sa kabila pala ng pagpupuyat at pagod niya sa ospital, he’s still looking young. But his age is still on the calendar.

“Nope!”

“Hmmm…isa kang veterinarian?” Umiling ulit si Vladimir.

“Medyo malapit.”

“Ah…so are you a medical profess–,”

“I’m a doctor.” He directly answered.

Nanlaki naman ang mata ni Jennica at napatakip sa bibig. She was like a dumb! Paano niya kaya nasabi na estudyante ito? She thought, they were at the same age. Nakakahiya talaga.

“Then while you’re looking for a frog, you find this helpless kitten, instead. Am I right?”

Jennica nodded. “Yes, doc! I don’t know what happen but I found out that he has a wound on his limb and his other leg got injured.”

“Maybe, he was running into a high place. To the roof top probably but unfortunately his leg nipped into a hole and he’s trying his best to escape. Merely, the kitten can’t push himself to get out of the hole. Sa kakapilit niyang tumakas, nahulog na lang siya at bumagsak sa semento. Doon niya nakuha ang fractured sa binti niya.”

Namangha naman si Jennica sa naging paliwanag ng binata. Ang totoo, nakita niya na lang ito na tumatakbo 'tapos sa kakahabol niya natakot ang pusa at nahulog sa fountain.

“How did you know that, doc?”

“His wound tells so… Ah, anyway, let me help you find a frog.”

Mas lalong nagulat si Jennica sa sinabi nito. “Seryoso ka, doc?” Tumango ito. Napangiwi naman ang dalaga. Pinasadahan niya ng tingin ang kaniyang kasuotan pati na rin ang suot ni Vladimir. Ngayon niya lang napagtanto na ang ackward ng sitwasyon nila. “Ah, never mind na lang, doc! Sa bahay na lang ako maghahanap.”

“May palaka ba sa inyo?” Napanguso siya. Iyon nga 'e. Kaya nga siya napadpad rito dahil wala namang palaka sa kanila. Umiling siya. “At kailan n'yo gagawin 'yong project?”

“Bukas!”

“See? We need to find one. Kung hindi, you will failed.” Exactly. Paniguradong babagsak talaga siya dahil project iyon. Tapos terror pa 'yong professor nila. Hindi na siya makaka-graduate. Paano na 'yong pinangako niya sa kaniyang pamilya? Sayang naman 'yong dugo't pawis ng kaniyang ina para mapaaral lang siya. One year na lang at magtatapos na rin naman siya.

Hinubad ni Vladimir ang kaniyang suot na black coat at wristwatch. Ipinatong sa tabi ng pusa na payapang nagpapahinga sa ibabaw ng bench. He rolled his white long sleeve right under his elbow. Jennica watched him doing it as if she was like looking for a man executes his operation inside the operating room.

“Let’s go at the back. I know, there was a pond there. I’m sure, mas maraming palaka do'n.” Natuwa naman si Jenny sa narinig. Mas lalong nakakatuwa dahil may katulong na siya sa paghahanap. Hindi na siya mahihirapan at maaabutan ng gabi. Mahirap pa naman ang sasakyan sa kanila.

Nang makarating sila sa likurang bahagi. Mas lalong namangha si Jennica sa ganda ng sapa. Malinis at malinaw ang tubig. Kaniya-kaniya na silang hubad ng kasuotan sa paa. Nagtampisaw agad si Jenny sa tubig. The water was so refreshing. Parang gusto na lang tuloy niyang maligo. “I’m on the left and you are on the right side.” Vladimir commanded her.

They were like a kid on that scenario. Hindi alam ni Vladimir kung bakit nagawa niyang gawin ang isang bagay out of his character. Siguro natuwa lang siya nang makita ang isang babaeng walang kaarte-arte sa katawan. Bago iyon sa kaniya and somehow he was a little thrilled.

“May nakita ako!” Jennica shouted. Napalingon naman ang binata sa gawi niya. Dahil sa excitement ng dalaga bigla tuloy siyang nadulas sa batong inaapakan. “Aaahhh…”

Kamuntik tuloy siyang bumagsak sa tubig kung hindi kaagad siya maagap na nahawakan ni Vladimir sa kaniyang baywang. Bigla siyang napakislot. His hand as warm as his breathe. Nakipagtitigan siya rito. Ang gwapong doktor naman 'to.

Tumikhim siya para mawala ang kakaibang elektrisidad na bumalot sa buo niyang katawan. Vlad knew what she meant. So, he loosen his grip on Jennica's waist. “S-Sorry.”

“Okay lang, doc! Salamat.” Jennica bit her lower lip. That was close–about an inch away from him and in just one mistake, he could be kissed her.

“Ako na lang ang manghuhuli. Umahon ka na at do'n mo na lang ako hintayin sa may fountain. Baka mawala rin ang gamit ko kung walang nagbabantay roon. Kawawa din 'yong pusa, walang kasama.” Kahit alam ni Vladimir na walang taong nagpupunta roon. The garden was a private property.

Tumango naman si Jenny. Mabuti pa nga siguro. Even this man’s good in a way that he offer his hand to help her, still he’s a total stranger. And she can’t give her full trust to someone that she only met by chance.

“Sige, doc!”

After an hour, nakabalik si Vlad na may dala-dalang garapon at ang laman no'n ay ang nahuli niyang isang palaka.

“Thank you, doc! Malaking tulong talaga 'yong ginawa mo.” Tuwang-tuwa naman si Jennica nang i-abot sa kaniya ni Vladimir ang garapon. Hindi na niya tinanong pa kung saan nito nakuha ang bote. Ang mahalaga, may project na siya.

“Wait! Can I have the kitten for the exchange of this frog?”

“Ha?” Nagtataka man ay kinuha ni Jenny ang pusa at ibinigay sa binata. Ayaw na niyang umapila, kung ligaw na pusa man iyon. Batid niyang mas maaalagaan iyon ng isang kagaya nitong doktor. Teka? Ano nga bang pangalan nito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status