Nagsinungaling
~*~*~*~
HINDI ko na sana papansinin ang pagtunog ng aking cellphone ngunit nakita ko ang paulit-ulit na mga pangalan nina Eric, Mina at Veron dito.
Pinigilan ko ang hikbi ko at sinagot ang muling tumawag. Nakakonekta ito sa speaker ng aking sasakyan. Tinawagan rin ako ni David kanina at sobrang nag-aalala siya nang marinig ang iyak ko. Sinabi ko sa kanyang magkikita kami at nauna na siya sa aming tagppuan.
“Triz! Nasaan ka?” It was Eric. Malalasahan ang kaba sa boses niya. I saw David in the waiting shed outside. Ilang metro pa ang pagitan namin. “Ikaw ang pinasundan ni Lolo! Mapapatay niya si David kapag makikita niya kayo, Triz!”
Nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko pa ang paglingon ni David sa banda ng aking kotse at nakita ko ang tipid na ngiti sa kanyang nababahalang mukha. Agad
Sobra~*~*~*~NANG kinapos na ako ng hininga sa lalim nito, may sumagip sa akin. Sinagip ako ni David sa pagkakalunod.“Kailan ka babalik dito, Aura?”“Sa susunod na bakasyon pa… Bakit? Mami-miss mo ako?” Ngisi ko at kinurot ko ang pisngi niya. Tuwing walang pasok ay magpapasundo ako kay Papa upang makarating sa lungsod. Kaya ko na naman magdrive at saka isa pa ay sumasali ako ng race na lagi naming inaabangan na magpinsan tuwing gumagala kami.“Sobra…” Napatikom ako sa labi nang makita ko ang seryoso niyang mukha. “Sobrang mamimiss kita.. Mahal na ata kita.”“H-Huh?”Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Oo,
Galit~*~*~*~HINDI ko namalayan ang oras, araw at buwan. Pagkatapos naming mag-dinner ay agad akong pumanhik sa aking kwarto. Hinanap agad sa contact list ang pangalan ni David. Gusto ko itong lagyan ng Babe pero baka makita nina Mama.“Congrats babe..” Salubong niya sa unang tawag ko pa lang. “Sana mayakap kita ngayon. Miss na miss na kita..”Tumawa ako. Nangingiti sa sinabi niya. “Bakasyon na. Diyan ako mag-aaral ng college.” Natigilan naman siya sa kabilang linya kaya mas tumunog ang tawa ko. “Surprise, surprise!”“Really?” Paninigurado pa niya. “God, sa wakas! Excited na akong makasama ka araw-araw, babe!”“Teka…” Sinabi ko nang may marinig akong suminghot. “Umiiyak ka ba?!”
Picture~*~*~*~MASAKIT ang haplos ng init sa aking balat kaya dahan-dahan akong nagmulat. Napakurap pa ako at bumalik sa akin ang lahat ng alaala kagabi. Umiyak ako sa bubong ng aking kotse at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako! Kinapa ko ang aking sarili at napabuntong hininga nang maramdamang okay pa naman ako. Mabuti nalang at hindi ako malikot matulog kasi baka ito pa ang ikamamatay ko.“Good morning…” May narinig akong masiglang boses na bumati sa akin. Napaawang ang labi ko at itinago saglit ang aking mukha. Nakakahiya kong muta at laway ang una niyang mamalayan sa akin. “Gumising ka na. Kanina pa nagpapasikat ang araw at mabuti naman ay pinansin mo na ito. Gigisingin na sana kita kasi baka maluto ka diyan pero inunahan mo ako. Don’t worry. Walang kung anong mali sa mukha mo.”
Balik~*~*~*~SUMASAKIT na ang mga mata ko pero hindi parin maubos-ubos ang luha ko. Buong araw akong umiyak at binawalan ni Lolo ang pagbukas sa TV kasi kada balita ay nandoon ang nangyayari kay David.Suminghot ako at muling umiyak nang maalala siya. Sinabi ko sa kanilang kung gusto nila akong kausapin ay ipagpabukas nalang muna ito. Ayaw ko muna silang makausap. Wala akong lakas na maglabas ni isang letra! Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito! Kung sana ay hindi ako nakipagkita sa kanya ay sana buhay pa siya! Kung sana ay hinayaan ko siyang sundan niya ang kotse ko ay sana nandito parin siya! Sabagay! Ang pagsunod niya sa akin ang dahilan!Galit na galit ako sa sarili ko. Parang ang hirap kong patawarin. Parang may kakambal akong malas! Ang sakit isipin na tuluyan na ngang hindi babalik si David. Ang sakit isipin n
Kotse~*~*~*~“KUMAIN ka pa ng marami!” Narinig ko ang boses ni Mama galing sa dining area ng bahay namin. Kakagising ko palang at hindi manlang nila ako pinaaalahanan na may bisita pala kami ngayong darating.Kahapon pa kami nakarating dito at kagaya nung sa mansion, iniyak ko muna ang lahat ng sakit bago ako humarap kina Mama. Ang hirap tanggapin pero kailangan.“Salamat po Tita,” Sagot ng hindi ko kilalang boses. Tuloy-tuloy lamang ako sa pagpasok, hindi na inibala pa ang sarili na tingnan ang bisita. “Good morning...”Natigilan ako. Nagsalubong ang aking kilay nang may maalala sa good morning niya kaya inangat ko ang aking tingin sa kanya. Nagulat na lamang ako nang makitang siya ang lalaki noon! “Ikaw?! A-Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?!&
Sorry~*~*~*~KAGAYA ng nakagawian, inimbitahan na naman ni Mama ang kaibigan ni Austin pagsapit hapunan. Shintaro.. Ang pangalan niya. Pero ayaw ko siyang tawagin sa pangalan niya.“Ako na po dito, Mama..” Sinabi ko nang magsimula na siyang magligpit. Natigilan saglit si Mama pero nginitian ko nalang siya. “Kaya ko na po ito. Lagi nalang po ninyong ginagawa ito.”Tumayo rin ang kaibigan ni Austin. “Tutulungan ko nalang po siya, Tita…” Presinta niya. Napaawang ang labi ko. Nakita ko pang ngumisi si Austin bago ito magpaalam sa hapagkainan.Nagdadalawang isip pa si Mama pero maya-maya ay ngumiti siya. “Sige.. Maiwan ko na kayo.Nagsimula na akong magligpit at hindi ko na pinansin ang aking kasama. Iniba ko ang kutsara’t tin
Organizing Events~*~*~*~“SURE ka ba dito?” Tumango siya. “Baka ito ang ikamamatay ko, Shin-”“Taro.” Putol niya. Ngumisi ako.Simula bata pa kami ay ayaw na niyang tawagin ko siyang Shinshin. Gusto kasi niya noon ay Shintaro kasi binata daw pakinggan. Excited na excited siyang lumaki!Nasa kamay ko na ang capsule na binigay niya sa akin. Ang capsule daw na ito ay ginawa para sa mga taong gustong kumalimot. Makakabura raw ito ng mga alaala. Lalong lalo na iyong mga alaalang masakit.Pero, hindi ba, mas masakit isipin iyong masasayang alaala? Lalo na kapag hindi mo na makikita sa physical ang taong kasama mo sa alaalang iyon. Napalunok ako at muling tumitig sa kapsula. Kakalimutan na ba talaga kita, David?Nagtaka si Mama
Plano~*~*~*~GUSTO kong matawa sa sarili ko. Sobrang imposible ng gusto kong mangyari. Walang makakagawa ng ganoon. Malayo sa realidad ang gusto kong gawin nila. Okay sana kung totoo talaga ang time-traveler, time-machine at iba pa. Oo nga, walang kasiguraduhan kung totoo ba ang mga iyon 'o hindi.May tiwala naman ako sa sarili ko. Noong nagsunog ako ng kilay makaisip lamang ng magandang plano, hindi ako nagdadalawang isip na isali ang mga ito. In fact, matagal ko nang gawin ang mga ito. Gusto kong i-relate sa totoong buhay.Nanlaki ang mga mata ni Letty. Nakaawang narin ang labi niya. Kulang nalang ay pasukan ito ng langaw. “Waaah! Gusto ko 'yan, Aura! Sige, deal ako diyan!” Mangha niyang sigaw.Natawa ako. Alam ko ang iniisip niya. Iniisip niyang para silang time-traveler kasi malalaman na