Share

Chapter 23.2

Mabilis na tinapos ni Raya Fae ang tawag kahit kasalukuyang nagsasalita ang kanyang ama sa kabilang linya. Malakas ang kabog ng dibd*b niyang hinarap si Damielle Astin.

"Sinong babalik ng Pilipinas, love?" Muling tanong ni Damielle Astin. Bahagyang nakakunot ang noo nito ngunit mahinahon naman ang tinig ng lalaki.

Gumuhit ang pilit na ngiti sa labi ni Raya Fae upang itago ang kanyang pagkabigla.

"Ah wala. It's just an old friend."

"May I know who?"

Umawang ang kanyang labi upang magsalita ngunit natigil siya nang muling tumunog ang kanyang cellphone. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibd*b nang iangat niya ang cellphone na hawak niya.

"It's Cristal," turan ni Damielle Astin na nagawang sumilip sa hawak niyang cellphone.

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag na hindi ang ama niya ang tumatawag. Bago pa makakilos ang kamay niya upang sagutin ang tawag ay hinawakan ni Damielle Astin ang kanyang kamay.

"Don't accept the call, love." Tila nagsusumamo ang tinig nito.

Naging
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status