Share

KABANATA 102

Surprise

Nakarating kami mall at tiningnan ang madaming tao sa loob, mas mabuting maraming tao para makatakas agad ako. Tiningnan ko ang mga bodyguards na nasa malayo at nakatingin talaga sa akin. 'Mga kuya, gagawin ko ang lahat para hindi kayo masisante sa gagawin ko ngayon.'

"Let's go," yaya ko kay Cathline. Tumango siya at tumingin sa paligid.

"Paano kung nandito yung nanakit sayo?" seryosong bulong niya. Bigla akong natigilan at kinabahan ng maalala ang banta ni Vina sa akin. Kahit ngayong araw lang, sana hindi ako hahayaang makita siya. Ngayon lang, promise gusto ko lang makita si mama. Pagkatapos nito, hindi na ako lalabas.

Hindi ko sinagot si Cathline dahil kinabahan na ako, dumeritso kami sa kainan at nag order. Ayaw niya pang mag order pero pinilit ko para matagalan siya. Mabilis ko lang pupuntahan si mama, pagkatapos babalik ako dito at uuwi na kami. Gusto ko lang talaga siyang makita.

Habang naghintay, tumayo ako at nagpaalam muna kay Cathline. Ngayon na ako aalis, babalik
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status