Share

Chapter 43.2

Mula sa bintana ng kanilang silid ay palihim na pinanood ni Raya Fae ang paglabas ng tatlong sasakyan kung saan nakasakay si Damielle Astin at ang mga tauhan nito.

Nang tuluyang makalabas ang sasakyan sa malaking gate ng mansion ay agad siyang humakbang patungo sa walk in closet ng kanilang silid. Napili niyang magsuot ng kulay itim na jogger pants at saka tinernuhan iyon ng itim na hoodie jacket. Matapos siyang makapagbihis ay agad niyang kinuha ang kanyang shoulder bag at inilagay sa loob nito ang kanyang cellphone.

Wala siyang sinayang na sandali, agad niyang tinungo ang garahe ng mansion. At gaya ng kanyang inaasahan ay nagawa niyang makuha ang atensiyon ng isa sa mga tauhan ni Damielle Astin.

"Ma'am? Saan po kayo pupunta?" Sinundan siya nito habang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan.

"Pupuntahan ko ang Daddy ko." Walang kangiti-ngiting wika ni Raya kasabay ng pagpasok niya sa driver's seat. Hindi niya hinayaang kakikitaan siya ng pagkataranta. Hindi pwedeng makahalata an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status