Share

Chapter 43.1

Lumipas ang tatlong araw ngunit wala pa ring nangyari. Pakiramdam ni Raya ay kaytagal lumipas ang bawat oras. Bawat minuto ay hindi siya mapakali sa labis na kaiisip sa kanyang mga anak. Pati pagkain ay halos hindi na rin niya maalala, mabuti na lamang at nasa kanyang tabi ang kanyang mister na walang sawang nagpapaalala sa kanya na kailangan na niyang kumain. Sa kabila ng problemang kanilang hinaharap ay nanatili siyang matatag dahil na rin ramdam niya ang pag-alalay at pag-aalaga sa kanya ng kanyang mister.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesitang gawa sa salamin. Awtomatiko siyang napatingin roon. Hindi niya naiwasang mapakunot-noo nang makita niyang sa screen ang isang unregistered number. Bagama't nag-aalangan ay marahan niyang dinampot ang kanyang cellphone at tinanggap ang tawag.

"H-Hello?"

["Raya Fae Escobar."] Anang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. Mahina itong natawa bago nagpapatuloy. ["O
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status