Share

19 Seconds

Gulo

~*~*~*~

“KUNG hindi nawawala si Austin, sa tingin mo, nasaan siya?” Sabi ko kay Shintaro.

Kakalabas lang namin sa paaralan. Pareho parin ang oras at araw nang makabalik kami galing sa panahon ni Cupid. Nalaman ko ring minsan ay pumupunta siya sa kasalukuyan kapag may aberya siyang kinakaharap sa trabaho niya.

“Hindi ko trabahong paglapitin ang dalawang tao upang ipamahal sila sa isa’t isa. Mismo ang tao ang makakaramdam nun. Ang dami kayang tao sa mundo ang pinaglapit, pero 'di itinadhana.” Naaalala ko pang lokong sabi niya

Gusto ko sana siyang tanungin kung itinadhana ba ako kay Edison 'o sadyang pinaglapit lang kami. Kaso baka isipin niya na abusado ako.

“Nasa mabuting kalagayan...” Sagot ni Shintaro. Tumango na lamang ako sa kanya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status