Boyfriend
~*~*~*~
NAPABALIKWAS ako nang marinig ang pamilyar na boses sa aking cellphone. Nagising ako sa alas kwatro ng madaling araw nang may tumawag sa akin. Tamad ko lang itong sinagot at nilapit sa tenga ko sa pag-aakalang isa ito sa mga kaibigan ko.
“Austin..” Mahinang bulong ko. “Tin! Nasaan ka?”
Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko habang inabot ang isang tubig na nasa gilid lamang ng aking kama. Alam ko. Alam kong si Austin ‘to.. Narinig ko ang paghugot ng hininga sa kabilang linya. Pinapakiramdaman ko ang mga nasa paligid niya. Tahimik. Sobrang tahimik…
“Ate...”
“God! Austin, nasaan ka? Pupuntahan ko si Mama!” giit ko.
“No! Please not now, Ate.” Tarantang sagot niya. “Okay l
Haven’t Move On ~*~*~*~ PINAGKAISAHAN ba ako ng tadhana? Ang malamang boyfriend ni Letty si Shintaro ay sobrang nakakabaliw! Ano ‘yon? Ako ang laging kasa-kasama ni Shintaro tapos si Letty pala ang girlfriend niya? Shit! Si Letty ba ang dahilan kung bakit nasasaktan si Shintaro ngayon? Pilit kong iwinaksi sa isipan ko ang pag-iisip na iyon. Masyadong na ba akong observant at pati maling bagay ay nabibigyan ko ng kahulugan? Pero.. bakit ganoon ang mga hitsura nila? Anong ibig nilang sabihin? “Triz, bakit ikaw lang? Nasaan si Shintaro?” Tanong ni nanay ‘pag pasok ko sa bahay namin. “Umalis na po.” Singhap ko. Malalim ang iniisip niya pagkarating ko at ‘di ko alam kung bakit pa niya ako namalayan at tinanong pa niyon. Kung sabagay, madalas si Shintaro rito at hindi ko alam k
Memories~*~*~*~MABABALIW na ako! Bakit hindi ko manlang naalala na may boyfriend na ako? Ang worse pa ay namatay ito nang dahil sa akin! David? Wala akong kakilalang David! Gusto kong tawagan si Shintaro ngunit naaalala ko si Letty. Kung totoo mang sila nga, siguro magkakasama sila ngayon. At hindi ko gugustuhing maging istorbo. Nagtext rin sa akin si Papa na umuwi raw siya sa amin. Mabuti lang rin na nandito ako ngayon sa mga pinsan ko para naman magkaroon sila ni Mama ng moments dalawa.“Ano 'to?” I asked nang may inabot sa akin si Veron na isang glass. Kapareha ang laman nito sa iniinom niya.“Merlot.. Cheers!”Kahit na maraming gumugulo sa utak ko, natuloy parin ang night out na binabanggit ng aking mga pinsan. Marami ang bumati sa akin. Iyong mga dati kong kaibigan. Marami
Memories ~*~*~*~ MABABALIW na ako! Bakit hindi ko manlang naalala na may boyfriend na ako? Ang worse pa ay namatay ito nang dahil sa akin! David? Wala akong kakilalang David! Gusto kong tawagan si Shintaro ngunit naaalala ko si Letty. Kung totoo mang sila nga, siguro magkakasama sila ngayon. At hindi ko gugustuhing maging istorbo. Nagtext rin sa akin si Papa na umuwi raw siya sa amin. Mabuti lang rin na nandito ako ngayon sa mga pinsan ko para naman magkaroon sila ni Mama ng moments dalawa. “Ano 'to?” I asked nang may inabot sa akin si Veron na isang glass. Kapareha ang laman nito sa iniinom niya. “Merlot.. Cheers!” Kahit na maraming gumugulo sa utak ko, natuloy parin ang night out na binabanggit ng aking mga pinsan. Marami ang bumati sa akin. Iyong mga dati kong kaibigan. Marami rin ang halos
Nagsinungaling~*~*~*~HINDI ko na sana papansinin ang pagtunog ng aking cellphone ngunit nakita ko ang paulit-ulit na mga pangalan nina Eric, Mina at Veron dito.Pinigilan ko ang hikbi ko at sinagot ang muling tumawag. Nakakonekta ito sa speaker ng aking sasakyan. Tinawagan rin ako ni David kanina at sobrang nag-aalala siya nang marinig ang iyak ko. Sinabi ko sa kanyang magkikita kami at nauna na siya sa aming tagppuan.“Triz! Nasaan ka?” It was Eric. Malalasahan ang kaba sa boses niya. I saw David in the waiting shed outside. Ilang metro pa ang pagitan namin. “Ikaw ang pinasundan ni Lolo! Mapapatay niya si David kapag makikita niya kayo, Triz!”Nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko pa ang paglingon ni David sa banda ng aking kotse at nakita ko ang tipid na ngiti sa kanyang nababahalang mukha. Agad
Sobra~*~*~*~NANG kinapos na ako ng hininga sa lalim nito, may sumagip sa akin. Sinagip ako ni David sa pagkakalunod.“Kailan ka babalik dito, Aura?”“Sa susunod na bakasyon pa… Bakit? Mami-miss mo ako?” Ngisi ko at kinurot ko ang pisngi niya. Tuwing walang pasok ay magpapasundo ako kay Papa upang makarating sa lungsod. Kaya ko na naman magdrive at saka isa pa ay sumasali ako ng race na lagi naming inaabangan na magpinsan tuwing gumagala kami.“Sobra…” Napatikom ako sa labi nang makita ko ang seryoso niyang mukha. “Sobrang mamimiss kita.. Mahal na ata kita.”“H-Huh?”Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Oo,
Galit~*~*~*~HINDI ko namalayan ang oras, araw at buwan. Pagkatapos naming mag-dinner ay agad akong pumanhik sa aking kwarto. Hinanap agad sa contact list ang pangalan ni David. Gusto ko itong lagyan ng Babe pero baka makita nina Mama.“Congrats babe..” Salubong niya sa unang tawag ko pa lang. “Sana mayakap kita ngayon. Miss na miss na kita..”Tumawa ako. Nangingiti sa sinabi niya. “Bakasyon na. Diyan ako mag-aaral ng college.” Natigilan naman siya sa kabilang linya kaya mas tumunog ang tawa ko. “Surprise, surprise!”“Really?” Paninigurado pa niya. “God, sa wakas! Excited na akong makasama ka araw-araw, babe!”“Teka…” Sinabi ko nang may marinig akong suminghot. “Umiiyak ka ba?!”
Picture~*~*~*~MASAKIT ang haplos ng init sa aking balat kaya dahan-dahan akong nagmulat. Napakurap pa ako at bumalik sa akin ang lahat ng alaala kagabi. Umiyak ako sa bubong ng aking kotse at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako! Kinapa ko ang aking sarili at napabuntong hininga nang maramdamang okay pa naman ako. Mabuti nalang at hindi ako malikot matulog kasi baka ito pa ang ikamamatay ko.“Good morning…” May narinig akong masiglang boses na bumati sa akin. Napaawang ang labi ko at itinago saglit ang aking mukha. Nakakahiya kong muta at laway ang una niyang mamalayan sa akin. “Gumising ka na. Kanina pa nagpapasikat ang araw at mabuti naman ay pinansin mo na ito. Gigisingin na sana kita kasi baka maluto ka diyan pero inunahan mo ako. Don’t worry. Walang kung anong mali sa mukha mo.”
Balik~*~*~*~SUMASAKIT na ang mga mata ko pero hindi parin maubos-ubos ang luha ko. Buong araw akong umiyak at binawalan ni Lolo ang pagbukas sa TV kasi kada balita ay nandoon ang nangyayari kay David.Suminghot ako at muling umiyak nang maalala siya. Sinabi ko sa kanilang kung gusto nila akong kausapin ay ipagpabukas nalang muna ito. Ayaw ko muna silang makausap. Wala akong lakas na maglabas ni isang letra! Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito! Kung sana ay hindi ako nakipagkita sa kanya ay sana buhay pa siya! Kung sana ay hinayaan ko siyang sundan niya ang kotse ko ay sana nandito parin siya! Sabagay! Ang pagsunod niya sa akin ang dahilan!Galit na galit ako sa sarili ko. Parang ang hirap kong patawarin. Parang may kakambal akong malas! Ang sakit isipin na tuluyan na ngang hindi babalik si David. Ang sakit isipin n