“HELLO,” si Jenny iyon na inabutan na ni Ara sa classroom nila.
Ngumiti siya saka ibinaba ang mga gamit sa desk ng kaniyang upuan. “Kumusta? Mukha yatang masaya ka?” tanong niya saka tinitigan ng makahulugan si Jenny.
Noon mabilis na namula ang mukha ni Jenny. “A-Ano?” agad na napuna ni Ara ang panginginig sa tinig ng dalaga, dahilan kaya lalo siyang nakaramdam ng amusement para rito.
“Saan naman kayo kumain ng lunch ni Jason?” ang makahulugan at nanunukso niyang tanong sa matalik na kaibigan.
Sa tanong na iyon agad na umilap ang magagandang mga mata ni Jenny. Pagkatapos ay muli nitong ibinaling ang paningin sa libro na nakita niyang kanina ay binabasa ng kaibigan niya.
“Ikaw ah, naglilihim kana!” pagpapatuloy niyang tukso kay Jenny saka sinundan ang tanong ng mahinang hagikhik.
“Tumigil k
KINAGABIHAN katulad ng gustong mangyari ni Daniel ay magkasabay rin silang umuwi. Hindi iyon alam ni Jenny dahil hindi niya nasabi rito.“Thank you,” aniya nang itigil ni Daniel sa tapat ng bahay nila ang kotse nito.Tumango lang si Daniel habang nakangiti. “Okay lang, mas mabuti na ang ganito, safe kang nakakauwi,” sagot pa ng binata.Kinilig ng lihim si Ara sa narinig. “Oo nga pala, bukas daanan kita dito ah? Sabay ulit tayong pumasok,” nasa tono naman ng binata ang paghingi nito ng pahintulot pero deep inside alam ni Ara na wala siyang kakayahan para tumanggi.“O-Okay,” sagot niyang pinanginigan pa ng tinig.*****PAGKATAPOS maghugas ng pinagkainan ay pumasok narin si Ara pa magpahinga. Ramdam niya ang pagod nang mga sandaling iyon. Pero dahil excited siyang magsulat sa kaniyang diary tungkol sa laha
“KANINA ka pa?” tanong ni Daniel sa kaniya nang datnan siya nito sa roof deck na abala sa pagbabasa ng libro.“Hindi naman, mga fifteen minutes palang,” sagot ni Ara saka isinara ang binabasa niyang libro.Noon naupo si Daniel sa tabi niya saka ibinaba ang isang paperbag. “Kumain ka muna, baka gutom ka na,” anitong inilabas sa papel na yari sa bag ang dalawang sandwich saka iniabot sa kaniya ang isa pagkatapos ay isinunod naman nito ang dalawang bote ng malamig na mineral water.“Salamat, tama ka gutom na nga ako,” si Ara na tumawa ng mahina bago sinimulang kainin ang ibinigay na sandwich sa kaniya ni Daniel.Mataman lang siyang tinitigan ng binata pagkatapos ay tumango habang nakangiti. “Naalala ko lang, hindi ba nabanggit mo sa akin na may kakambal ka?”“Oo, si Bella,” sagot niya habang ngumunguya ng sandwich.
“KUMUSTA?” si Daniel isang araw habang busy siyang nag-e-encode ng mga bagong dating na titles ng libro sa harapan ng computer.“Kung magsalita ka parang ang tagal na nating hindi nagkikita ah,” aniyang tumawa pa ng mahina saka sinulyapan si Daniel na noon ay nakaupo sa silyang nasa harapan ng working table. At katulad ng dati ay nakatitig parin ito sa kaniya.Tumawa ng mahina si Daniel habang nanatiling nakatitig sa kaniyang mukha. Hindi lang niya masabi pero sa tuwing gagawin iyon ni Daniel ay para siyang nababalisa na hindi niya maipaliwanag.“Kumain ka na?” tanong ni Daniel sa kaniya makalipas ang ilang sandali.Umiling si Ara. “Ikaw ba?” tanong-sagot niya sa binata.“Hindi pa, hinihintay kasi kita,” ang derestahan nitong sagot.“Ano?” agad na dumamba ang kaba sa dibdib ng dalaga dahil sa sinabing iyon ni Daniel.&n
“ANO bang okasyon sa inyo at bigla kang nag-invite?” tanong ni Jason kay Daniel kinagabihan habang abala na sila paglilinis ng library.Ilang minuto nalang at matatapos na ang oras ng kanilang trabaho. Katulad ng nakalipas na mga araw, magkasabay sila ni Daniel sa pag-uwi. At sanay na siya na palagi itong nakakasama.Sabado kinabukasan at dahil nga sa hiningi niya kay Daniel na tulungan siya nito na mapaglapit sina Jenny at Jason ay iyon ang naisip gawin ng binata.“Wala naman, wala kasi akong kasama. Nasa Cebu ang kapatid ko kaya naisip ko para hindi ako ma-bore invite ko nalang kayo sa bahay para makapag bonding tayo,” paliwanag ni Daniel.“Ah ganoon ba? Eh nasabihan mo na ba si Jenny, Ara?” si Jason sa kaniya.Mula sa pagpupunas ng mga mesa ay tumango si Ara sa tanong na iyon ni Jason.“Nasabi ko na sa kanya pero hindi pa daw s
KINABUKASAN ng araw ng linggo ang ayon kay Daniel ay schedule ng balik ng kapatid nitong si Danica galing ng Cebu. Kaya naman ipinagpaalam na siya agad ng binata sa mga magulang niya sa bahay ng mga ito siya kakain ng hapunan. Pumayag naman ang nanay at tatay niya na lihim na ipinagpasalamat ni Ara.“Nanliligaw ba si Daniel sa’yo, Ara?” tanong sa kaniya ng nanay niya kinabukasan habang busy siya sa pagtulong rito para sa ihahanda nilang pananghalian.Agad na sumikdo ang kaba sa dibdib ni Ara dahil sa tanong na iyon mula sa kaniyang ina. Kasabay iyon ng ilang sandaling pagkakatulala niya sa maganda nitong mukha.“Ara, tinatanong kita anak, nanliligaw ba sa’yo si Daniel?” ang ulit na tanong sa kaniya ni Susan na pumutol naman sa malalim niyang pag-iisip.“Nay?” ang tanging naisatinig niya.“Mahirap bang sagutin ang tanong ko?” ang nanay ulit niy
“FINALLY, in the flesh. Ara,” ang masayang pagbati sa kaniya ng kapatid ni Daniel na si Danica.“Nice to meet you, Ate Danica,” ang nahihiya pero nagagalak rin niyang tugon saka tinanggap ang pakikipagkamay sa kaniya ng nakatatanda at nag-iisang kapatid ni Daniel.“I’ve heard so much about you. Palagi kang kinukwento sa akin nitong kapatid ko. At huwag kang mag-alala, ang lahat ng sinasabi niya about you, magaganda,” anito.“Ate pwede huwag kang masyadong talkative?” si Daniel na dinala siya sa sala saka pinaupo sa maganda at Mediterranean style sofa. “Dito ka muna, titingnan ko kung okay na ang dinner,” bilin pa sa kaniya ni Daniel.Tumango lang siya. Nang makaalis si Daniel ay noon naman muling nagsalita si Danica.“Masaya ako na naging kaibigan ka ng kapatid ko, palagi siyang masaya dahil sa’yo,” anito pa
KATULAD nang napagkasunduan nila ay sa bahay nina Daniel siya kumain ng hapunan nang huling gabi bago ang pag-alis ni Danica patungo ng America. At katulad rin noon una ay naging masaya iyon. Isang bagay lang naman ang napansin niya, obvious sa mga mata ni Daniel ang lungkot dahil sa pag-alis na nga ng kapatid nito."Sana katulad ng ipinangako mo noon sa akin, palagi mong samahan si Daniel," si Danica iyon nang magkasama na sila sa entertainment room ng malaking bahay na iyon at nanonood ng TV.Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Ara. "Oo naman, pangako hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari," totoo iyon sa loob niya.Wala naman talaga siyang planong iwanan si Daniel. At kahit pa siguro dumating ang time na ipagtabuyan siya palayo ng binata ay patuloy parin niya itong susundan, dahil sa labis na pagmamahal na nararamdaman niya para rito.Ngumiti si Danica. Makahulugan ang ngiti na iyon na pinukaw ng husto ang kaniyang curiosity. Pero kahit pa
KUNG saan kinuha ni Ara ang lakas ng loob niya para sabihin ang mga salitang iyon, hindi niya alam. At kung may bagay siyang tiyak nang mga sandaling iyon ay ang katotohanan ng sinabi niya sa binata.Gusto niya ng isang matagal at mas passionate na halik. At gusto niya na kay Daniel iyon manggaling. Kaya naman masaya siya na hiningi iyon sa kaniya ng binata. Dahil kahit papaano, siguro naramdaman rin nito na iyon ang hinahanap niya mula nang unang beses siyang nahalikan ng lalaki.Ngumiti si Daniel habang nangingislap ang mga mata.Alam niya na katulad nito ay masayang masaya rin ang binata."Are you sure? Hindi ka magagalit? Hindi mo ako sasamapalin katulad ng ginawa mo noong una?" tanong ni Daniel sa tonong tila ba humihingi ng katiyakan mula sa kaniya.Umiling siya ng magkakasunod.Kung pwede nga lang, gusto na niyang aminin sa binata na mahal na mahal niya ito.Na ito ang dahilan ng lahat ng matatamis niyang pagngiti.