KATULAD ng gustong mangyari ni Daniel, tinitigan niya ito. Kaya naman kitang-kita niya kung sa papaanong paraan nagbago ang damdamin sa maiitim nitong mga mata habang inaangkin siya.
Pareho naman silang basang-basa ng umaagos na malamig na tubig mula sa shower kung saan sila nakatapat.
Pero walang sinabi iyon sa init ng pakiramdam na ibinibigay sa kaniya ng paglalabas-masok ng pagkalalaki ng kaniyang asawa. At talagang hindi kayang hugasan kahit ng malamig na tubig na inilalabas ng dutsa.
"B-Baka mapagod ka, ohhhhh!" ang nasambit niya saka muling napapikit nang maramdaman niya ang isang malalim na ulos na nagmula kay Daniel.
"Kaya ko pa huwag kang mag-alala," ang asawa niyang umangat pa ang sulok ng labi bago siya hinalikan. "I love you," anas muli ni Daniel nang pakawalan nito ang kaniyang bibig saka siya binuhat upang iupo sa mahabang counter sa loob ng banyo nito.
Lalong nagtumind
"HINDI ba makakasama sa iyo ang pinaggagagawa nating ito?" nang pareho na silang nakahiga ng asawa niya ay iyon ang naitanong ni Ara rito.Narinig ni Ara ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ni Daniel. "Sa tingin ko hindi naman," sagot nito saka siya kinabig at saka dinampian ng isang simpleng halik sa kaniyang noo."Kung ganoon pala eh samantalahin na natin ang pagkakataon," aniyang kumilos saka umibabaw sa asawa niya."Ara!" saway ni Daniel sa kaniya.Kinikilig na natawa lang siya ng mahina at saka sinimulan ang muling paghuhubad ng ngayon ay manipis na pantulog na kaniyang ng suot."Hindi mo naman kailangang bumangon, huwag kang mag-alala kasi ako ang magtatrabaho this time," aniya pang inihagis kung saan ang hinubad niyang damit saka isinunod ang suot niyang panloob na yari naman sa manipis na lace.Madilim ang kwarto nila nang mga sandaling iyo
Dear Diary,NANG magsimula ang treatment ni Daniel ay pinuno ko ang puso ko ng pag-asa na gagaling ang asawa ko. Mahal na mahal ko siya at gusto ko pa siyang makasama. Mahirap sa akin ang pakawalan siya dahil binuo ko na ang buhay ko kasama siya, at nagsimula iyon nang araw na sagutin ko siya at tanggapin siya sa buhay ko bilang aking nobyo. At hindi lang iyon nadoble nang araw na pumayag akong magpakasal kami.Pinipilit kong isipin na gagaling siya, dahil mahal na mahal ko siya.Gusto kong isipin na siya parin ang makakasama ko hanggang sa aking pagtanda. Pero iba ang sinasabi ng mga doktor. Iba narin ang sinasabi ni Daniel.Siguro ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao. Pipilitin mong kumapit kahit wala ka nang pwedeng kapitan. Kasi ayaw mo siyang pakawalan.Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Malaki ang ipinagbago ng itsura ng asawa ko. Sa
"ANO bang sinasabi mo?" ang umiiyak kong sambit."Iyong totoo," aniyang tumawa pa ng mahina saka ako tinitigan. "Look at me," ilang sandali nang umiwas ako ng tingin sa asawa ko ay iyon ang narinig kong sinabi niya.Kahit ayoko ay kusa akong napasunod sa kaniya. Ganoon naman palagi si Daniel. Mayroon siyang sariling paraan kung papaano niya akong pahihinuhurin at hindi niya kailangang magtaas ng boses o maging awtorisado ang tono ng kaniyang pananalita para gawin iyon."Kapag wala na ako magmahal kang muli, ituloy mo parin ang buhay mo," mabilis akong nakaramdam ng matinding palalamig sa buo kong katawan dahil sa sinabing iyon ni Daniel.Magkakasunod akong napailing. "No, alam mong hindi ko magagawa iyan. Alam mo kung gaano kita kamahal at kapag ginawa ko iyon alam mo rin na kahit may ibang tao sa tabi ko ikaw parin ang hahanapin ko, ikaw parin ang makikita ko," umiiyak kong giit.
Present Day... Mabilis na pinahid ni Bella ang mga luhang labis na bumasa sa kaniyang mukha. Hindi niya kilala si Daniel, pero sapat na ang lahat ng nabasa niya upang bigyan ng justification ang lahat ng nangyari. Muli niyang binuklat ang kasunod na pahina. At sa pagkakataong iyon hindi na ang karaniwang Dear Diary ang nabasa niyang nakasulat sa kaliwa at itaas na bahagi ng papel, kundi ang mga salitang Dearest Daniel. Oo, dito pala sinimulan nang sulatan ng kapatid niya ang yumao nitong asawa at iyon ang dumurog ng husto sa puso niya. Dearest Daniel, Nandito ako sa kwarto natin, at habang isinusulat ko ito ay yakap ko ang naka-frame na litrato mo. Napakagwapo mo talaga, alam mo ba? At para sa akin ikaw ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Totoo iyon. Miss na miss na kita. Kinabukasan nang gabi pagkatapos nating ma
MABIBIGAT ang mga paa kong binagtas ang mabatong kalsada ng lugar na iyon. Hindi ako pamilyar at hindi ko alam kung saan iyon o sa madaling salita, kung nasaan ako. Pero masakit na ang mga paa ko at tinitiis ko nalang ang nararamdaman kong pagtusok sa talampakan ko ng maliliit at matutulis na bato. Sa kabila ng katotohanan na estranghero sa akin ang nasabing lugar ay hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na hangaan iyon. Maganda kasi ang tanawin at mabango ang sariwang hangin na tila ba nahaluan ng amoy ng mga damo na nabasa ng hamog at talutlot ng mga ligaw na bulaklak. Napakaganda ng lugar na iyon at kahit kung tutuusin ay wala akong ideya kung nasaan talaga ako ay parang hindi narin naging importante ang kaisipang iyon sa akin. Hanggang sa kalaunan ay tila ba hindi ko narin alintana ang mabatong kalsada na tinatahak ko, dahil ang mas mahalaga sa akin nang mga sandaling iyon, ang masarap na pakiramdam na ibinibigay sa akin nang tila paraisong lugar na iyon. Kung tutuusin ay luma
PUTING-PUTI ang paligid at mabilis na naramdaman ni Ara ang isang klase ng kaligayahan na kahit kailan at sa buong buhay niya ay hindi niya naramdaman. Napakagaan ng feeling at parang walang kahit anong dahilan para maging malungkot siya. Iyon ang klase ng emosyon na agad sa kaniya ay sumapuso nang tumapak ang paa niya sa lugar na iyon. "Nasa heaven na ba ako?" iyon ang anas niyang tanong habang patuloy na nililinga ang paligid. Nasa ganoong tagpo siya nang mapuna ang isang bulto na tila ba pamilyar sa kaniya.
ILANG sandali pa ang pinalipas ni Bella at tumayo narin siya. Mula sa funeral parlor ay umuwi muna siya. Inutusan kasi siya ng nanay niyang si Susan na ayusin na ang mga gamit na dadalhin nila bukas sa pag-uwi ng San Ricardo kung saan nakatakdang ilibing si Ara. Sinabihan narin siya nito na maghanap ng gamit na pwede nilang isama bukas sa kapatid niya.Noon niya sinimulang maghanap sa mga gamit ng kapatid niya.Binuksan niya mataas na kabinet nito sa loob ng kwarto.Napangiti si Bella. Maganda ang pagkakaayos ng mga gamit ni Ara. Noon pa man kasi ay masinop at maingat n
KATULAD ng inaasahan ni Ara, isang linggo matapos ang kaniyang high school graduation ay lumabas na ang resulta para sa kaniyang application for student assistant sa unibersidad na papasukan niya. At laking tuwa ng dalaga nang malaman niyang kasama siya sa mga estudyante na nakapasa."Nay! Tay!" nasa may tarangkahan pa lamang si Ara ng bahay nila ay iyon na ang masayang tawag niya sa kaniyang mga magulang.Alam niyang matutuwa ang mga ito at hindi nga siya nagkamalai. Masaya siyang niyakap ng kaniyang ina at ganoon rin ang ama niyang si Anselmo."Matatalino talaga ang m