Share

CHAPTER 6

"She's pregnant." 

Napasinghap si Tito at Tita sa narinig mula sa doctor. Wala dito sina Kuya Angelo dahil pumasok na sa kani-kanilang opisina. Ako, si Hugo at ang parents ni Ruru lang ang nandito. Kanina pa kami naghihintay sa balita ng doctor tapos eto ang bungad niya sa amin? 

Naestatwa ako sa narinig. Pregnant? Buntis? Seryoso ba 'to?

"Are you serious doc? Baka nagkamali lang kayo? Can you repeat the test again?" ani ni Tito. 

Halos lahat kami dito ay hindi makapaniwala. Ruru is just 20! Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon. Alam kong lagpas legal age na siya pero ang bata pa niya sa edad na 20 para mabuntis! I looked at Hugo, he looks surprised. 

Umiling ang doctor. 

"I'm sorry but we can't perform the test again if the result was already given. Aside from being pregnant..." 

We looked at him intently. Base kase sa sinasabi niya, mukhang may idadagdag pa siya. Kinabahan ako sa uri ng titig niya, mukha siyang constipated. 

"She has cancer." 

Lahat kami ay napatayo mula sa pagkaka-upo. 

Hugo quickly grab his collar. 

"You're kidding right? Please tell me you're kidding! Mali mali ang resulta ng test niyo, ulitin niyo 'yan! Hindi 'yan totoo, this can't be!"  

Pumunta agad ako sakanya para awatin siya. "Hugo, stop it!" 

"I'm sorry but she has to undergo a chemotherapy." 

Napahagulgol si Tita, I saw her sat beside Ruru then hugged her. Tito rushed to her side, they're both sobbing. 

Binitawan ni Hugo ang doctor tsaka malakas na sinuntok ang pader sa gilid niya.

"N-No... You're l-lying," pumiyok siya. 

Confident pa akong normal na sakit lang ang nararamdaman ng kaibigan ko tapos ibabalita niya sa amin na may cancer si Ruru? Ang mas masama pa do'n buntis siya!  

Kahapon lang nagtext pa siya sa'kin na hindi niya makakapasok dahil nilalagnat daw siya tapos ngayon... 

Tears pooled in my eyes. This can't be true..What will happen to the baby if she's in chemo? What will happen to my bestfriend?

"Cancer usually won't affect your unborn baby, but certain therapies might pose risks." 

"O my god," ani ni Tita at mas umiyak pa. 

I can't say anything... I'm out of words. 

Napaupo nalang si Hugo sabay takip sa mukha at umiyak. Alam kong masakit para sakanya 'to, I know he's blaming himself right now. Baka iniisip niya na kung hindi niya tinanan si Ruru ay maayos pa 'to ngayon. 

Imbis na galit ang maramdaman ko kay Hugo dahil binuntis niya ang kaibigan ko ay mas nangibabaw ang awa. Awa dahil alam kong mahirap para sakanya 'to. 

Bago pa man tumulo ang luha ko ay bumukas na ang pinto at iniluwa ang nag-aalalang mukha ni Mommy, sa likod niya ay si Daddy at si Rio na mabilis sinuyod ng mata ang silid. 

Anong ginagawa ng isang 'to dito? Wag niya sabihing tinawagan nanaman siya nila Mommy dahil nawawala ako? 

"Iha! I am so damn worried when Manang Leticia said you're not in your room! Kung hindi pa tumawag si Valerio sa amin at sinabing nandito ka baka nagpa search and rescue na kami," madramang utas ni Mommy sabay yakap sa akin. 

I sighed and hugged her back. 

"I'm sorry, I'm just worried about Ruru when I heard she's here in the hospital. I sneaked out," pag amin ko. 

Tumigil sa pag iyak sila Tito at Tita nang makita sila Mommy na pumasok. 

"Fatima..." tawag ni Tita kay Mommy. 

Mommy quickly ran to her side and hugged her. Tita started crying again, my parents still doesn't know about Ruru's condition. 

Nagbatian naman si Tito at Daddy. 

Kapatid na ang turing ko kay Ruru at close din siya sa mga magulang ko. Lagi siyang nasa bahay noon at halos doon na tumira dahil kaaway niya ang mga magulang niya. I know my parents is worried about her too. 

"Honey, umuwi ka muna para makapag-pahinga. May klase ka pa ngayon, bumalik kana lang mamayang hapon," utas ni Daddy sa akin. 

I nodded at him, 'yun nga din ang balak ko. I want to give them space for now. 

"Dito muna tayo Bernard, iha magpahatid kana kay Rio," ani naman ni Mommy. 

"I have my car po."

"I'll come with you, you look tired I'll drive you home," Rio butt in. 

"I'm tired but I can still drive." 

"Still, I'll come with you." 

Ang kulit naman ng apog nito, nakakainis! Hindi man lang makiramdam. Iritado ko siyang hinarap. 

"Will you ple—" 

"Lawliet, magpahatid kana. Don't make me worry again," si Daddy. 

I heavily let out a sighed. Damn this old hag! Pasalamat siya nandito ang parents ko pati sila Tita. 

Pumunta ako sa pwesto ni Hugo at yumuko para pantayan siya. I can still see his tears rolling down on his cheeks. I hold his arms. 

"Hugo, please be strong for her." 

"This is my damn fault," aniya sa garalgal na boses. 

"No, this is not your fault. Wag mo sanang ipakita sakanya na sinisisi mo ang sarili mo, you know she won't like it right?" 

Mahal na mahal siya ni Ruru. Lagi niya 'tong pinagtatanggol sa mga magulang niya, ayaw rin no'n na nakikita si Hugo na sinisisi ang sarili pag may nangyayari sakanya. I need Hugo to be strong for my bestfriend, siya lang ang kakapitan nito ngayon lalo na't magkaka baby na sila. 

He nodded and force himself to stand up. 

"Thank you," aniya. 

Pagod lang akong ngumiti. 

I bid my goodbyes to them bago lumabas ng pinto. I felt Rio's presence on my back, hindi ko nalang pinansin. Pagod ang utak ko ngayon, isama mo na din ang katawan dahil hindi ako masiyadong nakatulog. Bangag na bangag ang pakiramdam ko ngayon, kung pwede lang sana umabsent muna kaso marami kaming tinatapos. 

Hindi ko alam kung anong mangyayare sa pag aaral ni Ruru, baka i-homeschool siya o patigilin muna ng parents niya. 

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa parking lot dahil sa lalim ng iniisip ko. I felt Rio's hand on my waist and guide me on his car, he opened it for me. 

Wala ako sa sarili ngayon kaya hinayaan ko lang siya. Wala akong lakas para makipagtalo pa. 

Mabagal lang ang patakbo niya, he's seriously driving. Mabuti naman at tahimik siya ngayon, pabor na pabor sa akin. 

Pagparada niya ng sasakyan niya sa garahe namin ay mabilis din siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. 

Sinalubong kami ni Manang Leticia. 

"Iha, mabuti naman at nakauwi kana. Akala ko hindi ka papasok ngayon, halika na sa kusina para maka-kain kana."   

"Maliligo po muna ako Manang, mamaya na ako kakain." 

Tumango si Manang. "Sige, bilisan mong mag ayos dahil male-late kana. Alas otso ang klase mo hindi ba?" 

"Yes po," sagot ko. 

"Nandito na rin lang si Sir Rio, magpahatid kana ha? Pinapunta ng Daddy mo si Cristobal sa hospital para kunin ang sasakyan mo, baka mamaya pa 'yon dumating." 

Wala sa sariling tumango ako at dire-diretsong umakyat na ng hagdan. Feeling ko tuloy ako din ang magkakasakit dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngayon, hays. 

Mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili, ayokong ma-late ngayon dahil terror pa naman ang prof namin sa unang subject. Tatapusin ko pa yung isa kong assignment na hindi ko natapos kagabi dahil pasahan na ngayon, sana lang may oras pa ako para gawin 'to mamaya sa school. 

Dali dali akong bumaba at naabutan si Manang Leticia na hinahanda na ang almusal ko. Wala si Rio, baka nainip ba kakahintay kaya nauna ng umalis. 

Nagkibit balikat nalang ako. 

"Andito kana pala, hala sige kumain kana. Niluto ko 'tong paborito mong leeg ng manok, naghanda na din ako ng baon mo at baka gusto mong magpapak niyan mamaya sa skwelahan niyo." 

Napangiti ako, nakakatuwa naman si Manang alam na alam talaga ang gusto ko. 

"Thanks Manang, kailangan ko nga talaga ng comfort food ngayon dahil andami pong nangyare." 

"Narinig ko nga sa Daddy mo na na-hospital daw ang kaibigan mo. Sana ay maayos na siya ngayon," aniya. 

"Matagal po ho siguro bago siya gumaling, at sana nga magdilang-anghel ka, Manang." 

"At bakit naman iha? Malala ba ang sakit niya?" 

Malungkot ko siyang tinignan. 

"She's pregnant po, she also have cancer." 

Napasinghap si Manang at nanlalaki ang matang tinignan ako. 

"Jusko, kawawa naman ang batang 'yon. Hindi kaya maapektuhan ang bata sa sinapupunan niya? Bihira lang ang ganyang kaso dito sa Pilipinas." 

"I still don't know Manang, I just hope that the therapy won't affect the baby."

"Sana nga, ipagdadasal ko ang kaibigan mo iha," aniya. 

"Salamat po." 

Akala ko umalis na si Rio kanina pa dahil hindi ko siya nakita pagbaba ko pero paglabas ko ng pinto ay siya namang pagsulpot niya sa gilid ko. 

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. 

"What the hell, Rio! Can you please stop appearing that way?" 

He chuckled. "I didn't know that you're kind of jumpy." 

Inirapan ko siya sa inis, bwisit! Pasalamat siya at ayoko ng makipagtalo, mali-late na ako!

"Ihatid mo na ako! Bilisan mo mag drive dahil ayokong ma-late," utos ko sakanya sabay pasok na sakanyang sasakyan. 

"You're taking advantage of my kindness huh?" 

Humalukipkip ako at tinignan siya ng masama. 

"Yes I am, happy? Can you please drive now?" iritado kong saad. 

Amusement crossed his eyes before he slowly maneuver his car. 

"I will be out of town this week, I have an important meetings to attend in Italy," basag niya sa katahimikan. 

Hindi ako nagsalita, anong pake ko? Kahit pa wag na siyang bumalik, tss. 

"Our wedding is scheduled next month, pagbalik ko aasikasuhin na natin lahat. I heard that you want a civil wedding, I'm fine with that. I'm not really fond of media and reporters, they're annoying," dagdag niya. 

"K," tanging tugon ko sakanya. 

I don't feel like talking that much right now. Buti naman at pumayag siya sa gano'n, parehas pala kaming ayaw sa mga reporters. Iisipin lang nila na for publicity ang wedding namin at cover up sa issue ng papalubog na kompanya ni Daddy. 

My family being judged and criticized by the media is that last thing I want to happen. 

Walang imik akong bumaba ng sasakyan niya at tinakbo na papasok ang campus namin. Hindi ko na siya nilingon, may kailangan pa akong tapusin. 

Tinignan ko ang oras sa suot kong relo. 7:45 na may 15 minutes pa ako para tapusin 'tong assignment ko. 

Naisipan kong sa football field nalang namin pumunta dahil may mga upuan doon at medyo nasa tagong parte. Malapit na din 'yon sa building namin kaya naman dali-dali akong tumakbo papunta doon. 

Nilapag ko agad ang mga gamit ko sa upuan at nilabas ang kailangan kong sagutan. 

"Lawliet?" 

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, si Damon! 

"Hi!" bati ko sakanya at tinutok na uli ang atensyon sa sinusulat. 

"What's that? Mukhang stress na stress ka ha," puna nito sa akin. 

Sinagot ko siya habang naka focus pa rin sa sinusulat. "Assignment namin, pasahan na ngayon at hindi ko nagawa kagabi." 

"Is that the business proposal assignment?" 

"Uh, yes." 

"Want to copy mine?" alok niya. 

That offer caught my attention, wala pa ako sa kalahati ng sinusulat at on the spot ko pang pinag-iisipan ang mga nilalagay ko dito. Hindi naman siguro masamang mangopya kahit isang beses lang ano? Hindi naman siguro mahahalata ni Sir dahil magkaiba kami ng klase. 

"Uhm, p-pwede ba? Mali-late na kase ako e," nahihiya kong tanong. 

"Of course," aniya sabay labas ng ginawa niyang assignment. 

"Here." 

Mabilis kong inabot ang papel niya at binuklat. Ang ganda naman ng handwriting niya, ang linis! Hindi gaya sa akin na halos hindi na maintindihan lalo na't ngayong minamadali ko pa. 

"Thank you so much, Damon! Hulog ka ng langit!" utas ko at kinopya na ang gawa niya. 

He chuckled. "No problem, basta ikaw." 

Napangiti ako sa kabaitan niya, mabilis kong tinapos ang assignment dahil 5 minutes nalang at paniguradong tutunog na ang alarm ko for the first subject. Kung hindi lang terror ang prof namin ngayon ay hindi ako matataranta ng ganito. Ma-late ka lang ng ilang segundo sa klase niya ay hindi kana makakapasok. 

Binalik ko agad ang papel ni Damon tsaka ilang ulit na nagpasalamat. I even invited him to join me on lunch at ililibre ko siya, he said yes. 

Tumakbo na ako patungo sa building namin, buti nalang at mas nauna ako sa prof kong pumasok sa classroom, nasa likod ko siya.  

I let out a sigh. 

Woo! That was close! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status