Share

CHAPTER 5

"How's your day?" 

Salubong sa akin ni Rio nang sinundo niya ako ngayong dismissal namin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko, ang tarantadong 'to nakailang text sa akin kanina at sinabing susunduin daw ako, hindi pa nakuntento at tumawag pa sa kasagsagan ng klase namin. Napagalitan tuloy ako ng professor ko!

"Don't talk to me," galit na utas ko sabay pinagbuksan na ang sarili para pumasok sa sasakyan niya. 

Malakas kong binalibag ang pinto ng sasakyan niya para isara. Badtrip na badtrip ako ngayon dahil sa kahihiyang natamo ko kanina! Ikaw ba naman ang pagtawanan ng mga kaklase mo dahil pinagalitan ka ng prof ewan ko nalang! 

"What's your problem? I'm asking you young lady, don't give me that attitude."

I can sense his irritation. 

Ha! At siya pa ang may ganang magsungit ngayon? Aba't–

"Hindi ka ba nag-aral noon at hindi mo alam kung ano ang oras ng dismissal? Pinagalitan lang naman ako ng prof ko dahil sa tawag mo!" 

Kung iritado siya, mas lalo na ako! 

"If you don't want me to call you, then atleast reply to my messages!" 

Galit ko siyang nilingon. 

"For your information Mr. Folkvangr, wala kang karapatang utusan ako! Nasa kontrata ba ng pagpapakasal ko sayo ang pagiging demanding mo? Tsaka ba't ba kase kailangan mo pa akong sunduin? Kung inuungot mo yang reply reply, then bahala kang maghintay diyan dahil hindi ako nagloload!" 

I lied. Hindi ako nawawalan ng load, naka plan 'tong sim ko. Sadyang ayoko lang talaga magreply dahil nasa kalagitnaan nga ako ng klase! 

He sighed. Napahilot pa siya sa sintido dahil sa lakas ng boses ko, may mga dumadaan pa naman sa harapan namin. 

"Hindi nila alam na magpapakasal tayo para lang maisalba ang kompanya niyo okay? You shouldn't act like this infront of other people!" 

Wow!

"You're talking as if kami lang ang makikinabang sa pesteng kasal na 'yan! Tell me, why did you help my parents in exchange of marrying me huh?" 

Hindi siya sumagot, tutal nandito na din lang kami edi pag-usapan na namin 'to. Gusto kong malaman kung ano ang mabebenefit niya sa pagpapakasal sa akin. Mukhang wala naman kase. 

Hindi na ako nakatiis at tinanong ko ang pinaka nakakahiyang tanong sa utak ko. 

"Do you like me?" tanong ko sakanya nang hindi pa rin siya sumasagot. 

Naalala ko kase ang usapan namin ni Ruru. 

He looked at me with his fiercing eyes. 

Nakakahiya man ay itinanong ko na! I can't see any possible way or reasons to benefit his company when it merged with us. I read his information on the internet and he's freaking rich! So ano nga ba ang pakay niya sa amin at kailangan pa ng kasal? 

Hindi sa nagrereklamo ako dahil malaki nga naman ang maitutulong niya sa kompanya namin. But still, he's being questionable!

The intensity of his look brought me goosebumps. Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang labanan ang mga mata niyang nagsusumigaw sa kaseryosohan. 

"I don't, you're too young for me. Hindi ako mahilig sa bata, I just choose to marry you because of personal reasons," aniya sabay paandar na sa kanyang sasakyan. 

Natahimik ako, may kung anong kumirot sa dibdib ko. Parang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Ako? Bata? Wag niya sabihing nasa trenta na siya para sabihin 'yon, I'm already 19! Lagpas na nga sa legal age kung tutuusin, badtrip. 

Nakabusangot akong bumaba ng sasakyan niya. Akala ko bababa pa siya pero hindi na niya pinatay ang makina ng sasakyan at basta nalang pinaharurot paalis. 

Nagkibit-balikat nalang ako. Personal reasons my ass!

"The merging of the company will be announce this week." 

Nag angat ako ng tingin kay Daddy. Andito kami ngayon sa dining room at kumakain. Ang bilis, hindi na ako magtataka kung this week na din ang kasal. 

"I will call Mariel para sa susuotin mo sa party iha, umuwi ka ng maaga bukas," utas sa akin ni Mommy. 

"Mom, I still have my gowns on the closet. Halos bago pa lahat ng 'yon, wag na pong magpagawa uli." 

Gastos lang. 

"Okay it's up to you honey." 

Nilingon ko naman si Daddy. Kanina ko pa inaantay ang sasabihin niya about sa kasal pero parang wala ng kasunod ang sinabi niya kanina. 

I sighed. 

"Dad, what about the wedding? Baka this week din 'yon naka schedule at hindi ko alam?" ani ko na may halong sarkasmo. 

Can't help it. Sana lang hindi nila mahalata. 

"Next month ang kasal niyo iha, Rio want it to be done this week but I told him you need time." 

Excited ang ugok. Akala mo tatakasan! Buti naman at next month pa, baka magbago pa ang isip nila at hindi na ituloy ang kasal. I just wish that Rio will change his mind at iba nalang ang hilingin sa parents ko. 

"I want a private civil wedding," bulalas ko sakanila.

Mas mabuti nang masabi ko ng maaga ang gusto para kung sakaling matuloy ang kasal, alam na nila. 

Nagulat naman sila sa sinabi ko. 

"B-But iha, it's your wedding and you're a Montesur," si Mommy.  

Exactly! It's my wedding kaya dapat ako ang masunod. I don't care if I'm a Montesur, ayokong malaman ng lahat ng tao na kasal ako sakanya. Ayokong isipin nila na ginagamit lang namin siya para umangat uli ang kompanya namin, that's a shame for my family. 

Ayoko silang pag-usapan ng media at ng mga taong makikitid ang utak. I hope Rio will consider this one, mapapahiya ang parents ko kung sakali. I don't want that to happen. 

"Let her, Fatima, 'yun ang gusto niya. We already forced her to agree on this marriage, let's draw the line here." 

Napabuntong-hininga si Mommy. Daddy hold her hand and kissed it. Good thing Daddy understand me. 

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko. I have some paperworks to do kaya puyatan nanaman 'to. Ang hirap pag graduating!

Naligo muna ako para maginhawaan ang pakiramdam bago sinimulan ang mga dapat gawin. Mid term na, kailangan kong tapusin ang mga 'to para hindi na ako maghabol sa mga requirements dahil kailangan ko pang mag review for the exam. Hindi ako pwedeng bumagsak, last year ko pa naman na. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang tumunog ang cellphone ko. 

Hugo is calling...

Nagtaka naman ako, bihira lang 'to tumawag. Tsaka ang last na tawag ata nito ay nung hinahanap niya sa akin si Ruru. Ano naman kaya ang kailangan nito ngayon e nasa iisang condo naman na sila? 

Sinagot ko naman agad...

"Hello?" 

"Hey Law, pwede ka bang pumunta ngayon dito sa Balthazar?" 

Nagtaka ako, Balthazar? Hospital 'yun ha!

"Huh? What happened? Ba't nandiyan ka?" Where's Ruru?" tuloy tuloy kong tanong. 

"She's admitted here, nahimatay siya kanina. I'm worried, ilang araw na siyang nanghihina." 

Nasapo ko ang noo ko, plano ko nga palang pumunta sa condo nila kanina nakalimutan ko lang dahil sinundo ako ni Rio. 

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, it's 11 PM. Tulog na siguro sila Mommy, ayoko naman silang gisingin.  

Maybe I can sneak out? Maiintindihan naman siguro nila pag nalaman nilang pinuntahan ko si Ruru sa hospital. 

"Okay, pupunta ako diyan," utas ko. 

Nagbihis ako ng isang plain black hoodie with white t-shirt sa loob tsaka jogging pants. Kumuha na rin ako ng face mask dahil baka mahamugan ako sa daan. 

Bumaba ako ng hagdan at nakitang wala ng bantay sa gate ng mansyon namin. Sa ganitong oras kase tulog na lahat ng tao sa bahay. Wala namang magtatangkang magnakaw dito dahil mataas ang seguridad ng subdivision namin dahil puro high profiled ang nakatira dito. 

Halos lahat ata ng bahay dito ay may kanya kanya ding security system. 

Binuksan ko muna ang gate bago pinaandar ang sasakyan palabas tsaka binalikan uli ito para isara. 

I sighed. 

Sana ayos lang si Ruru. I doubt if her parents will visit her in the hospital, hindi ko rin alam kung sinabi ba ni Hugo sa mga magulang niya kung anong nangyare sa bestfriend ko. 

I'm worried that's why hindi ko na pinabukas pa ang pagpunta sakanya. She needs me, I know that. I am her crying shoulder, ako ang takbuhan no'n pag nag aaway sila ng parents niya. 

Mabilis akong nakarating sa Balthazar dahil walang traffic ngayon dahil gabing gabi na. I texted Hugo telling him na nandito na ako sa labas. 

Nakita ko siyang lumabas ng hospital at hinanap ako. He looks so worn out. 

"How is she?" tanong ko agad sakanya. 

He ruffled his hair. 

"The doctor is still running some test. Tara na sa loob, malamig dito." 

Tumango ako at sumunod na sakanya papasok. 

We entered a private room. I saw my bestfriend lying down on a hospital bed, she looks so weak. I quickly sat beside her and hold her cheeks. 

"Ru, ang sabi ko kanina bibisita ako sa condo niyo hindi dito sa hospital. What happened to you? Please don't make me worry," ani ko sakanya kahit tulog siya. 

"Lumabas ako kanina para bumili ng gamot niya kase ubos na, pagdating ko nadatnan ko siyang nakahandusay na sa harap ng pinto namin." 

"Did you contact her parents?" tanong ko kay Hugo. 

He nodded. 

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. 

"Anong sabi?" 

"Her parents are out of town, pauwi na daw sila." 

Paniguradong galit nanaman ang mga 'to kay Hugo. Knowing Tito and Tita, ayaw talaga nila sakanya. For sure isisisi nila sakanya 'to. 

"Hugo, kung ano man ang sabihin sayo ng parents niya wag na wag kang magpapa apekto okay? Don't leave her please?" pakiusap ko. 

He smiled. "Of course, makakaasa ka." 

I sighed in relief when I heard him say that. I know Hugo is true to his words, kahit ang dalawang kapatid ni Ruru ay hindi nakikialam sa relasyon nila, ang parents lang talaga niya. 

"Thank you," utas ko sakanya. 

I stayed awake for about two hours. Sinabihan ko siyang matulog muna at sumunod naman. Alas dos na nang magising siya at ako naman ang sinabihan na matulog, siya na muna raw ang magbabantay. 

I sleep on the same couch where he slept. Sana pag gising ko meron na ang resulta ng sinagawang test kay Ruru. Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman kung anong sakit niya, she look so pale. 

"IF YOU DIDN'T TAKE HER AWAY FROM US, HINDI NA SANA 'TO NANGYARE SAKANYA!" 

Naalimpungatan ako sa sigaw na narinig ko. Kinusot ko ang mata ko bago bumangon, maliwanag na sa labas. 

Nakita ko si Tito Demcy na hawak hawak ang kwelyo ni Hugo, the rage on his eyes are so evident. Sa likod niya si Tita Celestine, si Kuya Angelo at Kuya Valerio. 

Kumpleto ang pamilya ni Ruru ngayon. 

"Pa, wag na tayong maglokohan dito. Kung sinuportahan niyo nalang sana ang relasyon nilang dalawa, nasa maayos sanang kalagayan ang bunso niyo ngayon," iritadong sabat ni Kuya Angelo. 

"Shut up, Angelo! Kaya ang tigas ng ulo ng kapatid niyo dahil sa pagkunsinti niyo!" 

"Stop blaming the person who only wants to love your daughter. Hindi niyo 'yon maiparamdam sakanya dahil puro kayo nakatutok sa pagpapalago ng kompanya," dagdag pa ni Kuya Angelo. 

"Iho, please stop it." 

Lumapit si Tita sakanya at pinakalma siya. 

Tumayo ako at lumapit sakanila. Tito saw me so he quickly released Hugo from his grip. Walang imik na pumunta ako sa pwesto ni Tita, I kissed her cheeks. 

"Nandito na po pala kayo, kamusta po?" tanong ko sabay punta naman sa pwesto nila Kuya Valerio at Kuya Angelo. 

I hugged both of them. 

"We're fine iha, umuwi agad kami nang malaman na nandito sa hospital si Ruru. What about your parents? Kamusta sila?" si Tito. 

"They're okay naman po." 

"I'm sorry sa ingay iha, nagising ka tuloy namin," hinging paumanhin ni Tita. 

"It's okay po, I just hope that you settle this matter outside. Tulog pa po kase si Ruru, baka ho makasama pag dito pa kayo nag away." 

Napatahimik naman sila sa sinabi ko, pansin kong walang kibo si Hugo sa gilid. Nakatulala lang siya habang nakayuko. 

I know that he's guilty, pero alam ko din naman na hindi niya pinapabayaan si Ruru. May mga pagkakataon talaga na hindi natin maiwasan ang ganitong pangyayari. Mukhang wala pa rin namang result sa test ni Ruru kaya nagsilabasan na muna sila. Sinunod nila ang payo ko, buti nalang. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Mernilo
hello Po miss A Ang Ganda Po talaga Ng story mo salamat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status