Share

12 Seconds

Cold War

~*~*~*~

MAKAILANG ulit kong inuntog ang aking ulo sa unan. Alam kong nahihibang na nga ako! Imagine, nasabi ko iyon kay Shintaro? Ang desperadang tingnan! Ibang-iba ang sinabi ko sa naging reaksiyon ko. Kasi naman ehhhh. Bakit biglaan kong nasabi 'yon?  Damn it!

Pinatay ko naman agad ang topic at sinabi ko sa kanyang kalimutan na niya iyon. Pero parang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Ni hindi niya ako kinausap sa sasakyan pagkauwi! Sa tingin ko, naisip niyang ginagamit ko lang siya. Sinasama na nga niya ako tapos umaabuso pa ako? Asar.

Kinabukasan ay maaga kaming nagsimba ni Mama at nagmovie-mara sa hapon. Ilang ulit ko ng dinasal na sana mas humaba pa ang araw, mas humaba ang gabi nang sa gano'n ay ‘di muna kami magkita ni Shintaro!

“Triz, nandito na ang sundo mo!”

AI Ragas

Not edited. XOXO

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status